Argh! Ang sama talaga ni Cheeky sa akin! Huhuh! Paano na ako nito ngayon?

“Cheeky please! Bakit ba ang laki ng galit mo sa akin?”

“Hindi naman sa malaki ang galit ko Andy, pero kelangan mo maging responsible para sa mga ginagawa mo. Hindi pwede yung parati kaming tagatakip o tagasalo kapag may mali kang ginawa.”

O sige na nga, nangonsensya pa siya. Hay, saan naman kaya ako kukuha ng notes nito? Malamang kapag kay ma’am ako nanghingi eh sermon lang ang aabutin ko. Hay buhay nga naman!

*****

Hirap na hirap akong mag-aral pagdating nung gabi lalo na dun sa subject na kulang yung notes ko. Yun nalang kasi talaga ang hindi ko naaaral kaya bwisit na bwisit na talaga ako.

“Oh.” tapos may initsa siyang notebook sa harap ko. Wait, tama ba itong nakikita ko?

“Kit--?”

“Nakakainis kasi yung ingay mo kaya ayan, para matahimik ka na.” at pagkatapos nun eh umalis na siya. Oh really…

Tuwang tuwa naman ako syempre kumpleto na finally yung inaaral ko. Inabot nga ako ng mga 11 nung matapos ako. Oh well, ayos narin yun at least tapos na akong magreview.

The next day naman ganoon parin, continuous parin yung pagrereview sa amin ng mga teacher at mga last minute reminders. Monday-Wednesday kasi ang exams namin kaya magiging busy na naman ang weekend ng mga tao ngayon.

At dahil last day of relaxation namin tong Friday na ito, pinlano ng barkada na lumabas kami ngayong gabi. Excited nga ako eh kaya nga ba ang hyper ko nung nasa klase palang kami. Napagalitan pa nga ako ng teacher namin at muntik ng mapadala sa sub-unit head pero buti nalang talaga at hindi natuloy, patay ako kay mama kung matuloy man yun.

By the end of the day sobrang nagkukulitan na kaming magbabarkada. Halatang hindi kami excited no? Nagplano kami na magkikita nalang kami sa bahay namin (ni Kit) at pagkatapos nun eh diretso mall na kami. Magpapalit pa kasi kami ng damit kasi syempre bawal ipang-mall ang school uniform.

Umnuwi muna ako siyempre sa bahay tapos nagpalit na. Andoon na nga si Kit eh at naglalaro pa ng playstation sa may sala. Hmf, may pagka-isip bata rin pala itong lalaking ito. 

Pagkababa ko eh andoon parin siya at tutok na tutok yung mata niya sa tv. Umupo lang muna ako dun sa sofa at dun nalang naghintay. Pinanood ko narin kung anu man yung nilalaro ni Kit, Final fantasy pala. Infairness maganda yun ah, natry ko na kasi dati eh nung inagaw ko yung nilalaro ni Herc, masaya naman siya.

“Bakit bihis ka?” kung makatanong siya akala mo tatay ah. Napansin rin pala niya kahit na nakaglue yung mata niya sa tv. 

“Lalabas kaming magbabarkada, bakit?”

“Wala.”

Hindi man lang niya tatanong kung saan kami pupunta? Malay niya mag-iinuman pala kami or what. Hay naku Andy, nag-expect ka pa eh duh! Wala naman paki yan eh diba? Asus, ikaw talaga. 

Ilang sandali lang eh dumating narin ang barkada. Ang high nga ni Cheeky eh nakakahilo kasi talon pa siya ng talon pero ayos lang. Napansin ko naman na tumigil yata sa paglalaro si Kit nung dumating na sila. Syempre dahil ayoko  naman na istorbohin siya sa paglalaro niya eh nagyaya na akong umalis.

“Tara na guys…”

“Hiramin lang muna namin si Andy for this night ah Mr. SC President?”

“Ay naku Cheeky, bakit ka pa nagpapaalam eh wala rin naman paki yan? Tara na nga.”

At yun, nagsilabasan na kami.

“Oi Chester.”

Aba, first time ko lang yatang may tumawag kay Cheeky na Chester ah. Well, maliban nalang sa parents niya pero…whoa…ano kaya kelangan nito?

“Yes Mr. SC president? Anong problema mo?”

“Pag hindi mo binalik yan by 10 pm, magtago ka na.”

Wait, tama ba itong naririnig ko??

Si KIT binibigyan ako ng curfew?!

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon