LUAV - Revelation 15

879 44 5
                                    


"BAKIT IISA LANG ANG KAMA?" sigaw ko.

Nabaling naman ang atensyon sakin ni Kiel na nililigpit ang mga gamit nya. Tumayo ito at humarap sakin.

"Anong problema dun? King size naman yung bed and were couple kung meron mang mangyaring maganda na hindi ko makakalimutan ayos lang naman sakin hindi naman kita pipigilan kung ano ang gusto mong mangyari sating dala—

Hindi ko na sya pinatapos na magsalita dahil bigla ko syang tinulak upang patahimikin. Pero agad nyang hinapit yung bewang ko kaya pareho kaming natumba sa kama at napa-ibabaw ako sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa at hindi ko namalayang unti-unting nilapit ni Kiel ang mukha nya sakin. Pumikit ako para salubungin yung labi nya pero

.

.

.

.

.

"Guys, baba muna tayo, kakain daw-- Woah!" agad kaming napalingon sa nagsalita at nakita namin si Trevor na nakatayo malapit samin.

"Mamaya nyo na gawin. Kakain muna tayo" natatawang sabi ni Trevor at dahan-dahang naglalakad patalikod na para bang nag i-islow motion.

Napatingin naman ako kay Kiel

"Bitin?" sabi nya. Hinampas ko sya sa braso at nag-paunang lumabas.

"Ewan!"

Sa totoo naman kasi nabitin ako dun. Panira ka Trevor!

PAGSAPIT nang gabi kumain kami ng hapunan sa isang seafood restaurant, syempre libre ng limang lalaki. Hindi pa nga nababawasan yung dala kong pera. Siguro ibibili ko na lang to ng mga souvenir para kay manager at kay mama.

Pagkatapos naming kumain dumiretso kami sa beach at naligo. Yeah! Night swimming yung ginawa namin, hindi naman kami nag swimsuit. Simpleng shorts lang at maluwag na T-shirt samantala yung mga lalaki ay naka topless. Ilang oras na pagtatampisaw at paliligo hanggang sa umahon na rin kami at gumawa sina Shay at Sting ng bonfire. Umupo kami malapit dun at pinalibutan ang apoy.

"Guys, truth or dare tayo" biglang sigaw ni Max. Mabilis naman kaming sumang-ayon

"Sige sige"

Mabilis na tumayo si Max at tumakbo pabalik sa cottage namin ilang minute lang nakita na namin syang naglalakad palapit sa amin na may hawak na isang boteng alak.

"Kung sino yung hindi makasagot o hindi makagawa ng ipapautos iinom ng dalawang baso ng alak" sabi ni Max bilang criteria sa aming laro. Tumango naman kaming lahat bilang pagsang-ayon

"Ako yung mauua" sabi ni Max, nilibot nya paningin saming lahat na animong iniisp kung sino ang unang tatanungin, hanggang sa "CRY, truth or dare" sabi nito.

"Truth" mabilis naman na sagot ni Mavis

"Gaano mo kamahal si Trevor?" nakangiting tanong ni Max, bigla namang sumeryoso ang mukha ni Mavis at biglang ngumiti

"Parang tubig" sagot nya habang hindi inaalis ang tingin sa apoy

"Huh?" kunot noong reaction namin

"Parang tubig kasi—

Biglang pinutol ni Mavis ang sasabihin dahil binaling nito ang atensyon sa nobyong nakatingin sa kanya kanina pa.

—I can't live without him"

"WOOOOOOHHHH"

Pagkasabi nya nun lahat kami ay nagsihiyawan. Akalain mo may tinatago rin palang ka-cheesyhan itong ung kaibigan namin. Inakbayan naman sya ni Trevor at ginulo ang buhok nito

"Ok, My turn" sabi ni Mavis, katulad rin nang kay Max inilibot din nito ang paningin samin upang pagisipan kung sino ang tatanungin nya ng biglang, "STING, truth or dare?"

"Dare" nakangising sagot nito na para bang nagpapahiwatig na matapang syang harapin ang anumang utos na ipapagawa ni Mavis. Ngumisi rin si Mavis pabalik sa kanya.

