MTJAB: Chapter 11

Start from the beginning
                                    

"Mag-boyfriend kami ni Liam!" Bwisit lang talaga halos isuka ko na ang sarili ko dahil sa sinabi ko. Talagang tinanggap ko na boyfriend ko siya? Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Wow, maganda 'yan." Pagwawala niya sa usapan.

"H'wag mo akong libangin, Claire. Tinatanong kita. Hindi ka naman nakikipaghalikan lalo na kapag hindi mo boyfriend!" Sigaw ko sa kanya. Oo, kilala ko itong si Claire. Nagka-first kiss lang siya nung second year college kami doon sa dating boyfriend niya at nakipag-break siya roon dahil niyaya siyang mag-sex pero hindi naman siya pumayag.

"I... I love him." Nauutal na bulong niya. Kumunot ang noo ko.

"Are you kidding me?" Sigaw ko sa kanya.

"Aish, fine! Hindi ko siya boyfriend! So what? Mahal ko siya, Ara. Alam mo naman 'yon 'di ba?" Sigaw niya at napanganga ako sa sinabi niya. Noon pa man, palagi na niyang bukang bibig ang dalawang Cando pero mas lamang nga lang si Ethan. Palagi niyang ibinibida sa akin ang dalawang 'yon. Pero hindi ko naman akalain na hahantong sa ganito ang kabaliwan niya sa isang Cando. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at mariin niya akong tinitigan sa mata.

"Mahal ko siya. Ang tagal ko siyang tinititigan lang sa malayo. Kaya nga sobrang tuwa ko nang kausapin niya ako tungkol sa'yo at kay Marcus dahil doon, naging malapit ako sa kanya. Saka 'di ba nangangailangan ka rin naman ng pera para sa pag-aaral mo?" Kumunot ang noo ko at umiling-iling ako.

"P-pumayag ka sa pustahan na 'to para mapalapit kay Ethan? Ginamit mo ba ako Claire?!" Hindi makapaniwalang sigaw ko sa kanya. Napalunok siya at napansin ko ang pamumutla niya.

"How dare you!" Sigaw ko saka sinampal ko siya pero napaatras ako nang makita kong umiyak siya.

"I... I'm sorry, Sisteret. I'm sorry. Oo, desperada na nga siguro ako. Pero gagawin ko ang lahat para lang mahalin niya rin ako. Handa kong isugal kahit ano basta sa akin lang siya mapunta! Sorry, Ara, pero balang araw, maiintindihan mo rin kung bakit ako ganito." 'Yon lang at tumakbo na siya palabas ng CR. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Did I just slap my best friend?

Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang marinig kong may nag-flush mula sa isang cubicle. Lumabas doon ang isang babaeng maganda, mahaba ang buhok niya at kulot ang dulo noon. Humarap siya sa salamin saka naglagay ng lip gloss sa labi. Matangkad siya nang kaunti sa akin at masasabi kong may maganda siyang pangangatawan. Sa pananamit at kilos niya, masasabi kong mukha siyang mayaman. Matangos din ang ilong niya at may singkit siyang mata na mas lalong nagpaganda sa kanya. Pinasadahan niya ako ng tingin sa salamin kaya naman nagpasya na akong lumabas ng CR pero napatigil ako nang magsalita siya.

"Pakisabi sa kaibigan mo mag-ingat siya sa kinakalantaryo niya. H'wag siyang mangarap na papatulan siya ng isang Cando. Kilala ko ang magkapatid na 'yon. Hinding hindi sila pumapatol sa itsurang kagaya niyo." Mariin na pahayag niya. Kinuyom ko ang kamao ko at hinarap ko siya. Nakaharap pa rin siya sa salamin at sinusuri ang sarili doon.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin at pinagtaasan niya ako ng kilay.

"What? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? O baka naman gusto mo isigaw ko pa?" Naiinis na tanong niya sa akin at mas lalo akong nagngitngit sa galit.

"Unang una, wala kang karapatan na husgahan ang kaibigan ko dahil hindi mo siya kilala!" Sigaw ko sa kanya. Kahit na naiinis ako kay Claire dahil sa ginawa niya, ayoko pa rin na inaagrabiyado siya ng kahit sino. Best friend ko ang babaeng 'yon at kilala ko ang buong pagkatao niya.

Nginisian lang ako ng babaeng 'to at naglakad. Dinanggi niya pa ako sa braso kaya naman muntik na akong matumba.

"Maganda nga, ang baho naman ng ugali." Bulong ko.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Where stories live. Discover now