"I been looking for you since yesterday." isang malagom na boses ang bumasag sa katahimikan. Agad akong pumihit at napasinghap sa pagkabigla. It's Patrick alright and he looks like a freakin demon!
Namumula ang paligid ng mga mata niya na parang nakasinghot ng bawal na gamot, ang mahaba niyang buhok ay sa iba-ibang direksyon nakatutok habang ang kanyang damit naman ay halatang kahapon pang hindi napapalitan.

"Patrick!  Oh thank God you're here! Bakit mo ako iniwan kahapon?" ako ang unang sumugod para hindi niya maisip na kasalanan ko ang lahat.

Nangunot ang noo niya. "I went back to get you pero wala ka na dun. Hinanap kita sa buong building pero nagmukha lang akong tanga!" singhal niya sa akin.

Umigkas ang kamay niya at kasabay nito ang paglipad ng isang kopita at ang marahas na pagkawasak nito sa pader.

"Nakuha nila ako!" ganting sigaw ko din habang nakapikit. "They took me but I escaped. See?" ipinakita ko ang sira-sira kong gown bilang patunay.

Nakita kong tumango-tango siya kaya napabuga ako ng hangin. Mabuti na lang at napaniwala ko siya. I thought I was doomed.

Lumapit siya sa kinaroroonan ko at hinagod ang pisngi ko gamit ang likod ng kamay niya.

"Ganun ba?" mahina niyang tanong.

Tumango-tango ako na parang isang bata na parang sa pamamagitan nun ay mapapaniwala ko siya sa mga sinasabi ko.

Natigalgal akong nang bigla niya akong sampalin. Pumilig ang ulo ko dahil sa lakas niyon at nalasahan ko ang dugo na lumabas sa ilong ko. Hawak ko ang kaliwang pisngi na nasaktan at tumingin sa kanya.

Nanlilisik ang mga matang nakatitig pabalik sa akin. "You think you can fool me!?" sigaw niya sa mukha ko.

Napaatras ako dahil sa takot. Patrick is so unstable, hindi ko alam kung ano ang sunod na gagawin niya.

"I d-don't know what y-you mean, Patrick." 
"Ako pa ang lolokohin mo!? Of all the people in the world, ako pa Kamila?!" sigaw niya habang pinupulupot ang kamay sa leeg ko.

"Patrick!" ibinalandra niya ako sa pader at parang nanggigigil na piniga ang leeg ko. Halos mawalan ako ng ulirat nang wala akong makuhang hangin.

I clawed on his arms and tried to kick him away to no avail. Malakas siya at hindi ko magawang makapaglaban. Out of desperation, dahil magkalapit ang katawan namin, ibinaba ko ang kamay ko at hinanap ang kahinaan niya sa pagitan ng mga hita.

Nang mapagtanto ko kung nasaan iyon, agad ko itong sinunggaban at pinilipit ng hanggang sa siya naman ang mamilipit sa sakit. Namumula na ang kanyang mukha pero hindi ko pa rin tinigilan. Tama nga na maputol iyon nang sa ganun ay hindi na dumami ang lahi niyang walang kwenta.

"Bitawan mo ako Kamila!"

"Bitawan? Kung hindi ko ba to nahawakan, bibitawan mo ako?" sutsot ko sa mukha niya. Lalo akong nanggigil kasi ang liit-liit ng hawak ko, isang kamay lang ay dakmang-dakma ko na ang kabuuan niya.

"Help." nagtaas siya ng kamay pero unti-unti ding bumaba iyon.

Napangiti ako nang makitang nanghihina na siya. Oo nga, ako ang tatapos sa buhay ng hayop na to. Sisimulan kong tapusin ang alaga niya pagkatapos ay isusunod ko na ang buhay niya.

"Ano ha? Akala mo kung sino kang magaling, hindi mo naman kaya ang sarili---"

Hindi ko natapos ang sasabihin dahil biglang may umingit sa likod ko. Pumihit ako para makita iyon ngunit ang hawakan na lang ng baril ang tanging nahagip ng tingin ko bago iyon dumapo sa aking sentido.

Napahiyaw ako dahil sa sakit. Nagpagiray-giray pa ako sa kinatatayuan ko dahil nawalan ako ng balanse. Mga ilang segundo rin na nandilim ang paningin ko bago iyon bumalik sa dati.

Kumurap-kurap ako para pawiin ang dumudobleng paningin. Nakapa ko ang isang upuan at iyon ang ginamit ko upang ayusin ang mundo ko at ibalik ang balanse sa aking katawan.

Nakita ko na dinaluhan ng bagong dating si Patrick na ngayon ay nakahawak pa rin sa kanyang kaselanan at namimilipit sa sakit. Malabo pa rin ngunit unti-unti nang lumilinaw iyon.

Ang unang napansin ko sa pumukpok sa akin ay ang iika-ika niyang klase ng lakad. May benda siya sa isang paa habang at nakagown din siyang gaya ko. Mas lalo kong pinilit ang sarili na makakita.

Nang tuluyan na ngang magliwanag ang paningin ko, napasinghap ako nang makita ang tumutulong kay Patrick.

"Misty?" tawag ko sa babae dahilan para mapatingin siya sa akin.

"Hayop ka!" itinaas niya ang baril at itinutok iyon sa akin ngunit hinawakan siya ng lalaki.

"May gamit pa tayo diyan, wag muna." saad nito sa kabila ng iniindang hirap.
Tumango naman ang kasama niya at dinala siya sa kama upang maupo.

"Busy ang mga tauhan natin sa paghahanda kaya wala tayong proteksyon ngayon, ang mabuti pa ay doon na rin tayo maglagi sa lugar." paliwanag ni Misty.

"Akala ko ba tinrahidor ka niya? Bakit andito ka pa? Wala ka bang respeto sa sarili mo?" kausap ko dito.

"Gaga ka talaga Kamila! Hindi mo pa rin ba nakukuha? We were fooling you! Kailangan naming malaman kung espiya ka ba o hindi and so now we know." mariin niyang turan.

"P-pero Misty.."

"Pero ano? Alam mo rin ba na dahil sa ginawa mong ito sa akin kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na pasukin ang empire?" itinuro niya ang sugat niya sa paa na nabaril ko kagabi. I thought it would hinder her, ngunit sadya yata talagang hinasa si Misty sa sakit, ni hindi niya iyon inalintana.

"And while I was there, kinuha ko ang isang bagay na sobrang importante sa inyong lahat.." mahinahon niyang pagtatapos.

Napasinghap ako sa narinig. Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Ako ba ang magiging dahilan para matalo sila Rio?

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Ano pa nga ba Kamila? Isip isip naman pag may time." nanunuya niyang saad.

"Sabihin mo na ngayon!!?" sigaw ko dahil sa takot. "Tao ba ito?"

"Hindi."

"Bagay?"

"Oo!"

"Mga papeles, ganun?"

"Hindi.."

"Makikita sa loob ng kwarto ni Rio?"

"Oo! Oo! Oo!"

"Sa Caja de Yero niya?"

"Hindi!"

"E ano?" asar na tanong ko.

"Parang dwende, malaki ang bunganga parang sayo, sabog ang eardrums ko pag umiiyak, at ang tawag sayo ay mommy!" natatawa niyang turan.

Para akong tinakasan ng lakas sa sinabi niya. It was Kia! Nakuha niya si Kia!

"Bobo hindi bagay si Kia! Tao yun!" singhal ko sa kanya.

"Pakialam mo ba? E para sa akin, bagay yun! Bagay kayong dalawa kasi gagamitin namin kayo pam-blackmail sa mga Montereal na yan!"

Nakisawsaw na din si Patrick na hatalang medyo nakabawi na mula sa sakit.

"See Kamila? Mas tuso pa rin kami sa inyo. Ngayon, dalawa na ang hawak namin. Dalawa ang mawawala kay Rio oras na may gawin sila na hindi namin gusto."

********

---a/n: buset yung writer, seryoso nat lahat, nakuha pang mag corny joke.. Hahaha.

Patawarin siya. Hindi niya alam ang ginagawa niya. :)

Anyway, votes please ladies.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon