“Oh. So ano naman ngayon problema niyo?”

Halatang nainis si Keri dahil yung mata niya eh nag-aapoy sa galit. Wag mong sabihin eh pati si Kit gusto rin niya. Oh what else do you expect Andy? Diba nga lahat ng lalaking makita niyan eh gusto niya.

“Anong gayuma naman ang pinainom mo sa kanya’t napapayag mo siya?!”

Ugh, talaga bang may pagka-tanga itong si Keri? 

“Are you really that stupid Keri? Malamang hindi kami ang nagplano nun. It’s called an ARRANGED MARRIAGE. Baka gusto mong idefine ko pa para sa iyo. You know, baka kasi hindi kaya ng utak mo yung BIG words.”

Tinignan niya ako ng masama tapos nun eh umirap. Isa nalang dudukutin ko na mata nitong bruhang ito.

“We knew it. Alam naman namin na may taste pa naman si Kit at hindi naman siya papatol sa katulad mong b*tch na mukhang kalabaw.”

Aba, b*tch daw na mukhang kalabaw? Baka gusto niyang maging mukhang kalabaw siya?!

“Look who’s talking. Sino kaya ang mas b*tch sa atin?”

Nag-apoy naman yung mga mata nila tapos nun eh mukhang susugod na kaso biglang may nagsalita at sinabing may teacher na parating. Yun naman ang kinakatakutan nila eh, teacher. After nun eh umalis na sila at kami naman eh nakabili narin ng pagkain namin pagkatapos eh dumiretso na kami sa tambayan namin.

“Nakakaasar talaga.”

“Ano ka ba sis, ayos lang yan. Kung si Keri at Pau lang naman ang mga magiging kaaway mo eh wala kang dapat na ipag-alala. Eh mukhang mas matalino pa yata ang mga langgam kesa sa mga yun eh.”

“Hoy Cheeky sobra ka naman.” Napatingin kami kay Marla. Sobrang nagulat kami, si Marla? Ipagtatanggol yung dalawang yun? Whoa! Kaso naiba yung iniisip namin kasi may pinahabol siya. 

“Kawawa naman yung mga langgam na icocompare mo sa kanila.”

At ayun, natawa naman kami tapos kumain nalang kami. 

“Oo nga pala Andy, kelan ba tapos niyang kasunduan na iyan?”

Tumingin ako kay Vince nun. Minark ko na kasi sa calendar nung Saturday kung kelan matatapos eh, nakalimutan ko lang bigla. Ah ayun! Tama nga.

“December 25.”

“Aba, saktong Christmas pa ah. Ano yun, christmas gift nyo sa isa’t isa?”

Tinawanan lang namin yun tapos nagkwentuhan na ulit sa kung anu-ano pa. Pagtapos nun eh umakyat na kami kasi 5 minutes nalang eh bell na. Nung hapon naman eh puro lesson lang na boring kaya inantok talaga ako buong maghapon. Buti nga at nagkaroon pa kami ng activity kung di, sigurado knock out ako.

Nung dismissal naman eh nagpaalam na ako kaagad sa mga kaibigan ko kahit maglolocker pa lang ako. for sure naman kasi na kung sasabay sila sa akin tapos kasama ko pa si Kit eh magkakainitan lang naman. Bago naman ako bumaba hanggang sa gate (dun kasi kami magkikita) eh dumaan muna ako sa art room and as expected, may bagong painting.

Ang cute ng pinaint ni Mr. Artist ngayon. Babae ulit tapos may hawak siyang hose at nakatapat sa sky. Tapos dun sa sky eh may rainbow na naform. Ang cute nga eh, basa yung babae tapos nun eh nakasmile siya, probably because of that rainbow. Napangiti naman ako dun, sobrang carefree nung babae, hmm…sino kaya inspiration ni Mr. Artist sa painting na ito?

“Kaya pala ang tagal mo, andito ka na naman.”

Tumingin ako sa likod ko at nakalean si Kit sa wall dun sa may pinto.

“Naghintay ka ba ng matagal?”

“Hindi. Kanina pa ako nandito. Ano ako tanga? Alam ko namang parati kang nadaan dito eh.”

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon