"Wait---"

Agad akong napatingin sa cellphone na hindi ko namalayang nakalagay na pala ngayon sa tenga ko, what just the hell happened? Binaba ko na lang ito at napailing. Kung ano-ano talagang pumapasok sa utak non, buti na lang at nandoon si Lisa para patahimikin siya.

Itinabi ko na yung cellphone ni Anthony at humiga sa kama, tulog na din siguro yon dahil malalim na din naman ang gabi. Hindi ko alam kung ano ang balak niya para bukas dahil hindi niya naman 'yon sinasabi sakin, surprise daw.

Pero ano nga bang ireregalo ko? Ang hirap namang mag-isip. Ayoko naman na yung simple lang, I mean gusto kong ibigay is yung bagay na hindi niya expect or yung bagay na hindi niya makakalimutan ever. Magsearch kaya ako?

Kinuha ko ulit yung cellphone ni Anthony, chinarge ko naman ang cellphone ko bago bumalik sa kama para magresearch.

What is the most precious gift for boys?

Madaming lumabas na resulta, may mga kakornihan na ni sa panaginip ko ay paniguradong hindi ko gagawin. But one thing caught my attention, napangisi na lang ako. Hindi ko pa to nagagawa kahit kanino, kahit kay Jake, so I think this is really unique and special...

Kinabukasan ay maaga akong nagising, inaantok pa ako pero mahalaga tong araw na to para sa isa sa mga taong mahal ko kaya titiisin ko muna. Ang korni ko na, kainis.

Lumabas na ako ng kwarto at sinilip si Anthony sa kalapit kwarto ko, dahan dahan kong binuksan ang pinto niya ang kaso ay isang kamang walang nakahigang Anthony ang nadatnan ko, napakunot noo ako, nasan na yon?

Isasara ko na sana yung pinto ng bigla na lang may bumulong sa tenga ko,

"Boo..."

"What the hell!"

Agad kong sinapak si Anthony atsaka tinulak, kainis! Panira na nga ng plano nanggugulat pa! Badtrip! Tawa lang siya ng tawa habang tinuturo turo pa yung mukha ko, pinanlakihan ko naman siya ng mata atsaka inirapan kaya humagalpak nanaman siya ng tawa.

"Tumahimik ka na nga! Nakakainis, sinira mo na nga yung plano ko, tinatawanan mo pa ako! Porke't birthday mo?"

Tinalikuran ko na siya at dumiretso na sa kusina, kahit naman nahuli niya ako ay itutuloy ko pa din yung gagawin ko ngayon. Naramdaman ko ang pagsunod niya kaya nilingon ko siya na prenteng nakaupo na ngayon sa may mesa at nakasalumbaba. Inilingan ko na lang siya at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Kagabi habang nagreresearch ako ay lumitaw itong idea na to. Kadalasan kasi ganito ang ginagawa ng mga lalaki para sa babae but this time gagawin ko ito para sa isang lalaki, sa lalaking mahal na mahal ko kahit na madalas ay may saltik. Ipagluluto ko siya ng mga paborito niyang pagkain, punagpuyatan ko lahat ng informations na nalaman ko kagabi even his favorite songs ay inalam ko, buti na lang talaga at nalaman ko lahat kahit na mukha na akong panda ngayon, at least worth it.

Tanong ng tanong si Anthony habang abala ako sa pagluluto, minsan ay nagtatanong siya kung kaya ko pa ba, lakas talagang mang-asar. Panigurado na din namang alam niya na para sa kanya tong mga niluluto ko.

"Marg, ligo lang ako. Para mabango ako mamaya kapag tinikman ko na yang luto mo." Paalam niya sabay kindat. Sira ulo talaga. "Tingnan natin kung mas magaling ka ng magluto kaysa sakin," nginisian ko lang siya atsaka binelatan, di ako papatalo no! Effort to kaya sinisigurado kong masarap tong mga hinanda ko.

Malapit na din naman ako matapos sa mga niluluto ko, napansin niya din siguro yon kaya nagpaalam na, buong pagluluto ko kasi ay nanonood siya at dumadaldal, kung ano anong kalokohan na nga ang sinasabi niya kaya minsan gusto ko ng batuhin ng mga ginagamit ko sa pagluluto e.

Nung maayos ko na yung mesa at mga handa doon ay umakyat na din ako sa kwarto para maligo at makapag-ayos, nag-iwan ako ng note sa may mesa para makasiguradong maghihintay siya, baka mamaya ako ang masorpresa dahil ubos na yung mga hinanda ko para sa kanya.

"Buti naman at natapos ka din, ang tagal mo margarette a." Nakasimagot na bungad niya sa akin, ang reklamador ng mokong na to ah, pasalamat talaga siya at special day niya ngayon, kung hindi hay nako!

"Tumahimik ka nga dyan Anthony, napakaingay mo e."

"Ang tagal mo naman kasi, gutom na ang birthday boy."

"Wow ah! Edi kumain ka na, hindi ko na ibibigay yung isa ko pang gift..."

Napaayos naman siya kaagad ng upo atsaka all smile na tumingin sakin, kala mo ah.

"I've change my mind, i'm not hungry now, so... what is it?"

Agad ko siyang nilapitan at binatukan,

"Sira ulo."

Tumawa naman siya atsaka hinimas yung batok niya.

I motioned him to wait atsaka ako nagpuntang sala kung saan ko nakita yung gitara niya, hindi ko alam kung sinasadya niya ba talagang iwan sa sala yung gitara niya kagabi para makita ko dahil alam niyang may ganito akong plano or what. Pagbalik ko sa hapag ay naka all smile nanaman ang mokong, sarap pakainin ng toothpaste e.

"Quit smiling will you? Nadidistract ako."

Hindi niya ako pinansin, lokong to. Bahala na nga, inilayo ko yung isang upuan sa mesa at doon ako umupo, sinimulan ko na ang intro nung kakantahin ko. Ramdam ko yung pagtitig niya kaya kinakabahan ako lalo.

"Dear future husband,
Here's a few things you need to know if you want to be my one and only all my life.."

"Teka teka--- bat ganyan yang kinakanta mo Margarette? Parang magiging api ako sayo nito ah!"

"Huwag ka ngang magulo! Sinisira mo presentation ko!"

Magsasalita pa sana siya kaso sinamaan ko na siya ng tingin,

"Take me on a date, I deserve it babe. And don't forget the flowers every anniversary, cause if you treat me right, I'll be the perfect right, buyin' groceries buy buyin' what you need,"

Yes, i'll be the perfect wife for you Anthony, so I hope that it's already you. Alam kong bata pa tayo pero sana... sana tayo pa din hanggang huli.

A Nerd With ClassOnde histórias criam vida. Descubra agora