Voice 2

2.1K 96 14
                                    


~Kiel~

"Oh my gee! The Hashtagx is here na"

"Oh Gosh! Kiel is mine"

"No Kiel is mine"

"Shut up! Tyler is more handsome"

"Sting my loveees"

"Maxxy babeyyy anakan mo ako"

"Trevooooorr babe"

Yan lang naman ang naririnig namin t'wing papasok kami ng sa umaga. Hindi pa nga kami nakakababa sa service naming nagkukumpulan na ang mga girls sa labas. *smirk*

"Hearthrob na talaga tayo!" confident na sabi ni Max at paunang lumabas ng sasakyan. Sumunod naman si Sting na may pakaway - kaway pang nalalaman then si Tyler na seryosong lumabas tapos si Trevor na nagbabasa ng libro muntik na ngang mauntog eh dahil sa pagiging addict nya. and lastly ako na binigyan sila ng pamatay kong ngiti.

Nakatayo kami sa harap ng gate nang naka position ako ang nasa enter sa right side ko si Tyler sa left side ko naman si Sting. Katabi naman ni Tyler si Trevor at katabi naman ni Sting si Max. Nung naka posisyon na kaming lima doon lang kami nag umpisang maglakad papasok.

Samantala ang mga babaeng estudyante ay nagsisigawan, nagtutulakan at nagtitilian. Syempre? walang makaka iwas sa kagwapuhan namin. Sikat na nga? Gwapo pa. San kapa?

Ganun ang nangyari hanggang makarating kami sa classroom namin. Ang grupo namin ang nakapwesto sa likod. Ako yung nasa gilid katabi ko yung pader tabi ko sa Tyler katabi nya si Sting katabi ni Sting si Max and lastly na nasa dulo si Trevor. Umupo na kaming lima ng biglang magsalita si Max.

"Guys! I've heard may mga new students daw"

"New students? As in S-T-U-D-E-N-T-S ?" tanong ni Sting

"Bobo mo talaga Sting! Kakasabi lang eh kailangan ulitin?" biglang singit ni Trevor na di pa rin inaalis ang tingin sa binabasa nya

"Ako lang ang makikita mong bobong gwapo, ulol" sabi nya at tumayo "Right girls? *wink*

"Oo naman papa Sting!" sagot naman ng mga kaklase naming babae na may pa beautiful eyes pang kasama

"Kapal mo talaga" bwelta naman ni Tyler, sasagot pa sana si Sting pero napatigil sya dahil biglang pumasok yung teacher namin

"Goodmorning! Class" tumayo naman kaming lahat at binati rin sya

"Ok! Sit down, before we start! I want to introduce to all of you, your new classmates"

"Paglalaki yan! Hmp! patay sakin yan" seryosong sabi ni Sting

"Bakit naman?" sagot ko

"Baka malamangan ako eh" Seryosong sabi nito pero napatawa ako ng patago dahil bigla syang binatukan ni Tyler

"Quite!" sabi ni Trevor

"Ok! Girl's come in"—

"WHAT? GIRLS?" rinig kong bulungan nung tatlo

"Panigurado chika babes to" sabi ni Max

"Akin isa ha" dugtong naman ni Sting

"Tirhan nyo naman ako" dugtong din ni Tyler

"Baka magsisi kayo" sabi ni Trevor na ngayon ay binaba na ang binabasa nyang libro at humarap sa harapan. Kaya humarap na rin ako, pagharap ko unti-unting bumukas yung pintuan at pumasok ang limang babae

.

.

.

limang babaeng

.

.

.

"NERDS!"

Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon