LUAV - Revelation 13

822 43 6
                                    

~Peyton~ 

Nakahalumbaba ako ngayon sa armchair ko. Habang nag ka-klase kami sa music, tiningnan ko yung mga kasama ko. ABAH! ganun rin ang ginagawa nila maliban lang kay Mavis na nagbabasa ng libro. Take note, pinasok nya ito sa music book namin para kunyari nagbabasa ng lesson pero yun pala lovestory. Akalain nyo yung binigay na box sa kanya ni Trevor ay naglalaman ng mga libro.

Binaling ko yung atensyon ko sa ibabaw ng kisame. Magbibilang na lang ako ng mga magdadaanang butiki. Pero pati butiki inantok rin kaya walang dumadaan. Pero napansin ko lang na may isang nakatuping papel na nasa tabi ng sapatos ko. Pinulot ko ito at binasa

'Bored?'

Ha? Sinong nagpasa nito?

Tumingin ako sa mga kaibigan ko pero mukhang wala naman silang kinalaman, nilibot ko yung paningin ko at nakita ko sa likod si Kiel na kumindat.

So? Sya pala ang nagpadala nito. Kinuha ko yung ballpen ko na nakatusok sa ponytail kong buhok at nagsulat

Yep! :)

Tinupi ko ito ulit at pasimpleng tinapon sa likod. Tiningnan ko naman sya pero nakayuko na sya ngayon. Mukhang may sinusulat na sya sa papel. Pero nagulat ako nung kinulbit nya yung balikat ko. Kaya napalingon ako sa kanya

"Ano?" pabulong kong sabi

"Pahiram ng notebook" sagot nya kaya kumuha ako ng isang notebook sa bag at binigay sa kanya. Agad nya naman itong kinuha. Makalipas ang ilang segundo nakita ko na lang na pinadulas nya sa sahig ang notebook ko pero sa side ito ni Francie napunta. Pa simple ko namang sinundot yung tagiliran ng kaibigan ko, nagising sya at tumingin sa akin na naka kunot ang noo.

"Paki pulot nung notebook ko, please"

Agad naman syang tumingin sa ilalim at pinulot ang notebook ko at iniabot sakin

"Ano ba naman kasing trip mo at napunta dito yung notebook mo. Alam mo namang natutulog yung tao eh"

"Sorry!" sagot ko na lang. Binuklat ko yung notebook ko at nakita ko sa huling pahina ang nakasulat

I love you.

Napangiti naman ako nang palihim. Ok di na ako inaantok .

Nagsulat din ako ng I love you too sa ilalim ng sinulat nyang I love you at pasimpleng tinaas ito at pinaharap sa kanya. Narinig ko naman ang maliliit nyang pagtawa

"So, yan pala ang dahilan mo sa pag istorbo ng tulog ko."

At nakita ko si Francie na naka tingin sa akin at sa notebook ko habang nakapatong yung baba nya sa kanyang kamay. Kinindatan ko lang sya bilang sagot.

"Ok, before we end our dis—

Biglang natigil sa pagsasalita si maam dahil biglang bumukas ang pinto nang classroom namin. At nakita ko dun nakatayo ang isang magandang babae na nasa mid 40s habang nasa likod nya si Manager Lucy. Nakita ko namang napatingin sakin ang mga kaibigan ko

"Where is my daughter, Peyton?"

"Mama" mahinang samibit ko

"Excuse me, Ma'am, but who are you?" tanong nung teacher namin

"Oh! Sorry, are you the adviser of my daughter, Peyton? I'm Levy Dreyar her mother" nakangiting sabi nito sabay lahad ng kanyang kamay

Narinig ko naman agad ang bulong bulungan ng mga kaklase ko

"Mama ni Peyton ng Fallen?"

"Bakit sya andito?"

"Ang ganda ng mama nya, mukhang teenager palang eh"

Nakita ko namang napatingin sa direksyon ko si ma'am Mapeh at ngumiti. Kinuha nya ang kamay ni Mama at nakipag kamay dito

"Mrs. Dreyar, I'm so glad to meet you but I'm sorry hindi ko po estudyante ang anak nyong si Peyton"

"What? pero dito nag-aaral ang anak ko, diba Lucy?— binaling nya naman ang tingin nya kay manager –You told me that Peyton is enrolled in this school" patuloy ni mama

"Dito nag-aaral si Peyton ng Fallen?"

"Oo, siguro diba manager nila yan yung naka t-shirt na white palagi ko yang nakikita sa tv eh"

"Bakit hindi ko sya nakikita?"

"Libutin kaya natin mamaya ang buong campus mamayang lunch"

At tuluyan nang nag si-ingayan ang mga kaklase namin. Nakita ko namang nilibot ni mama ang paningin nya sa buong classroom hanggang sa magtama ang aming mga mata, bigla syang ngumiti

"There, ayun yung ang an—

"Mrs. Dreyar sa office na lang po tayo mag-usap" singit ni maam at inakay si mama palabas sabay sara ng pinto ng classroom

At dun lang ako nakahinga ng maluwag. Bakit nandito si mama? Anong ginagawa nya dito? Muntikan na kami dun ah, mabuti na lang andun si maam mapeh. Pero nagtataka lang ako bakit nya kami/ako tinulungan? Dapat hinayaan nya na lang na mabuko kami ni mama yun naman ang gusto nya eh. Ang malaman ng maraming tao kung sino talaga kami. Ano bang binabalak mo Miss Lisanna?

*Kriiiinngg*

Biglang tumunog ang bell hudyat na uwian na. Tumambay muna kami ng cafeteria kasama ang Hashtagx para kumain. Tamad daw kasi silang kumain sa labas. Pumwesto kami sa dulo para iwas atensyon. Umalis naman ang limang lalaki para umorder

"Bakit pumunta dito si tita Levy?" tanong ni Suredele

"At dumiretso pa talaga sa school" dugtong ni Francie na nginingitngit ang kuko nito.

"Wag mo ngang ngitngitin yang kuko mo, nakakadiri ka— sabi ko sa kanya sabay irap –Hindi ko nga alam eh, akala ko next year pa yun uuwi galing Italy" sabi ko

"Buti na lang hindi ka nya nakilala, pati rin kami nuh" sambit ni Mavis

"Ewan ko lang" sagot ko ulit

"Tanungin na lang natin sya mamaya pag-uwi natin" sabi ni Shay

Sumang-ayon naman kami. Makalipas ang ilang minuto dumating na rin ang mga lalaki at nagpanggap kami na parang walang nangyari.

"Yun ba yung mama ni Peyton?" tanong ni Max sa amin habang kumakain ng pizza

"Y-yun s-siguro hinahanap nya nga si Peyton eh" sagot sa kanya ni Suredele

"Pero bakit nya naman hinahanap dito si Peyton? Eh, hindi naman yan dito nag-aaral" dugtong naman ni Kiel.

Pasimple namang tumingin sa akin ang mga kaibigan ko pero tinuloy ko lang ang pagkain ko kahit mukhang hindi na ma-digest ng tiyan ko ang aking mga kinakain dahil sa sobrang kaba

"Ewan ko at pwede ba guys change topic na tayo. Wala naman tayong paki-alam sa personal na buhay ng Fallen" sabi ni Tyler habang nilalagyan ng ketchup ang kinakain nyang fries

OUCH! Wala talaga silang paki alam samin? Kahit ok na kami kalaban parin ang tingin nila samin.

"By the way guys, anong plano nyo bukas? Holiday ng school diba?" pag-iiba ng topic ni Trevor

"Oo nga no, 50th death anniversary pala ng first principal ng school" sambit ni Sting

"What about mag beach tayo. Agree babe?" sabi ni Kiel sabay akbay sakin

"Ah- O-oo naman" sagot ko

"Good idea, beach tayong lahat para naman makapag relax tayo bago dumating ang final battle natin " pag sang-ayon ni Max

Haay! mukhang maganda nga ang naisip nila. STRESS FREE MUNA.


Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon