Chapter 4: The Annoying Newbie

Start from the beginning
                                    

"Tigilan mo na yang iniisip mo Gyeong." usad ko at napatawa lang siya.

Maya maya'y pumasok na rin si Ma'am Willmae kasama ang isang matangkad, maputi at gwapong lalaki. I really appreciated him that way. Pinakilala na siya ni Ma'am kaya di na ako nakinig because I just found him nothing.

Nagbasa na lang ako ng Harry Potter: Prisoner of Azkaban. I really love fantasies and adventures.

"Hey, I think someone did not notice my hotness huh?!"

Napahinto ako sa pagbabasa sa narinig kong boses na sobrang hangin sa kapogian. Tsk!

"Hoy Miss Chocolate brown hair!"

Napalingon ako sa paligid. Ako lang naman ang may chocolate brown hair rito. I heard Min cussed. Itinuro ko naman ang aking sarili.

"Yes. Ikaw nga Miss. Ikaw lang naman ang may ganyan na kulay ng buhok rito." puna nito. 

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Excuse me?"

"Hahaha. You're cute."

Napa "oh" naman ang mga classmate ko. He is really annoying. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Well, my name is Duri Meyer from West Philippine Academy."

Napatigil ako bigla sa pagbabasa. West Philippine Academy? West Philippine Academy is located in Palawan. Wait, that was supposed to be the school na ipapaenroll ako ni Kuya at ni Papa. Argh, I remember him again. It's been 7 years nang hindi na siya nagpapakita sa amin. 

He has been staying in Germany at sa narinig ko kay Kuya, tungkol raw sa business. I don't know, he loves business than making some memories with us. Pero nagpapadala rin naman siya ng pera sa amin every weekend. Sobra pa nga sa hinihingi namin ang ibinibigay niya. Minsan nga, I wondered about his business. I hope it wasn't illegal. 

Back to the topic.

I've heard a lot about sa West Philippine Academy since it was the most famous school sa buong city at maging sa ibang city. And why he transferred here in Southville High na mas maganda ang mga bagay doon. Or should I say, mas high-tech likewise dito. But, Southville High was more advanced than WPA. As far as I know.

Napansin kong naghihiyawan ang mga classmates ko. Mukhang mas lalakas ata ang hangin nitong lalaking ito.

"Ok Mr. Meyer pwede ka ng umupo kahit saan."

Lumakad na ito kaya di ko na lang siya pinansin.

"Selene sobrang hangin niya. Hindi ko siya gusto." narinig kong bulong ni Gyeong.

Even Gyeong didn't like his attitude. Dumako naman ang tingin ko kay Min kung saan dalawang upuan ang pagitan namin. Nakatutok ito sa bagong estudyante. No, they're actually staring to each other na para bang nagpapalitan ng inis o galit sa isa't isa.

I don't know, I can't describe what they are thinking, but it seems Min also didn't like his attitude. Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa sa libro nang naramdaman kong may huminto sa gilid ko. Sucks, I knew it.

May space pala dito sa right side ko. Sana dito ko na lang pinaupo si Min o si Gyeong.

"Hey Miss Cute, nagbabasa ka pala ng Harry Potter? Parehas pala tayo ng lasa!"

I bit my lips. As my hobby. Napalakas pa naman kasi ang pagkasabi niya. Ang sarap sapakin kung wala lang si Ma'am eh!

"Ms. Martin, you can go now!"

"Ay palaka!"

Napasigaw tuloy ako. Narinig ko namang tumatawa na ang mga classmates ko. Napalingon ako sa bagong estudyanteng ito at nakangiti lang ito na parang walang nangyari.

That Annoying Newbie.

Napalingon naman ako kay Min, and he is seemingly staring on me wearing those mixed emotions I can't even explain.

"Ano pa ang hinihintay mo Ms. Martin?!"

Isa pa itong teacher na ito. Lumakad na lang ako hanggang sa napunta ako sa labas.

It was already 3pm at nasa field ako ng campus. Tumatakbo. Yeah, that was one of my hobby. Kapag naiinis ako o galit o basta stress ay tumatakbo ako sa buong field. Paikot lang naman. And I am actually running for almost 5 times.

Nararamdaman ko na ring pinagpapawisan na ako. Until I reached the place where there is some bleachers at nakita ko na naman ang annoying newbie na iyon, and he is intently staring at me.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na ako sa pagtakbo pero bago pa man ako nakalayo, bigla siyang nagsalita.

"Selene Charity Martin!"

Napatigil ako bigla. Hindi rin siya stalker ah? I remained silent pero nararamdaman ko na ang mga yapak niya papunta sa akin.

"Selene Charity Martin pala ang name mo Miss cute.puna nito. 

Tsk.

"Well, athletic ka pala ano? Kanina pa kita pinagmamasdan and you're quite good in running."

Kanina pa pala ako pinagmamasdan ng annoying newbie na ito?

"Ano naman?"

"Hahaha. Napakaistrict mo naman."

Lalapit na sana siya sa akin nang biglang may tumawag sakin.

"Boo!"

Napalingon ako sa sumigaw di kalayuan sa puno malapit lang sa kinatatayuan namin. It's Min.

"Boo ang tawag niya sa'yo?"

Bwisit talaga, kahit boses nakakainis.

"A nickname." tipid kong sagot. Napansin ko namang napalitan ng amusement ang expression ng kanyang mga mata.

Hanggang sa dumating na lang si Min. Nabigla pa nga ako nang hinawakan niya ang kamay ko at inilayo kay Duri that makes me uncomfortable.

"Let's go." maawtoridad nitong wika.

Aangal pa sana ako nang naging mas mabilis ang paglalakad namin.

"Wag kang lalapit-lapit sa kanya. Hindi mo siya kilala.seryoso nitong wika habang nakatingin sa malayo. 

Napataas naman ang aking kilay. Ano ang ibig niyang sabihin?

As when I stared back to the place kung saan kami nakatayo kanina, Duri Meyer is staring on us, especially in our hands, holding. What the! Bigla naman akong namula at binitiwan ang kamay ko na hawak-hawak ni Min.

As he figured it out too, we walk silently and awkwardly.

This is a mess. I hate it. And I hate that annoying newbie named Duri.

***

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Where stories live. Discover now