Maaga na naman akong nagising nung Monday. Ewan ko ba, sobrang aga nga eh in fact kaya nag-online naman ako, and to my surprise…online siya. Wow, early bird din pala tong guy na ito.

cuteboi: hey. Long tym no chat

sassygirl: 2 days lng nmn.

cuteboi: bat d k oL? I w8ed

Ano? Naghintay siya? Weh, hindi nga?

sassygirl: weh, di nga.

cuteboi: seriously. Kya ur da rison kng mgmukha man aqng zombie okie? 

Natawa naman ako dun sa sinabi niya at yun. Nag-usap na naman kami. Grabe nga siya eh, ang dami niyang naikukwento. Parang hindi siya nauubusan. Pati nga sa paghihilik ng kapatid niya eh ikinuwento narin niya, now, isn’t that embarassing?

Mga 5:30 siguro nung nagbye na ako sa kanya. Naligo narin ako after nun. Pagkatapos nun eh bumaba na ako para kumain at syempre, gulat na naman si papa sa akin pero this time, hindi siya nagworry na wala akong baon. Mabilis lang ako kumain tapos nun eh nagtoothbrush na at nagtext kay Vince. Pagkalabas ko ng bahay, andoon na kaagad siya sa gate namin. Whoa, bilis nito ah. 

“Bilis mo ah, di ka rin excited no?”

Tinawanan lang niya ako at lumakad na kami papuntang school. Pagdating namin dun medyo may tao na. Mga 6:30 na kasi kami nakaalis eh, kasi nga diba…I lost track of time habang…well…alam niyo na.

Dumaan akong locker kaya si Vince eh pinauna ko na. Medyo marami rami din akong dala nun kaya mabagal lang akong nakalakad. Papunta na ako ng classroom nun ng…

“Put a sock in it. Ano naman kung ganoon? Just stay away from him. He’s mine.”

Aba, si…si Keri yun ah. Sumilip ako dun sa girls’ cr, teka may kasama siya at mukhang pinagtutulungan nila. Hmf, hindi tama yun.

“Ano bang ginawa ko sa iyo?”

“You annoy me. Ang landi mo.”

Aba, nagsalita ang hindi malandi. Ewan ko kung anong pumasok sa napakagaling kong kokote at binaba ko yung gamit ko at pumasok dun sa loob.

“Nagsalita ang malinis.”

Tumingin silang lahat sa akin tapos si Keri nanggagalaiti na.

“Mind your own business freak.”

“Why? Are you afraid na baka lampasuhin kita? Yan lang naman ang kaya mo eh. I-outnumber ang mga biktima mo.”

Nagring yung bell at napatingin si Keri sa labas. Natakot at baka may dumaan na teacher, hmf, duwag naman ito eh.

“Hindi pa tayo tapos freak. Don’t worry, I’ll get you back for this.”

Lumabas na sila at binitawan yung babae kanina. Ako naman eh lumapit sa kanya at tinulungan siya, mabait ako ngayon eh. 

“Ayos ka lang?”

“y-yeah.”

“Wag mo na silang problemahin. Mga walang kwenta naman yang mga yan eh.”

Ngumiti siya sa akin tapos ako eh tumayo na paalis na sana ako nun ng…

“Anong pangalan mo?.”

“Andy. Ikaw?”

“M-Myka.”

Ngumiti ako sa kanya at kinuha yung kamay niya. Nagulat pa nga siya eh.

“nice to meet you Myka.” at shinake ko yung hand niya. Pagtapos nun umalis na ako. Waaa! Late na ako! 

****

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon