"Kailangan nating takpan ang mga mata mo para hindi mo makita ang daan." simple niyang tugon na siya namang nagpatigil sa mundo ko.

Tiningnan ko siya ng mabuti. Seryoso ba siya?

"Hindi ko kaya ang pinapagawa mo."

"Tatakpan lang ang mga mata mo Kamila, hindi ko sinabing magpakamatay ka." naiiritang saad niya.

Marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko sabay sabi, "Para mo na rin lang sinabing magpakamatay ako kung ipipilit mo sa akin iyan Patrick. Hindi ako makahinga kapag wala akong makitang liwanag." paliwanag ko. 

Sumimangot siya saka humalukipkip.

"Wala kang magagawa kung ganun. Pilitin mong huminga kasi walang ibang paraan." mariin niyang saad.

"Bakit? Wala ka pa ring tiwala sa akin?" hindi ko makapaniwalang tanong. Ibinigay ko na lahat ng kailangan niya, ano pa bang gusto niyang patunayan?

"Bago matapos ang gabing ito, mabubuo ulit ang tiwalang pinagkaloob ko sayo Kamila kaya sumama ka na lang."

Kinaladkad niya ako patungo sa elevator gamit ang mahigpit na kapit niya sa braso ko.

"Patrick nasasaktan ako! Ano ba? Gusto mo bang makita ng mga tao na may pasa ako? Hindi natin matatakpan 'to!" singhal ko dahil sa inis at kaba.

Lumingon siya sa akin bago ngumisi. "People knew about my sexual preferences Kamila. Normal na na makita nila na may kaunting pasa ang mga babae ko."

Sa kabila ng mainit na hangin sa loob ng kulob na kwarto, hindi ko mapigilan ang kilabot. Anong klaseng tao ba itong Patrick na to? Napaka-hayop!?

Nagpatianod ako dahil wala na din naman akong magagawa. Pagkapasok namin ay agad niyang inilabas ang panyo sa kanyang bulsa at inilagay iyon sa aking mga mata.

Nang magdilim ang paligid, nagsimula na ngang bumilis ang takbo ng puso ko.

"Pakibilisan ng pag-akyat please." tiim-bagang kong pakiusap.

Nagsimula na namang mamawis ang mga kamay ko kaya pinunas ko iyon sa gown na suot ko.

Isip Kamila. Mag-isip ka ng pagkakataon na makapagpapabawas ng takot mo. Isip, isip, isip. Paulit-ulit na saad ko sa sarili.

"You have this before?" bigla ay tanong ng katabi ko.

"Y-yes." habol ang hininga kaya medyo nabubulol ako sa mga salita.

Pinag-iisipan ko yung mga hindi malilimutang pangyayari sa amin ni Kia at ni Rio. Pero wala ni isa man doon ang nakakatulong para mapawi ang takot.

Isinandal ko ang katawan ko sa pader ng elevator saka hinawakan ng mahigpit ang cross sa kwintas ko.

Nasa ganun akong ayos nang biglang may maramdaman akong sumagi sa parteng dibdib ko.

Napamura ako sa isip. Heto na naman ang walang-hiya. Ganito na lang ba lagi?

"Patrick?" alangan kong tawag.

"Over here love." hinga niya sa may tainga ko.

Napasinghap ako sa gulat sabay iwas palayo sa kanyang kinapupwestuhan. Nagulat ako nang bigla niya akong kabigin dahilan para madapa ako sa kanyang dibdib.

"Why do you keep on pushing me away Kamila? Wag mong sabihin na mahal mo pa rin ang gagong Rio na yun!?" sigaw niya sa tainga ko.

Kahit na nanghihina ay inipon ko ang buong lakas ko upang itulak siyang palayo. Napasobra yata ang pagkakatulak ko dahil nakarinig ako ng malakas na kalabog at kasunod nito ay ang mas malakas niyang mura.

"Punyeta!! Gusto mo talagang makatikim, ha!?"

Sumugod siya sa akin saka sinikmuraan ako dahilan para mapayuko ako dahil sa sakit. Napaubo din ako habang lalong lumalala ang kalagayan ng paghinga ko.

Habang nasa ganoong mahinang posisyon ay inihiga niya ako sa sahig sabay pumaibabaw sa akin at dahil na rin sa sakit na iniinda sa sikmura ko, hindi ko magawang paglabanan ang mga bago niyang kapangahasan.

Itinaas niya ang dalawa kong kamay at ikinulong iyon sa taas ng aking ulo habang ang kanyang labi naman ay sinusubukang hulihin ang sa akin. Pinilit kong magpumiglas kaya mas lalo siyang nahirapan sa pagsupil sa akin. Nang makawala ang isa kong kamay, umigkas iyon dahilan para masapo ang kanyang panga.

"Bitawan mo ko, ano ba Patrick!?" singhal ko sa kanya.

"Ahh.. Ang sarap kapag nanlalaban ang babae. Sige pa Kamila, laban." ungol niya.

Kahit natatabunan ng panyo ang mga mata ko, alam kong namimilog ang mga iyon. Hayop talaga ang taong ito. Isang walang-kwentang hayop!

Nagpumiglas ang katawan ko kaya para akong uod na usod ng usod at galaw ng galaw para mapaalis siya sa pagkakakumbabaw sa akin. Ang kaso ay mas malaki siya at di hamak na mas malakas at nakakakita pa siya kaya wala din namang epekto ang panlalaban ko. Kung tutuusin ay mas lalo nga yata siyang nalilibugan dahil ang pagkalalaki niyang nakadikit sa puson ko ay lalong lumalaki at tumitigas.

Napatigil ako dahil sa pandidiri. Pakiramdam ko ay napakarumi kong babae dahil nararamdaman ko ang bagay na iyon sa katawan ko. Kahit may mga saplot na pumapagitna sa amin, parang ang dumi na meron siya ay unti-unting nalilipat sa akin. Nangilabot ako.

"Ano, tapos na ba?" mahina niyang bulong. "Gusto mo dagdagan pa natin?" saad niya sabay daklot sa dibdib ko.

Napahiyaw ako sa gulat at sa sakit lalo at mukhang pinanggigigilan niya yata ang mga iyon.

"Please," sumamo ko. "Please Patrick, maawa ka." hagulhol ko. Hindi ko na mapigilan ang pagdaloy ng mga butil-butil na luha sa aking mata na nasasalo naman ng panyo na nakatakip dun.

Sa awa ng Diyos, saktong pagkasabi ko nun ay tumunog naman ang ping ng elevator.

Agad niya akong itinayo at inayos. Alam kong sira na ang buhok at baka sira na din ang make-up ko dahil sa katarantaduhan ng lalaki na kasama ko pero wala akong pakialam. Nanginginig pa rin ako sa takot at sa galit.

"Tama nang iyak. Makikita ka ni Misty baka anong isipin nun." banayad na ngayon ang boses niya na parang walang nangyari.

Sa loob-loob ko ay gusto ko siyang sigawan, gusto ko siyang saksakin ng paulit-ulot hanggang sa mawalan na siya ng buhay at mabawasan ang mga katulad nila sa mundo. Gusto kong paulit-ulit siyang pagbabarilin hanggang sa magkagutay-gutay ang mga laman niya sa dami ng balang pumupupog doon. Gusto kong ipakain ang mga lamang loob niya sa leon habang buhay siya upang pakinggan ang mga sigaw niya ng saklolo.

Subalit ang ginawa ko ay tumango na lang para mawala na ang atensiyon niya sa akin habang ipinapangako sa sarili na ako mismo ang papatay sa hayop na lalaking ito.

Pagtapak na pagtapak namin sa labas ng building, biglang sumigaw ng static ang earpiece sa aking tainga kaya napapikit ako ng mariin habang sapo ang ulo na nananakit. Napaluhod ako sa semento habang may bagong yugto naman ng luha na kumawala sa aking mga mata.

"Kamila.. Anong nangyayari sayo?" sigaw ni Patrick sa akin pero hindi ko siya marinig.

Nang mawala ang static ang buong atensiyon ko ay napako na ngayon sa mga boses na meron sa kabilang linya.

Inisa-isa ko sila sa aking isipan. Mexico, Ichiro, Ruzz, Giana, Kier, at ang baby ko. Andun din si Kia!!

Isang mahinang tawa ang kumawala sa kanya. Tumatawa ang anak ko at sa hindi mawaring dahilan ay parang napawing lahat ng mga hirap na pinagdaanan ko nitong mga huling araw.

Ayos lang na danasin ko ang lahat basta maging ligtas lang ang anak ko at patuloy na marinig ang tawa niyang iyon.

Ang pakiramdam ko ngayon ay sinaksakan ako ng panibagong lakas. Bumawi ako ng tayo at marahang pinagpag ang gown na suot ko.

"I'm fine." saad ko sa mahinang boses habang lalong lumalawak ang ngiti sa isipan ko nang marinig ang hiyawan nila pagkasabi ko nun.

Yes, I'm fine.

Hindi ko alam kung paano ko nasabi, pero alam kong magiging maayos din ang lahat.

Lalo at alam kong makikita ko ngayong gabi si Rio.

*****

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon