Chapter 29 - The Other Story

Magsimula sa umpisa
                                    

"I can trace it for you. Sana hindi pa tinatanggal ang sim card mo para mag ring." Sabi naman ni Joshua.

He was hoping na na-misplace nya lang ito. God! He's so clumsy. How can he forgot his cellphone?

Hindi lang contacts nya sa showbiz ang naroroon kundi ang contact nya sa underground society. What if ang nakakuha nito eh teenager na mahilig mangkalikot? Puno rin ng mahahalagang mensahe ang inbox at ourbox ng kanyang cellphone.

"Do that please." Pakiusap nya kay Joshua.

May kinuha ito'ng tila device sa tech room at ikinabit sa computer na nasa mesa nya. Tapos ay ikinabit rin nito ang cellphone nito. The he started dialing his number.

"Walang sumasagot pero nagri-ring." Sabi ni Joshua.

"Matagal ba yan?" Tanong nya.

Umiling si Joshua. "Nope. Sandali, nagte-trace na. Ooops!" Sabi ni Joshua.

"Bakit?" Nagtataka na tanong nya.

Ipinakita nito sa kanya ang monitor.

"Nasa building ng Chiamera ang cellphone mo."

Nangunot ang noo nya. "Paano'ng? Nasan exactly?" Tanong nya.

"Fifth floor. Uh oh. Nasa opisina ni Renato." Nagtataka rin na sabi ni Joshua.

Umiling iling sya. "Sandali, pupuntahan ko."

Bagamat nagtataka sya ay mabilis syang pumunta sa exit. Kung titingnan sa labas ay hanggang fifth floor lang ang taas ng Chiamera building. May parking space ito sa gilid. Pero may roon pa ito'ng da;awing palapag sa ilalim. Lahat ng myembro ng Chiamera ay nakakapasok sa unang palapag ng underground floor.

Pero ang mga high ranking officers lang ng Chiamera kagaya nya ang nakakapunta sa ikalawang palapag ng underground floor, o kaya kapag kailangan ng direct orders ng mga ito.

Mabilis nyang pinindot ang elevator button papunta sa first floor ng building.

"Good afternoon boss." Bati ng guard sa kanya.

Tinanguan nya lang ito. Muli syang sumakay sa elevator patungo na sa fifth floor.

Hindi nya pa rin malaman kung bakit mapupunta sa opisina ni Renato ang cellphone nya. He was never there mula ng dumating sya galling Cebu. SI Joshua lang din ang kasama nya the whole time kaya impossible na maaaring ipinakuha nito ang cellphone sa kanya.

"Boss, may bisita ho si Senyor." Harang sa kanya ng all around assistant ni Renato na si Lexter.

"I-I have something to ask him. It's important." Sabi nya.

Akmang pipindutin na nito ang intercom pero dirediretso syang pumunta sa pinto ng opisina nito at binuksan iyon. Wala ng nagawa si Lexter.

He saw Renato talking to a girl. Agad ito'ng tumayo ng makita ang pagpasok nya.

"What the hell Prince! What are you doing here?" Halata ang pagka gulat at pagka disgusto sa boses nito.

Bumaling ang tingin nya sa babae na nanlaki ang mga mata ng makita sya. Ilang Segundo pa at tila naging pamilyar ang mukha ng babae.

"I lost my phone. Pina trace ko kay Joshua." Sabi nya kay Renato pero sa babae pa rin nakatingin.

"What do I have to do with that? Damn it Prince! I'm busy!" Humarang si Renato sa gawi ng babae.

"You tell me. Joshua traced it back here. Nandito ang cellphone ko." Matigas na sagot nya.

Nangunot ang noo ni Renato. "What? Is this some kind of your jokes? It's not funny. What do I gotta do with your cellphone?!" Tila nauubusan na ng pasensya si Renato.

Sasagot pa sana sya ng magsalita ang babae.

"Wait! Wait!" Sabi nito. Umusog ito kung saan pareho na nilang makikita ito. May kinuha ito sa bag nito. "I'm sorry. I got your cellphone." Ipinakita nito sa kanila ang hawak nito.

"What?" Sabay nilang tanong ni Renato.

"I-I got this when it slipped in your pocket in Mactan Airport. You may not recognize me but I am the girl you bumped at there." Inabot nito ang cellphone sa kanya.

Agad nyang kinuha ang cellphone nya. Ito nga, walang duda.

"What? Nasa Cebu ka rin?" Lumalim ang gatla sa noo ni Renato.

"Hey, may concert kami ng Freedom doon. Don't give me that look." Paliwanag nya.

Kung ano man ang relasyon nito sa babae ay halatang napaka protective ni Renato dito.

"Dad, they are the reason that I was there. N-nag concert ang Freedom. Didn't I told you that I went there to watch a celebrity group?" Marahan na paalala nito.

"D-dad? What? Anak mo sya? May anak ka?" Kunot ang noo na tanong nya.

"Damn it." Mahinang mura ni Renato.

"H-hindi mo alam? I-I thought.." Nawala ang sigla sa mukha ng babae.

"Dychie, let's meet somewhere else later. I'll call you, okay?" Hinawakan ni Renato ang balikat ng anak at iginiya ito palabas.

"B-but dad.." Ayaw pa sana nito umalis.

Renato came back agitated. "What the hell do you think you are doing?" Singhal nito sa kanya.

"Wait, what? Are you telling me na may anak ka after all? She was what, eighteen, nineteen? And when are you gonna tell me about this?" Agad na sabi nya.

Bumuntong hininga ito.

"I-I didn't mean you to know at this moment." Humina ang boses nito.

"Then I demand an explanation, now!" Matigas na sabi nya.





Dychie went on shopping spree after her dad sent her out of his office.

Madaming gumugulo sa isip nya. Who would know na magkakilala ang daddy nya at si Prince Montreal? Bakit tila hindi alam ni Prince na may anak ang daddy nya?

"Miss Dychie, saan na ho tayo pupunta?"

Kung hindi pa sya pinukaw ng kasama nyang bodyguard na syang may dala dala ng mga paperbags na pinamili nya ay hindi nya mapapansin na bigla na lang pala syang tumigil sa gitna ng daan habang sumisipsip sa hawak nyang starbucks iced coffee.

Dalawa ang bodyguards na kasama nya. Dahil sa inis at gulo ng isip nya ay hindi na sya tumutol ng mauna na ang isa sa driver's seat nya at pinagbuksan naman sya ng pintuan ng isa. All she wanna do is to ask her dad the questions she brought up to her mind the moment she saw Prince's reaction when he learned na may anak ang daddy nya.

Muli syang naglakad hanggang sa may nakita syang cocktail dress na naka display sa isa'ng shop. She went inside.

"Miss, do you have another color of the cocktail dress you have there?" Turo nya sa istante. Natawa sya ng makita ang sign na "No foods and Drinks allowed" pero hindi sya sinita sa dala nyang starbucks coffee.

Oh well. Nakita naman siguro ng mga ito ang mga bodyguards na nakasunod sa kanya at ang dala dalang paper bags ng mga ito.

"Yes ma'am." Masiglang tugon ng isa'ng saleslady. "This way ma'am." Turo nito sa isa'ng istante na puno ng mga cocktail dress.

Hindi sya nagdalawang isip na kunin ang kulay pula na damit mula sa rack. "I'll get this." Nagustuhan nya rin ang design ng katabi nito'ng light green na spaghetti dress. "This one too. And oh, this one too. I love the color."

Tuwang tuwa naman ang saleslady

Inaabot nya na sa counter ang master card nya ng mag ring ang cellphone nya. Unregsitered number but she answered it anyway.

"This is Prince. Let's talk."



----------

Hi! Follow me on instagram:

instagram.com/heyleelay

and twitter

twitter.com/theellestrange

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon