MTJAB: Chapter 11

Start from the beginning
                                    


"Anong nangyari? Bakit hindi ka pumasok kahapon? First time yata sa buong buhay mo na umabsent ka." Ngumingising sabi niya. Nandito na kami ngayon sa classroom. Sasagutin ko na sana ang tanong niya pero biglang pumasok si Claire kasunod ang magkapatid na Cando.

Nagtama ang mga mata namin ni Liam at nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Kumunot naman ang noo ni Claire nang mapansin niyang may iba akong katabi. Kaagad siyang lumapit sa amin.

"Ah, excuse me? Pero dito ako nakaupo noon pa." Pagtataray ni Claire. Pinandilatan ko siya ng mata pero pinagtaasan niya lang ako ng kilay.

"Ah gano'n ba? Sorry, hindi ko kasi alam." Mahinahon na sagot ni Xander sa kanya. Kaagad siyang tumayo at akmang lilipat sa kabilang upuan pero biglang inilapag ni Liam ang isang libro niya sa arm chair.


Tumingala ako at tinitigan siya pero pinagtaasan niya lang ako ng kilay at halos mapanganga ako sa talim ng titig niya sa akin.


"Ah, Xander dito na lang tayo sa harap maup—"

"You are not going anywhere. Iiwanan mo ako? God, Ara!" Hiyaw ni Claire habang hawak-hawak ako sa braso. Ngumiwi naman si Xander at umupo sa katapat kong upuan.

"It's alright, Pancake." Sabi ni Xander sabay kinindatan ako. Nag-init ang pisngi ko nang tawagin niya ako sa ganoong paraan. 'Yon kasi ang endearment namin nung high school kami bilang magkaibigan.

"Psh, Pancake. Ano ka pagkain?" Naiiritang bulong ni Liam. Inirapan ko naman siya at nalaglag ang panga niya dahil sa inasal ko. Humarap naman si Xander at nginitian ako. Ngumiti rin ako sa kanya.

"Tss. Katabi mo ang boyfriend mo pero nakikipag-ngitian ka sa kung sinu-sino." Narinig kong bulong ni Liam sa tabi ko. Tiningnan ko siya nang masama.

"Pakialam mo ba?!" Hiyaw ko sa kanya.

"Hoy! Bawal kayong mag-away 'di ba?!" Sigaw ni Claire sa amin. Mabilis kong itinikom ang bibig ko sayang din ang one thousand pesos sa paglabag ng rules kuno nila ni Ethan.

Bumaling ako kay Claire at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong naghahalikan sila ni Ethan! Nakatingin ang mga kababaihan sa kanila at kulang na lang ay tuhugin nila itong si Claire. Humaplos ang kamay ni Ethan sa braso ni Claire at halos mapanganga ako nang marinig kong umungol si Claire. Mabilis kong hinampas ang braso ni Claire kaya naman natigilan sila sa ginagawa nila.

Pinanlakihan ko ng mga mata si Claire. Ngumisi naman si Ethan na parang isang demonyong ewan at umiling iling. Marahan namang pinisil ni Ethan ang braso ni Claire saka umayos ng upo sa likuran namin. Hindi ko nagustuhan ang titig ni Ethan; para siyang gago. Akala ko mabait siya pero sa ipinakita niya, parang may itinatago siya.

Tiningnan ko sa mata itong kaibigan ko saka ako tumayo at lumabas ako. Sumunod naman siya sa akin sa CR ng girls.

"Ano 'to?" Bulyaw ko sa kanya. Gosh. Isang araw lang akong nawala, ganyan na siya?!

"Ha?"

"H'wag mo akong ma-ha-ha Claire!" Hiyaw ko sa kanya. Pulang-pula ang mukha niya.

"Boyfriend mo na ba si Ethan?" Hiyaw ko sa kanya. Tumungo siya at umiling iling.

"Bakit kayo naghahalikan?" Sigaw ko sa kanya at tumingin siya sa akin.

"Bakit ikaw?" Pagbalik niya ng tanong sa akin. Napalunok ako.

"Narinig ko ang nangyari sa lobby kung paano kayo nag-PDA ni Marcus." Pang-aasar niya sa akin. Tumaas ang altapresyon ko sa sinabi niya.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Where stories live. Discover now