Ika- Labing Siyam Giling *** First Kiss :-*

Magsimula sa umpisa
                                    

Yung mga braso niya na may ilang pangingitim at pamumula na sigurado akong pagbukas ng liwanag ay magiging mas mapupula pa.


Mahigpit kong naihawak ang kamay ko sa aking bibig para pigilin ang paglabas ng mga hikbi ko.


Makikita sa mga braso niya ang ilang maninipis na hagupit at sigurado ako mas marami pa sa katawan.


"Badong..." Marahan kong tawag sa kanya pero isang maling hakbang iyon para sa akin dahil ng tumingala siya para tingnan ako.


Hanggang sa hindi ko na napigil ang ilang hikbi ng makita ko ang bakas ng mga daliri sa kanyang leeg.


Tuluyan na akong napa iyak...


Hindi na kailangan ng madaming salita o paliwanag sa mga bakas pa lang alam ko na kung gaano naging malupit sa kanya ang gabi...


Kung gaano naging walang puso ang nag-iisang lalaking minahal niya ng walang hinihinging kapalit...


Kung paano ang bawat salita ay mas magiging mahapdi sa bawat sugat at latay na kanyang nakuha.


"Shhhh... Tahan na... Ano ka ba... Wala ito... Wala..." Marahan niyang sabi habang hinahagod ang aking ulo.


Paano ko matatanggap ang 'Wala' niya kung naririnig ko ang masasakit na salitang kanina lang mag-isa niyang nilulunok?


"Shhh... Tahan na... Hindi para satin ang gabing ito may mga ganoon talagang pagkakataon sa buhay natin... Iyon nga lang yung sa atin kakaiba... Wag mong iyakan ang dinanas ko... Dahil para sa akin... Mas masakit ang makitang sumisigaw ka at nilalapastangan ng kung sino..." Tinitigan niya ako sa mata habang pinapahid ang mga luha ko.


"Hindi ko kaya...


Hindi kayang tanggapin ng bawat bahagi ng pagkatao ko na may mananakit sayo...


Hindi ko kayang manahimik kung ikaw ang masasaktan...


Coring...


Handa akong maging masama...


Handa akong maging mabangis na hayop sa paningin nila masiguro ko lang ang kaligtasan mo...


Gagawin kong posible ang lahat ng bagay...


Masiguro ko lang na ayus ka..."


Hindi ko mapigil ang yakapin siya...


Nakakainis naman eh...


Linya pa lang pang Fafabells na... Kaso ang hitad na ito Fafabells din ang gusto!


~~~Lord! Kung ang tamaan siya ng kidlat ang tanging paraan para maging ganap na lalaki siya, please lang! Iyong pinakamalas na ibigay mo para surebol!


Marahan siyang kumalas sa akin.


Saka ako tinitigan ng husto.


Hanggang sa unti-unting bumaba ang kanyang mukha...


~~~Lord... Eto na ba yun? Ang bilis in fairness ah... Daig ang LBC, tapos yung kidlat invisible! Pero wah! Pak! Mag papa-pak, ganern na ako kay Badong! My first kiss!


Dali-dali akong pumikit... As yung pikit para hintayin ang paglapat ng kanyang labi.



---oOo---


Please don't kill me hahaha

ayaw mag post nung dalawa so bukas n lng... pwamis!


VOte and Comment


Love yah! :-*




Written by:


Crazybhabiemhine

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon