31

17.9K 468 38
                                    

Cat Fight

Kamila

Binalot ng pula ang paningin ko dahilan para hindi ko na namalayan ang mga nangyayari sa paligid. Hindi ko na rin namalayan na nakalapit na pala ako sa dalawa gayong hindi rin naman nila ako napapansin. Nakapikit pa rin si Rio habang ang babae naman ay dalang-dala sa ginagawa niya.

Parang nanunuod ako ng isang pelikula habang pinagmamasdan ang kamay ko na pulumulupot sa mahabang buhok ng malanding babae sabay hiklat niyon ng pagkalakas-lakas. Napatili siya sa pinaghalong gulat at sakit kaya hindi niya nakontrol ang pagbagsak sa sahig. Sapo ang nananakit na anit, bumagsak siyang nakatihaya at rinig ko ang maingay na kalabog na idinulot niyon. Sakto namang dumilat si Rio at nagtama ang mga mata namin.

Noong una, nababanaag sa mga mata niya ang pagkalito, na parang hindi niya inaasahan na darating ako doon, hanggang sa unti-unting remehistro ang pagkabigla at gulat nang makita ay nang mapagtanto ang mga pangyayari. 

Pero hindi ako nagtagal sa pagtitig sa walang kwentang mga matang iyon. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang babae na dahan-dahang tumatayo habang inaayos ang bukas na blouse.

"Rio, oh my God, what the hell is this?" singhal niya nang makatayo mula sa kinalugmukan.

Hindi umimik si Rio at wala din akong pakialam sa kanya. Mas gusto kong kami ang magtuos ng babaeng to na ganun na lamang ang kakapalan ng mukha na agawin ang dapat ay sa akin. Dahil iyon ang totoo! Rio is mine and she has no right to kiss what's mine!

Sumulong ulit ako at hinawakan ang blouse sa magkabilang parte niyon at winarak. Nagsipagkalat ang mga butones na nasira sa nawasak na blouse kaya ngayon ay hawak-hawak na ito ng babae.

"Walang hiya kang haliparot ka! Gusto mong maghubad, sige hubarin natin yan?" singhal ko.

Dinaluyong ko siyang muli pero dahil mas di hamak na matangkad siya kaysa sa akin at dahil na rin mas malaki siyang babae, madali niyang nahawakan ang buhok ko. Natumba kaming pareho dahil hindi ko rin pinakawalan ang mahaba niyang buhok na sabay kong nahablot nung mahawakan niya yung sa akin.

Gumulong kami sa sahig at nagkalmutan hanggang sa maramdaman kong nagdurugo na ang mga braso ko at parang natanggal niya na ang kalahati ng buhok ko dahil sa sakit.

"Kami, stop it!" suway sa akin ni Rio nang sinubukan kong ipulupot ang mga paa ko sa leeg ng babae na ngayon ay namukhaan kong si Misty pala. Dahil sa dami ng nangyari ay nakalimutan ko na ang presensiya niya sa buhay ni Rio. Dahil na rin sa kaguluhan ngayon kaya hindi ko siya lubos na nakilala.

Mukha kaming nasa kick-boxing ring dahil sa posisyon namin na hindi ko alam kung paano nangyari. Hawak-hawak ko ang kamay niya habang ang leeg niya ay sinusubukang pilipitin ng paa ko. Oo nga at mas malaki siya pero mas matindi ang galit na dumadaloy sa katawan ko dahil sa kagaguhan nilang dalawa.

Tumili yung babae nang kumumbabaw ako at sinubukang iuntog ang ulo niya sa sahig. Pwe! Lampa naman pala to e. Ngumisi ako sa unang kalabog ng ulo niya pero napawi iyon nang biglang kalmutin niya ako sa mukha. Mabuti na lang at wala siya sa momentum, ang nadali niya lang ay yung parteng panga ko pababa sa leeg. I hissed in pain and annoyance. Inilagay ko pa ang kamay ko sa nakalmot niya para makasigurong dumudugo iyon.

Lalong nag-init ang ulo ko nang makita ang pula sa daliri ko. "Naka first blood ka nang puta ka!" singhal ko.

Nanggigil ako kaya paulit-ulit ko siyang inuntog sa sahig habang sumisigaw ng, "Double Kill," dalawang untog, "Triple Kill," tatlong untog at, "Killing Spreeeeeeee!!!?" singhal ko habang walang habas na ginawang bola ang matigas niyang ulo. Wala naman siyang magawang laban kaya alam kong panalo ako sa laban na ito. Hanggang kalmot lang pala kasi ang alam nung hitad.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now