16

20K 491 14
                                    

Whole New Level

Kamila

Hindi na kami muling nagpapang-abot ni Rio dito sa suite. Mukhang iniiwasan niya ako at ako naman, well, umiiwas din ako talaga. Ayoko na magtanong siya sa akin kung bakit nangyari ang nangyari. Mas mabuti na din na ganito na lang kami.

Tinawagan ako kanina ni Giana na nakuha niya na raw ang cellphone niya kay Kier at mamaya na raw ang night-out namin.

Sinabihan niya pa ako na kailangan ko din magsuot ng dress na aakma sa 21st century, hindi daw yung mga dati kong suot na tinalo ko pa sina Maria Clara sa hinhin.

Pinagduldulan niya din sa utak ko na kung wala akong damit, magsabi daw ako at papahiramin niya ako nun.

Nung una, ayaw kong sumama. First of all, dapat date nilang dalawa yun at ma-oOP lang ako kapag sumama ako at pangalawa, kahit hindi nila alam, may anak na ako so medyo alangan na parang nagbubuhay dalaga ako when in truth I am a mother.

Isang nakawiwindang na pangaral ang natanggap ko sa kanya tungkol sa kabutihang dulot nang pag unwind from all stresses and cares of the world.

Sinabi niya pa na ayon sa latest na studies tungkol sa syensya, mas healthy daw ang mga taong paminsan-minsan ay lumalayo sa stress. Sinubukan niya ring ipaliwanag ang evolution of man. Kung hindi raw ako magpaparty, instead na mag-improve at mag-evolve daw ako, magdedegenerate daw ang katawan ko hanggang sa maging taong unggoy na lang ako.

Sa huli, nagpaubaya na lang ako sa kagustuhan niya. Hindi dahil natatakot ako na maging taong unggoy, well, there was that, pero gusto ko rin namang makalimot sa mga problema. Kahit sa konting panahon lang.

Tinapos ko lahat ng gawain sa suite pati na rin sa owner's floor. Natiyempo namang maagang nagsiuwian ang mga owners kaya maaga din akong natapos. Hindi na ako bumalik sa suite dahil sa takot na makaulayaw na naman si Rio.

"Hoy! Andito ka na?" tanong ni Giana nang makababa na ako sa lobby ng building. Mag-isa lang siya at mukhang uuwi pa sa bahay niya. Naka office clothes pa kasi ito at may mga hawak pang papeles.

"Ano yan?" kumunot ang ilong ko habang nginunguso ang mga papel na hawak niya.

Bumaba ang tingin niya sa kumpol ng gawain.

"Hay naku, yung magaling kong boss, porke may date siya ngayong gabi, iniwan sa akin lahat ng gawain."

Natulig ako sa kinatatayuan ko. Parang kinurot ang puso ko sa nalaman. Date? May date si Rio ngayong gabi? At hindi man lang siya nagsabi?

Nagsalita ang isang bahagi ng utak ko. Iyong bahagi na palaging kontrabida sa akin. 'Ang kapal mo naman para isipin na magpapaalam sayo yung tao Kamila. Wag assumera ang peg bhe!'

Kumurap-kurap ako para iwaksi ang mga namumuong luha. Ano nga ba kami? Siya lang naman ang tatay ng anak ko kahit hindi niya alam iyon. Siya din ang tao na hanggang ngayon ay mahal na mahal ko kahit wala siyang panukli sa pagmamahal na iyon. Siya din ang tao na galit na galit sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya dati.

Tumawa ako ng pagak. Ano nga ba naman ako para sa kanya. A prisoner who's bound to follow him and do what he wants me to do.

Tumingin sa gawi ko si Kamila saka sumimangot.

"Okay ka lang? Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa."

"Hahaha!" pilit ang tawa na pinakawalan ko. "Ano ka ba? First night out after almost five years, siyempre excited ako!"

Mas lalo siyang sumimangot.

"Sigurado ba?" nag-aalala niyang sagot.

Ngumiti ako ng bahagya. "Lasingin mo na lang ako, please?"

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now