Bricks

1.4K 75 7
                                    


Madaling-araw na pero gising pa rin si Colbie kaya gising pa rin ang dalawa.



"Two days ka nang wala sa salon mo." Kasalukuyang tinatakpan ni Karylle ang feeds ng isda matapos magpakain sa aquarium nila. Patay na ang ilaw at yung blue light na lang ng aquarium ang nagsisilbing pailaw sa buong paligid. Para daw antukin na si Colbie.

Si Vice naman, kakatext lang kina Negi na muli, hindi siya uuwi dahil nakina-K pa siya ngayon.

"Bagay sa'yo yung damit ni Kuya." K winked upon standing in front of him, habang si Vice, nakahilata sa mahabang sofa sa sala.

Natigil na din sa pagreply sa jowa si Vice dahil na-bore na siyang katext ito. Sinabihan niya lang ng "Goodnight, Baby Boy. Tulog na Me. Zzzzzzzzzzzzzz"

Magtext man ng magtext muli ang nasa kabilang linya, ay hinayaan na lang niya na magvibrate ng magvibrate, basta sina Negi nirereplyan niya.

Umangat siya ng tingin mula sa cellphone at tinambad nito si Karylle na nakapajama sa harapan niya.

Umangat siya ng tingin mula sa cellphone at tinambad nito si Karylle na nakapajama sa harapan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

 Nakapamewang ito't nakangiti. "Wag ka mag-make-up bukas. Ang pogi mo!" napapahagikhik na sabi ng dalaga.

Tipid na nangiti si Vice at tinago na ang cellphone sa bulsa. 

"Gwapo ka nga ba, o ma-appeal ka lang talaga?"

"Tigil-tigilan mo nga pagkilatis sa mukha ko, Karylle ha. Pepektusan kita sa lungs."

"Ikaw na nga 'tong pinupuri." She pouted, kasunod ay nag-indian seat na lang siya sa sahig at sinamahan maglaro ng bricks ang nakaupong si Colbie.

"Blllllrrr bbrrrr... Yaaaaakkkk! Arrjjjkkk dadmkklll Mamam.... Daddd brrrks"



"Andaldal mo Colbie." Asik ni K habang nagko-concentrate sa sariling figure na binubuo gamit ang mga bricks. Maya-maya, nang makitang nahihirapan na naman magdugtong ng bricks si Colbie ay tinuruan niya na ito.

"Kurrrpl-pl-pl-pl yaaaa kiiiisssurtmaaa—aaah~!"

Tahimik lang sila na pinanood ni Vice na tumagilid na ng pagkakahiga sa sofa. Inayos niya ang sariling pwesto para mas mapagmasdan ng maigi si Karylle at ang sanggol.

"Pwede rin pala kayong magnanay ano?" anya, nakapatong sa armrest ang pisngi.

"Huh?" pagtingala ni K kay Vice habang tumutulong kay Colbie na buuin kung ano man gusto nito. Pinagpapatong-patong lang kasi ni Colbie ang mga blocks tapos nahuhulog yung iba. Kaya naiiyak na lang si Colbie kasi ayaw kumabit nung dinudugtong niya. Dine-demo ni K kung paano.

"Parehas kayo kulot." Abot-matang nangiti si Vice pagkasabi nito.

"Kulot kasi lahi namin... Kahit si Kuya diba? Tas kulot din sina Coleen. Kaya walang takas 'tong maliit na 'to."

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon