Chapter 3: Case Closed

Start from the beginning
                                    

Napaisip ako sandali.

"Wala akong maalala."

Napahawak naman siya sa kanyang baba.

"Hmmm, let's find out that after this." puna nito at pumasok sa kabilang room kaya sumunod na ako.

Hanggang sa science lab kami napunta at kahit madilim ay may nakikita pa rin kami kung saan nakita namin siyang pinupunasan ang dugo sa paanan ng arm chair na nakita lang kamakailan ni Min.

"Buti naman po at naisipan niyong linisin ang kalat niyo Sir Joey."

Yeah, it was Sir Joey. Biglang napahinto si Sir Joey sa ginagawa at napatingin sa amin. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla at takot.

"A-Anong g-ginagawa niyo dito?!"

"Akala mo siguro hindi namin madidiskubre ang ginawa mo kay Miss Jenny?" panimula ni Min.

All we need to do is to frame up him while the authorities are coming.

"What do you mean dear students? Bago pa lang ako rito at may hinahanap at nakita ko na lang ang arm chair na ito na may dugo. At naisipan kong ipunas ang dugo sa bulak para maibigay ko sa mga police." usad nito. 

What a lame and unjustifiable reason.

"At this hour? It was already 9 in the evening, at tsaka di kayo pumapasok sa science lab dahil may phobia kayo dito, right?" usad muli ni Min.

Wait, hindi ko alam na may phobia pala si Sir Joey sa science lab. Napansin kong namumula na sa galit si Sir lalo't biglang binuksan ni Min ang switch para makita namin siya sa maliwanagan.

"Mga pakialamero!sigaw ni Sir and I didn't expect na nakalapit na pala ito sa akin at bigla akong sinakal.

Ugh. This is why I hate dealing with suspects.

Sa dami ng natuklasan naming kaso, isa na ata ito si Sir sa mga delikadong suspect na gusto talagang pumatay.

"M-Min." 

Pinipigilan ko ang mga kamay ni Sir habang tumatawa ito. Sucks! Kung marunong lang ako sa taekwondo, martial arts, at ano pa ang tawag doon, then I can beat him easily. Sana kasi di ko na lang kinakantiyaw si Gyeong tungkol dito. She has a talent in martial arts since she was a national qualifier of taekwondo at isang black belter. Even Min was quite good about it, no! Skill niya nga talaga ang taekwondo.

"Alam mo bang pinaglaruan ako ni Jenny? Nung nakipaghiwalay si Vence sa kanya ay ako ang tumulong sa kanya para makalimutan si Vence. Pero ano ang nangyari? Hindi niya ako tinanggap. Kaya tinakot ko siya para matauhan siya. Kaso nagustuhan ko ang kwintas niya eh. Half million yun. Sayang lang din naman diba kung di ko mapapakinabangan hanggang sa mamatay siya. Kaso ang lintik na yun ay nabuhay pa? At hindi ko nakuha ang kwintas at ngayon nakialam pa kayo!"

Sinipa ko ang ibabang bahagi ni Sir kaya napadaing ito sa sakit kaya agad akong tumakbo palayo sa kanya habang nasa likod naman si Min na unti-unting lumalapit kay Sir habang hawak ang isang posas.

Wait, posas? Paano't may posas siya? Tila nabasa naman niya ang ekspresyon ko at sinagot nito ang nagtatanong kong isip.

"Back up.usad nito at sinipa ulit si Sir bago pinosas sa kamay patalikod.

"Bitawan niyo ko! Hahaha, bitawan niyo ko."

Tsk. Baliw.

"Tsk. So Vence is the name of Miss Jenny's boyfriend." bulong ko sa sarili.



Maya-maya'y dumating na rin ang mga Police. May lumapit naman sa aming isang Police na sintaas lang ni Min. 5'10 kasi si Min kaya maliit ako kumpara sa kanya. And yeah, my height was just 5'5.

Ngumiti ito kay Min pati rin sa akin.

"Magandang gabi Min Lopez at sa iyo?"

"Selene Charity Martin. You can call me Selene, Sir." sagot ko.

"Ah, I see Ms. Charity. I'm Inspector Luigi Park. So, well Min akala ko ayaw mong magkagirlfriend?"

The heck?!

"Hindi kami!"

"We're not"

Sabay naming sigaw ni Min.

"Hahaha. Pero Ms. Charity, pwede ko bang makausap sandali si Min?" nakangiti nitong usad na parang nanunukso pa rin.

Tinignan ko siya ng masama kaya naman napatawa ulit ito. Kailangan pa bang humingi ng permiso sa akin? Tsk.



Maya-maya'y umalis na rin sila. Pero tila matagal na ata silang magkakakilala. Kaya ba siguro ay madali na lang sa amin ang ipaalam ang nalalaman namin sa mga Police kasi magkakilala sila? At marami na ang pinagsamahan nila?

Tinitigan ko ng maigi si Min habang kausap si Inspector Park. Mukha atang seryoso ang pinag-uusapan nila.

Nagpaalam na rin si Inspector Park sa amin. At bago pa ito umuwi ay pinagsabihan pa niya si Min na ingatan niya raw ang girlfriend niya. Tsk. He was really annoying.

Sabay na rin kaming umuwi ni Min.

10 na rin ako nakauwi sa bahay. Nagpaalam na rin si Min sa akin at dumiretso na ako sa loob. At buti na lang naniwala si Kuya Ki na natraffic lang kami ni Min kaya nakauwi nako ng late.

Dumiretso na rin ako sa kama.

This day was quite fascinating. At bukas alam kong balik normal na naman ang lahat. Sana nga.

Bago ko ipinikit ang aking mga mata naalala ko bigla si Mama. I promise to you Mom, I will find those guys who killed you.

At sana nga sa pagkakataong ito, mahanap ko na ang mga katanungan bumabagabag sa aking isipan.

Maybe this time, I can find what I need to find.

***

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Where stories live. Discover now