"Sige, tumayo ka sa gitna at kumanta ka nang PPAP dapat with matching action ha" natatawang paghamon sa kanya ni Mavis

Tumayo naman si Sting at pumwesto sa gitna at natatawang kumanta

" I have a pen, I have an apple ugggh apple pen. I have a pen I have pineapple ugggh pineapple pen. Apple pen, pineapple pen ugggh Pen Pineapple Apple Pen. Tugs....tugs....tugs...." kanta nito habang sumasayaw na parang monggoloid. Humalakhak kaming lahat habang pinagmamasdan sya kung gaano sya ka kengkoy sa pagsasayaw nya. Habang Shay naman ay tinakpan ang mga mata

"Hala! Si Lala hindi makatingin kay Sting" natatawang sabi ni Suredele at tinuro pa si Shay. Bumalik naman si Sting sa tabi ni Shay at inakbayan ito.

"How was it?" tanong nya na para bang proud na proud sa ginawa nito.

"Kadiri." sagot naman sa kanya ni Shay pero agad naman itong tumawa

"Ayos, turn ko na" sabi ni Sting na mabilis na pinaikot ang tingin sa paligid.

"JOY, truth or dare?" napatingin naman kaming lahat sa direksyon ni Francie. Hindi ito sumagot ng ilang segundo na para bang pinag-iisipan kung ano ang pipiliin nito.

"Dare." Sagot nya.

"Sige mag sexy dance ka sa harap ni Tyler"

Bahagya akong napanganga dahil s autos na pinapagawa ni Sting at ganun rin ang nakita ko na ekspresyon ng mga kaibigan ko. Akala ko tatanggi si Francie ngunit nagulat ako dahil nagkibit balikat lang sya na para bang sinasabing "napakadali naman yan". Mabilis itong tumayo, maglalakad na sana sya sa harapan ng nobyo pero napatigil ito sa paglalakad dahil hinila sya ni Tyler pababa at napaupo ito pabalik sa lupa. Nagulat kaming lahat ng walang pagdadalawang isip na kinuha ni Tyler ang dalawang basong alak at mabilis na ininom ito.

"Bakit, mo ginawa yun?" gulat na tanong ni Francie, lumingon lang si Tyler sa kanya at binigyan ito ng matamis na ngiti

"Because I don't want you to look stupid." Sagot nito at agad niyakap ang nobya.

"Ohhhhhh...kaay!" sabat ni Sting at tinaas pa ang dalawang kamay na para bang sumusuko na sa mga pulis.

"Dahil wala sa rules yung ginawa ni Tyler magiging apat yung basong iinumin nang susunod na magiging KJ, ha" sabi ni Max at nilagyan ng dalawang alak ang panibagong mga baso

"Oh! Ty ikaw nang senpai " sabi ni Shay. Tumango naman ito at mabilis na tinuon ang tingin sakin.

"Happy— biglang sabi nito —Truth or dare?"

Pinataas ko muna ang kilay ko bago ko sya sinagot.

"Hmm, Dare"

"Sige, tanggalin mo yung pagkakatali ng buhok mo at halikan mo si Kiel sa pisngi"

"Huh?" mabilis na reaksyon ko

Ok na sa akin yung halikan si Kiel, pero yung tanggalin ang tali ng buhok ko. It's a big NO.

"I surrender." sabi ko, bigla namang nanlaki ang mga mata nila. Ang mga lalaki dahil sa pagtataka at pagkagulat kung bakit hindi ko kayang gawin ang inutos ni Tyler at nang mga kaibigan ko dahil alam nilang hindi ako marunong uminom ng alak.

"W-why? tatanggalin mo lang naman yung tali ng buhok mo at—

Hindi na natuloy ni Tyler ang sasabihin dahil kinuha ko na ang isang basong may alak. Iinumin ko na sana ito pero agad itong inagaw ni Kiel at nilagok ang apat na baso ng tuloy tuloy.

"Bakit, mo ginawa yun? Hindi ka marunong uminom ng alak" sigaw ni Tyler pero hindi nya ito sinagot, instead binaling nya ang atensyon nya saakin

"I love you! " yun lang ang sinabi nya at agad itong naglakad paalis.


Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon