Voice 11

1.2K 70 18
                                    



~STING~

"Shit! Ano yung sinabi ko? Aiisssh! Baka isipin nun may gusto ako sa kanya"

Yan ang mga katagang sinasabi ko habang naglalakad ako pababa ng rooftop. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan nang makasalubong ko ang apat nyang mga kaibigan.

Mayroon silang bitbit na snacks at juice. Bigla naman akong napatitig sa mga mukha nila.Kung tatanggalin siguro nila yang mga nerdy glasses nilang soot, papakuha yang mga braces at ilulugay yang mga tali nilang buhok.

Siguro naman may mga ganda rin silang mapapakita. Teka? Ba't ko ba iniisip yun.

"Hoy! Okay ka lang?" h

Napatingin naman ako dun sa nagsalita. Si Happy pala na naka kunot yung noo

"Huh?"

"Sabi nya okay ka lang ba? Ang lalim kasi ng iniisip mo eh. May pa iling iling kapang nalalaman" sabi naman nung Joy na may dalang dalawang Nova.

"Yeah!"

yan lang ang sinabi ko at nagpatuloy sa pagbaba. Nabangga ko pa nga yung isa nilang kasama. Si Cry siguro yun? Aba! Ewan ko. Pagkababang pagkababa ko nakita ko naman yung apat .On The way sa Cafeteria. Kaya sumabay na lang ako.Yung sinabi ko? Tsk! Oo na seryoso ako dun

~SUREDELE~

Nandito na kami ngayon sa loob ng classroom. Time na eh pero napansin ko lang si Shay kanina pa nakangiti. Namamaga na nga yung paa nya nakangiti pa. Tsk! Parang may something talaga eh! Pero syempre pinabayaan ko na lang. Habang nag-iisip isip ako. Narinig ko na lang na may tumawag sa pangalan ko

"Sammy! Hali ka nga muna dito" napatingin naman ako sa tumawag sa akin. Si Kenny pala kaklase namin dun sya sa unahan nakaupo.Tiningnan ko muna si Happy kung payag ba syang pumunta ako kila Kenny. Tinaasan lang nya ako ng kilay bilang sagot. Kaya heto ako ngayon naglalakad papalapit sa kanila.

"Ano ba yun?" sabi ko habang naglalakad palapit sa kanila. Di ko namalayan na may balat pala ng saging na nasa sahig. Kaya naman

*Blaaaag*

BIGLA AKONG NADULAS AT UNANG LUMAPAT SA SAHIG ANG PWET KO!

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Yan lamang ang naririnig ko sa buong paligid, ang tawanan at halakhakan ng mga kaklase ko. Sinubukan kong tumayo pero ramdam na ramdam ko ang sobrang sakit ng pwet ko

"Sam! Ok ka lang?"

Napaangat ako ng ulo at nakita ko si Mavis at Francie na alalang alala sa akin habang inaalayan akong tumayo

"Hindi! Masakit ang pwet ko"

Hindi pa kami tuluyang nakatayo ng biglang. Binuhusan kami nang slime ni Kenny at ng mga kaibigan nya

"HAHAHAHAHAHA"

tawanan na naman ng mga kaklase namin. Nakita kong tumakbo papalapit samin si Happy at Lala nung malapit na sila pinatid naman sila ni Billy at Ford. Kaya katulad namin napasalampak din sila sa sahig. WORST! Natumba sila sa amin

Kaya kaming lima ay naka-upo dito sa sahig na puno ng slime. Di pa sila nakuntento tinapunan pa nila kami ng harina napapikit na lang ako sa mga pinang-gagawa nila. At nagulat ako ng maramdaman ko ang mga flash ng camera at dahil dun yumuko na lang ako

Biglang bumukas yung pinto tumahimik sila. Tumigil yung mga kamatis na nagsasayawan sa katawan ko. Akala ko dumating na yung teacher namin. Pero mas lalo akong nagulat ng pag-angat ko ng ulo ko. Nasa harap namin nakatayo ang Hashtagx. Nakangiti silang lima samin. Bigla namang lumapit si Kenny kay Max.

"Hi babe, So what can you say?" malanding tanong ni Kenny sabay yakap sa isang braso ni Max

"Amazing!" sagot naman ni Max at hinalikan si Kenny sa lips at dun lang nag sink-in sa utak ko na. PAKANA LAHAT TO NG WALANG KWENTANG HASHTAGX!!

"What are you looking at?" sabi ni Max na nakangiti sa akin sasagot na sana ako. Pero hinawakan ni Joy yung kamay ko

"Sayang! Di natin nakita yung full scene" sabi ni Kiel sabay nguso ng labi nito na para bang sobrang nahihinayang

"Don't worry Kiel! Kinuhanan namin yan ng video" sagot naman ni Kenny na ngayon ay nakapulopot ang dalawang kamay sa bewang ni Max.

"Babe! Clean this mess now" malanding sabi ni Max sa tenga ni Kenny at bahagyang kinagat pa ang dulo nito. Napaungol naman ng mahina ang babae

"Sure babe!" sagot naman ni Kenny. Nag snap lang sya ng isang beses at awtomatiko ng binuhusan kami ng tubig ng mga kaklase naming lalaki

"Done!"

"Good!"

Nagulat ang lahat ng biglang bumukas yung pinto at pumasok ang isang teacher

"ANONG NANGYARI DITO? OH MAY GOSH!" yan agad ang sinabi nya nung makita kaming naka-upo sa sahig na parang basang sisiw

"THE FIVE OF YOU HELP THEM!" turo nito sa Hashtagx, nagulat naman kami ng bigla nilang nilahad yung mga kamay nila

"No thanks!" rinig kong sabi ni Peyton at tinulungang itayo ang sarili. Sumunod naman kami sa ginawa nya

"Girls! Let me help you." sabi ni Maam pero tiningnan lang namin sya at nginitian nakuha nya naman siguro kung ano ang ibig sabihin nun. Naglakad kami palabas ng classroom at binigyan naman nila kami ng daan.

Ngunit bago kami tuluyang lumabas sa impyernong room na yun. Tumigil muna si Happy at humarap sa kanila

"Kayong lahat! Salamat ah at kayo Hashtagx hindi man mismo kami ang makakaganti sa mga ginawa nyo. Alam ko namang iba ang gagawa nun para sa amin" sabi nito at ngumiti pa sa kanila at tuluyan na kaming umalis dun.

She's right hindi kaming mga NERDS na losers ang gaganti. Dahil ang mga MAGAGANDANG FALLEN ang gagawa nun para sa amin kaya Hashtagx!

.

.

.

.

"GET READY!"


Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon