"Naipit ka ba? Hindi naman diba?" Inis niya ding sabi. Sasagot pa sana ako kaso ay kinalma ko na lamang ang sarili ko, walang patutunguhan ang usapan namin kung parehong mainit ang mga ulo namin.
Buong byahe ay tahimik lang kami, wala ni isa ang gustong magsalita. Hindi pa ako nakakapunta sa apartment o bahay nila kaya hindi ako pamilyar sa dinadaanan namin.
"Magpahinga ka muna, malayo layo pa ang pupuntahan natin." At gaya ng sinabi ni Anthony ay unti-unti ko ng ipinikit ang mga mata ko, dahil na din siguro sa matinding pagod ay agad akong nahimbing.
-
Nagising ako sa amoy na nagpakalam ng sikmura ko, ano kayang niluluto sa baba at mukhang masarap? Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at unang bumungad sa akin ang puting ceiling. Unti unti akong bumangon dahil medyo masakit ang ulo ko at ng tuluyan na akong makaupo at makasandal sa headboard ay inilibot ko ang paningin ko. Doon ko napagtantong wala nga pala ako sa bahay... na umalis nga pala ako.. na hindi panaginip ang mga nangyari kagabi.
Agad akong umiling atsaka pinunasan yung mata ko dahil bumagsak nanaman ang mga luha ko. Tumayo ako atsaka tinakpan ang bintana gamit ang kurtina, umaga na at sikat na sikat na ang araw. Mukhang napatagal ang tulog ko.
Naghilamos at mumog muna ako at inayos ang pagkakatali sa buhok ko bago bumaba. Kwarto ba ni Anthony ang pinanggalingan ko? O baka yun yung tinutukoy niyang isa pang kwarto. Habang pababa ay tinitingnan ko ang kabuuan ng bahay. Ang ganda... mas maliit ito kumpara sa bahay namin, siguro ay dahil si Anthony lang naman ang namamalagi dito,
Moderno ang disenyo ng bahay, at kulay puti at asul lamang ang makikitang kulay. Maganda sa mata pero halatang lalaki talaga ang nakatira. May mga paintings din sa gilid ng hagdan at pagdating sa sala ay hindi ganoon kadami ang gamit. May flat screen, dvd player, speaker na nakasabit sa dingding, mga sofa, study table na may flower vase, at maliit na cabinet sa gilid ng flatscreen.
Si Anthony kaya ang nagluluto? Agad kong tinungo ang kusina at naabutan nga doon si Anthony na nakasuot ng apron, nakajersey shorts siya at puting sando habang seryosong naghihiwa ng gulay. Napangiti na lang ako. May nakita nanaman akong ibang side niya..
"Marunong ka palang magluto," napatingin siya sa akin pero saglit lang iyon at ibinalik niya din kaagad ang tingin niya sa gulay. Mas maganda bang titigan ang gulay kaysa sa akin?
"Seriously? Are you really mad at me?"
Still, no response. Galit talaga siya? Ano ba ang ikinagagalit niya? Yung pag-alis ko ng bahay?
Hindi na lang ako nagsalita pero lumapit ako sa kanya, pinanood ko lang siya sa ginagawa niya, nakakunot ang noo niya at sobrang seryosong mukha niya habang nagluluto. Baka mamaya ay puro sama na nang loob ang makain namin.
Habang nagluluto siya ay inayos ko naman ang mga gagamitin namin sa pagkain. Nakakahiya naman diba. Nagluto siya ng fried rice na madaming gulay. Ngayon lang ako makakatikim nito. Matapos niyang magluto ay tahimik naman kaming kumain, tunog lang ng mga kubyertos namin ang madidinig.
Hindi na ako nakatiis kaya tinanong ko nanaman siya,
"Anthony.... galit ka ba sa akin?"
"Nah."
Napahinto ako sa pagsubo ng oagkain nung sinagot niya ako, automatic akong napalingon sa kanya pero sa pagkain lang nakatuon ang atensyon niya.
"Then why are you like that?"
"Like what?"
"I know... galit ka."
"I'm not."
"E bat ang cold mo?"
Napatigil siya sa pagkain at tumingin sakin, muntik naman akong mabulunan dahil sa titig niya kaya agad akong napainom ng tubig. Letche!
"Malamig ba?" Napataas ang kilay ko, "Malamig ba ang pakikitungo ko sayo?" Walang emosyon niyang sabi, naramdaman ko ang sakit na naninirahan ngayon sa dibdib ko. Para akong hindi makahinga sa sobrang sakit, grabe tong si Anthony magalit. Nakakainis.
"Oo... Malamig..."
Tinaas ko ang tingin ko kasi naiiyak nanaman ako. Nagulat siya nung makita yung pag-iyak ko pero pinanindigan niya ang walang emosyon niyang mukha. Minsan talaga feeling ko ay mas babae pa to sakin. Mas pabebe e!
"Look Anthony, kung yang kinapuputok ng butchi mo ay ang pag-alis ko ng bahay fine, hindi ko na kasi kaya. I want to go away from my dad and my aunt. Everytime I'm near them I feel pain... lagi na lang akong nasasaktan at pagod na pagod na ako! Alam mo naman diba? Alam mong masakit yung pinagdaanan ko noon tapos... tapos... ugh!" Inis akong tumayo at pumunta sa kwarto kung san ako dinala ni Anthony, pagkadating ko doon ay agad kong nilock ang pinto at sinandalan bago umiyak ng umiyak.
Sa tuwing sumasagi sa isip ko ang nangyayari ay naiiyak pa din ako...
Hanggang kailan ba ako iiyak at magiging mahina? Hanggang kailan ba ako tatakbo? Hanggang kailan ba ako masasaktan?
"Margarette... margarette I'm sorry okay? Please... please open this damn door...."
Nakailang kalampag pa siya sa pinto at nakailang tawag sakin bago siya tuluyang sumuko. Nakadinig ako ng hakbang at alam kong umalis na siya kaya mas lalong lumakas yung hikbi ko.
Mom... mom... ayoko na... sobrang sakit na...
YOU ARE READING
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...
ANWC: 35
Start from the beginning
