35

20.6K 505 28
                                    

Pagod na pagod na ako ngayon

Kamila

"Deal." mahinang saad ni Ichiro.

Lahat kami ay mukhang natigilan dahil sa isang mahinang salitang iyon. Walang maririnig na ingay sa loob ng conference hall, ni simpleng paghinga ay nakalimutan na din yata naming gawin. Kaya naman nang biglang kwelyuhan ni Rio si Ichiro, pakiramdam ko ay biglang may kulog na dumagundong sa malawak na espasyong iyon.

"Are you out of your fucking mind Ichiro!!?" bulahaw ni Rio.

Dahil sa lakas ng pagkakasunggab niya dito kaya't bumagsak silang dalawa pareho sa sahig. Nagsitayuan sina Mexico at Ruzz para pigilan siya pero ayaw niyang paawat. He was shaking his brother back and forth at hindi naman naglalaban si Ichi. Cool pa rin ang mukha nito na parang walang nangyayari. Taong yelo yata ang isang to e. Walang ekspresyon at mukha ring walang pakiramdam.

Ako naman, humalukipkip lang ako at tumingin sa labas.

"You don't get to decide what I do with my family, you fucking bastard!" singhal niya dito.

Ichiro squinted and looked him straight in the eye.

"Kung ganun anong gusto mong mangyari Rio? Let that whoremonger Fajardo destroy us?! Iyon ba yun? Tapos ano, pag mahirap na tayo ano?" singhal din nito sa kanya.

"Damn you! May plano din ako! I have a fucking plan and I'm already on the move!"

Natigilan kami sa sinabi niya. He has something planned and already on the move and yet, bakit hindi man lang siya nagsabi sa amin? Bakit hindi namin ito alam?

"Come on Ri, hindi pa naman sure yung sinabi ni Kami, e. It's just a proposal. Pakinggan natin ang nasa isip mo." mahinang sambit ni Mexico.

Sinubukan ulit nitong hilahin si Rio at mabuti naman ay nagpaubaya na ang isa. Mex pushed him into a chair closest to where they are standing and stradled the chair next to it. Si Ruzz naman ay tinulungan si Ichiro na tumayo saka inilagay sa lugar na may kalayuan kay Rio. The two still looked murderous at kung hindi ako nagkakamali, kaunting kalabit lang ulit kay Rio ay ipapatuloy niya na ang naudlot na wrestling match kay Ichi.

"So? Anong plano mo?" singit ko sa walang katapusang titigan ng dalawa. Kahit gaano ko pa sila kagustong mag-umpugan ng sungay sa harap ko at magpatayan, gusto ko na lang magpahinga at makasama ang anak ko.

Bumaling ang masama niyang tingin sa akin pero tumaas lang ang kilay ko. Sa utak ko ay itinaas ko ang pang-gitnang daliri sa gawi niya sabay belat, pero sa labas ay nanatili ang wala kong pakialam na ekspresiyon.

Act cool like you don't fuckin' care. Yan ang motto ko ngayon tapos inhale exhale na lang. Kaya ko naman to. I am not part of this family. I will severe my ties with them and forget that I ever knew these Montereals particularly the man who is currently looking at me with murder in his eyes. I will not care at lalong hindi na ako mangingialam.

"My plan does not involve any of you so hindi ko na lang muna sasabihin, ayokong idamay pa kayo sa problema. I just need time." paliwanag niya. "Just trust me." saad niya sa grupo pero sa akin pa rin ang titig niya.

Suminghot ako. "Wala na nga kayong time, okay!? One week from now, titirahin niya na kayo dahil iyon ang biggest transaction niyo for this year and then after that, wala na kayong pag-asa." pinagduldulan ko pa sa mukha nila yung 'wala na kayong pag-asang part.'

Ngayon naman, lahat sila ay nakatingin sa akin, halata ang gulat na bumalatay sa mga mukha nila.

"What?" I smirked. "Nagulat ba kayo na alam ko ang pinapakuhang info ni Patrick? You think ganun kagaling ang security niyo?" lalong lumawak ang ngisi ko.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now