"Anong niluluto mo?" Tanong ko dahilan para mapalingon siya sa akin, ngumiti muna siya bago sumagot.
"Pagkaing pag kinain mo ay lalo kang maiinlove sakin." Sabi niya sabay ngisi bago ibinalik ang tingin sa niluluto. Anong kakornihan nanaman ang nasa utak ng mokong na to?
"Ah... alam ko na, edi pagkaing may gayuma yan?"
"Basag trip naman to." Tumawa na lang ako at umiling.
Inayos ko na ang lamesa, kumuha ng plato, mga kubyertos, at baso. Saktong pagkatapos kong mag-ayos ay siya ring patay niya ng kalan. Naaamoy ko yung pagkain at pakiramdam ko ay masarap ngang talaga yon. Tutulungan ko na sana siya sa pag-hain ng ulam kaso ay pinaupo niya lang din ako.
"Diba nga, sabi mo na dapat ay ituring kitang prinsesa? Kaya maupo ka na muna dyan, mahal kong prinsesa." Sabi niya sabay kindat. Pabiro ko siyang inirapan.
"Anthony, ilang taon ka ng matutong magluto?" Tanong ko nung pareho na kaming nakaupo sa mesa. Saglit siyang nag-isip.
"I guess, I'm twelve that time."
Napatango tango naman ako, pareho pala kami.
"Paano ka naman natuto?" Dagdag tanong ko ulit. Gusto kong makilala si Anthony, you know. Syempre boyfriend ko siya kaya ayos lang naman siguro na kilalanin namin ang isa't isa.
"I learned how to cook because of my mom," nakangiti niyang sabi. Naagaw naman non ang atensyon ko, ang mommy niya pala ang nagturo, "She's really good when it comes to cooking, one time I'd watch her cooked our favorite dish, then that was also the time when she taught me how to cook. Naging playground ko noon ang kusina at naging kalaro ko ang mga ingredients at si mom. Then boom ito na."
"Ahh... ang bait siguro ng mom mo ano?"
"Yeah.. and I know she'll like you."
Matapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng mga pinagkainan namin, nagtalo pa ulit kami bago ko siya nakumbinsing ako na. Sinabi ko na lang na maghanda siya ng movie na papanoodin namin at mabuti naman dahil pumayag siya.
Pakiramdam ko tuloy mag-asawa na kami. Hays, kalandian ko nanaman umiiral. Hanggang landi lang naman ako because I know my limits. Isa pa ay may mga pangarap ako and I know ganoon din ang nasa isip ni Anthony.
Matapos kong maghugas ay pinunasan ko na ang kamay kong basang basa bago sumunod kay Anthony sa sala. Kaso pagdating ko doon ay hindi ko siya naabutan, mga cd lang ang nandoon at mukhang hindi pa siya nakakapili. Baka naligo ang mokong. Habang hinihintay siya ay ako na lang ang naghanap ng pwede naming panoodin. Ang dami niyang CD at halos lahat ay Action at Mystery.
"Nakapili ka na?" Napabitaw ako sa CD dahil sa pagkakabigla. Agad ko siyang tinapunan ng isang nakamamatay na tingin pero hindi niya ako pinansin at tumabi lang sa akin. Basa pa ang magulo niyang buhok at nakajersey at t-shirt na itim naman siya ngayon. Amoy na amoy yung pabango niya, may lakad ba to at mukhang pinaligo talaga yung pabango?
"Pinaligo mo ba ang pabango mo?" Kunot noo kong tanong,
"Hindi. Sadya lang talagang mabango ako kahit na hindi magpabango." Taas noo niyang sabi atsaka tinaas baba ang kilay. What the hell?
Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy na kami sa paghahanap ng movie na mapapanood. Para kaming timang dahil hindi kami magkasundo sa movie na papanoodin namin pero sa huli ay napagkasunduan naming manood na lang ng cartoons--- phineas and ferb!
Panay tawa kami habang nanonood, buti nga at nagkasundo kaming dalawa dito. Ito din ang paborito naming panoodin ni Maxine noon, ayaw ito ni Jake at Lucy kaya hindi ko sila nakakasundong panoodin to. Oh well.
"Malapit na ang birthday mo..." biglang sabi ni Anthony kaya napatingin ako sa kanya.
"Malayo pa. Next month pa yon,"
"Malapit pa din, magseseventeen ka na non."
"Stalker ba kita? Bat alam na alam mo lahat sa akin?" Biro ko sabay tawa.
"Naman. Ako pa ba?" Inirapan ko na lang siya.
"Teka.. ikaw ang dami mong alam sa akin, bakit ako wala?"
"Edi magtanong ka." Sabi niya na para bang hinahamon ako. Aba!
Ano bang gusto kong malaman tungkol sa kanya?
"17 ka na hindi ba? Bakit high school ka pa din?" Tiningnan kong mabuti kung anong magiging reaksyon niya, kung maooffend ba siya o ano. Mukha namang wala lang sa kanya yon.
"Kasi high school ka pa lang din, gusto ko sabay tayong magkokolehiyo." Pabiro ko siyang binatukan at sinimangutan pero deep inside hindi na ako makahinga kakapigil ng kilig! Fishtea!
"Kamaisan mo!" Tumawa lang siya atsaka ulit nagsalita.
"I stopped going to school when I'm in my first year high school because of an accident. Bata pa lang ako but I really love playing basketball. When I entered high school I joined their Varsity team, and luckily nakapasok ako. Then one time when we're playing in our intramurals championship there was this really big player who bumped me. Ishoshoot ko sana noon ang bola and I'm doing the dunk shot when he suddenly appeared infront of me then boom. Nakahiga na ako sa court and my members were already helping me to get up but it hurts like hell. Hindi ko magalaw ang buong katawan ko, at sobrang sakit ng mga paa at kanang balikat ko." Saglit siyang tumigil at huminga ng malalim, "To make the story short nagkaroon ako ng fracture sa kamay at paa kaya huminto muna ako para makarecover."
Hindi ko alam kung paano magrereact, ramdam ko kasi yung sakit na dinanas niya noon, feeling ko tuloy anytime ay maiiyak na ako.
"Hey, shit! Don't cry..." agad kong pinunasan ang luha ko. Kainis! Nagiging mahina nanaman ako..
"Tse! Hindi kaya ako umiiyak! Napuwing lang ako!" Giit ko sabay kunwaring hawak sa mata ko. I heared him chuckle kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"So ikaw, wanna share something?" Tanong niya... may maisheshare pa ba ako e nalaman niya na lahat ng tungkol sa akin?
"Wala na. For sure alam mo na lahat about sa akin." Tumawa ulit siya kaya hinampas ko na siya.
"Tumahimik ka nga! Teka... kailan pala ang birthday mo?" Kunot noo kong tanong, natigil siya sa pagtawa atsaka nakangiting tumingin sakin,
"Tomorrow." Ah... bukas napala, ang la--- what!?
ESTÁS LEYENDO
A Nerd With Class
Novela JuvenilSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...
ANWC: 36
Comenzar desde el principio
