Voice 21

1K 55 13
                                    


~Voice 21~

~Peyton~

Good morning Philippines. Today is Saturday niyaya ko si Francie na mag mall para naman stress free muna dun sa mga bangus namin na boss. Pero syempre naka diguise pa rin kami mahirap na. Nandito ako ngayon sa stall ng mga keychains. Nakatambay dahil hinihintay ko pa yung kasama ko na nasa loob ng Cr.

Habang busy ako sa kakatingin. Naramdaman kong may tumabi sa akin. Ngunit hindi ko naman pinansin. Umalis ako dun sa dati kong pwesto para lumipat sa kabilang stall. Pero nakaka tatlong hakbang pa lamang ako ng bigla nyang hinawakan ang braso ko

"Hey! What are you doing?" mahina kong sabi dun sa taong nakahawak sa braso ko. Sinubukan kong kunin yung braso ko pero mas lalo nyang hinigpitan yung pagkakahawak nya sa akin

"Let me go" sabi ko ulit "Kung di mo ko bibitawan sisigaw ako" pananakot ko sa kanya. Siguro naman pag sumigaw ako bibitawan nya na ako

"Don't you dare" sagot nya. Abah? Ako pa ngayon ang tinatakot nya. Pero wait his voice parang narinig ko na to di ko lang matandaan

"Come with me"

Huh? Ok lang sya? Sa tingin nya sasama ako sa kanya na yung outfit nya naka shades at hood na mukhang kidnapper

"Are you out of your mind, Mister? Sa tingin mo ganun ako ka desperadang sumama sa mga taong di ko kilala?" napalakas na yung pagkasabi ko nun kaya napapatingin na sa amin ang ilang costumer. Narinig kong nagmura sya at sabay gulo ng ulo nya

"Just come with me" at hinila ako paalis pero pumiglas ako sa pagkakahila nya. At tumigil sya sa pagkakaladkad sakin.

"Ano ba? sino k-" napahinto ako sa sasabihin ko dahil bigla nyang inalis yung hood nya pati yung shades at humarap sakin

"So? Can we go now?" galit nyang sabi. Kaya pala familliar yung boses nya kasi..

"Oh my Gosh! Prince Kiel" rinig kong sigaw ng isang babae at napatingin naman ako sa kanya

"Shit" Hala! nagmura sya pero hindi pa ako nakaka pag react ng bigla nyang hinawakan yung kamay ko at hinila ako patakbo

"H-h-hey san tayo pupunta?" sabi ko sa kanya habang bumababa kami ng hagdan

"Parking Lot" sagot nya

"Ha? Eh pano yung kasama ko?" tapos lumingon ako, pero nagulat ako dahil hinahabol na pala kami ng sandamakmak na tao.

"Bakit nila tayo hinahabol?" tanong ko pero di na sya sumagot dahil

'PRINCE KIEL PA AUTOGRAPH'

'PRINCE KIEL PA PICTURE'

'PRINCE KIEL WAIIITT'

Ay susme! Kaya pala eh. Di ko na namalayan nandito na pala akmi sa parking lot. Pero takbo pa rin kami ng takbo. Hanggang sa nakita namin ang isang lalaking nasa harap ng black limousine. Nung nabaling yung paningin nya sa direksyon namin agad syang nataranta at dali daling binuksan yung pinto . Hinila ako ni Kiel papasok at agad naman itong sinara ni manong driver. Pagkapasok ni manong sa Loob ng kotse bigla syang sinigawan ni Kiel na mag drive na. Napatingin ako sa labas papalapit na ang mga tao sa sasakyan. Pero buti na lang nakaalis na kami

"Uhm. Kiel yu--" naputol ako dahil bigla nya akong sinigawan

"WHAT?" inis nyang sabi nananlalaki pa yung mga mata

"Ah-Uhm- yung k-kamay ko" pagkasabi ko nun napatingin naman sya sa kamay ko na kasalukuyan nyang hinahawakan. Awtomatiko nya naman itong binitawan

"S-sorry" sabi nya at binaling ang tingin sa kabilang direksyon. Pero teka? Bakit namumula yung tenga nya? Nakuuuu. Nag ba-blush sya? HAHAHA! Pero di ko na lang pinansin dahil badtrip to eh. Nakita ko namang sinandal nya yung ulo nya sa upuan ng kotse

"San ba tayo pupunta?" tanong ko habang nakatingin sa labas

"Practice" walang ganang sagot nya

"Practice? para saan?"

"Idiot! Activity" sabay buntong hininga. Ay oo nga pala yung video act para sa mapeh akala ko papalitan nya ako o di kaya magsosolo na lang sya. Bumelat lang ako sa kanya at di na umimik. Ilang minuto ang lumipas biglang huminto yung sinasakyan naming limousine. Napatingin ako sa labas

O______O

B-bahay nya to?


Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon