41

18.8K 439 13
                                    

Pool

Kamila

Hinapit ang beywang ko ni Patrick saka iginiya ako palapit sa pool. Habang naglalakad kami ay lalong lumalakas ang mga tawanan at ganun na din ay ang mga katuwaan na nagmumula doon. Ang musika na saliw sa heavy metal at rock ang siyang dumadagundong sa malaking boom box sa hindi kalayuan.

Nang tuluyan na nga kaming makalapit ay napasinghap ako dahil sa ganda ng paligid. Umiilaw yata ang tiles ng pool na ito dahil imbes na madilim ay banayad na kulay asul ang sumalubong sa aking mga mata.

"Wow.." bulong ko sa kawalan.

Ang mga puno na may mga christmas lights na akala ko kanina ay disenyo lang ay lalong nagpatingkad sa kulay ng paligid. Sa tapat ng gitna ng pool ay may isang malaking bolang ilaw na nagsasaboy ng iba't ibang kulay sa lahat ng bahagi ng pool area at ganun na din sa katawan ng mga tao na naka two-piece lang at swimming trunks lang.

"Come, magpalit tayo ng damit."

"H-huh? Pwedeng one piece lang isuot ko?" pakiusap ko sa kanya. Naalala ko kasi na meron nga pala iyong pilat ko dahil sa CS ko nung manganak ako kay Kia.

Mukha namang na-good vibes itong si Patrick ni Mr. Kiribas dahil agad din naman itong pumayag sa kahilingan ko na mag-swimsuit.

Tinumbok namin ang isang maliit na kwarto na kung saan ay maraming pagpipiliang panligo. Lumiko si Patrick sa gawing kanan na para sa mga lalaki para magpalit kaya ako naman ay nagpunta sa kaliwa.

Ang napili kong piece ay skin-tone na may butas sa magkabilang panig para mas bigyan ng emphasis ang hubog ng katawan. May red flower print ito sa gitna  habang ang neckline naman ay sadyang ginawa yata upang ipangalandakan sa tao ang malagong dibdib ng nagsusuot.

Sinipat ko ang sarili sa salamin. Pag sa unang tingin ay mukha akong nakahubad lalo at kakulay nga ng balat ko ang swimsuit kaya alam ko na oras na lumabas ako dito, mapapadouble-take ang mga tao sa gawi ko.

May mga lockers sa gilid kaya kinuha ko ang isang susi at itinago doon ang gown. Mabuti na lang din at ang gown na ibinigay ni Patrick ay iyong hindi nakukusot. Mukhang nasa plano ngang talaga ang lahat ng ito.

Pagkalabas ko ng kwarto, nakita kong hinihintay na ako ng kasama ko. May kausap na din siyang isang babae ngunit nang mahagip niya ako ng tingin mukhang nabitin ang sinasabi niya sa babae. Kunot noong bumaling sa akin ang kausap niya at tumaas ang kilay.

"Tara na Patrick?" wala sa sariling bulong ko. Ayokong mag-attract ng cat fights at lalong wala akong panahon para patulan ang mga mahaderang babae na kagaya ng nasa harap ko.

"Okay lets." saad naman niya sabay hawak sa kamay ko.

Pinagsalikop niya ang dalawang palad namin at napangiwi ako nang marandaman ang pamamawis nung mga kamay na nakadaiti sa akin.

Pagkalabas namin ay agad akong sinalubong ng malakas at malamig na hangin kaya nayapos ko ang sarili gamit ang kaliwang kamay.

"Tara dun tayo sa tubig para mawala ang panlalamig mo."

Pagkarating namin, ang una kong napansin ay ang itsura nina Rio at Misty. Nakaupo si Rio sa isang silya at hawak niya ang isang bote ng beer habang si Misty naman ay nakaupo sa kandungan niya. Kahit hindi niya hinahawakan iyong babae sa kahit anong parte ng katawan nito, may pangit na pakiramdam pa rin na bumalot sa pagkatao ko. Iyong pakiramdam na gusto mong sunugin ang kilay ng babae na nangahas na kumandong sa pag-aari mo. Yun mismo ang nararamdaman ko sa mga panahong ito.

Nakatingin ako sa gawi nila kaya nang magtaas ng tingin si Rio ay nakatama ang mga mata namin. Parehong walang ekspresiyon.

Nakita kong bumaba ang tingin niya sa magkadaop na palad namin ni Patrick kaya tinaasan ko siya ng kilay sabay pasimpleng tinitigan ang pagkakadagan sa kanya ni Misty. Nagbaba siya ng tingin saka ngumisi.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now