"Ano ba ang nangyari Lina? Nagulat na lang ako nang biglang bumaba si Owen at Nero, syempre sumunod din si Troy"



"Bastos 'yong lalaki, nagtatanong kasi si Tristan ng maayos. Hindi naman kami nakikipagbiruan, sumagot ng papilosopo kaya 'yon sinipa ni Tristan ang nilalaro nila" sagot ko kay Florence na lalong nagpakunot ng noo niya.



"Tanga ng lalaki, biruin na niya ang lahat wag lang ang uhaw na Ferell" sabay na kaming tumingin ni Florence sa labas. At gaya nga ng inaasahan ay napapaaway na ang magpipinsan.



"Minsan na nga lang tayo mag out of town gusto pa lagi ng mga Ferell na maghari harian. Haist. Sakit nila sa ulo" hindi ko na sila pinanuod at hinintay na lang namin sila ni Florence bago sila bumalik sa loob ng van na parang walang nangyari.



"Oh, ano na ang nangyari?" tamad na tanong ni Florence.



"Still handsome" sagot ng driver.



"Still hot" sagot ng katabi nito.



"No sweat" sagot ni Nero.



"Simpleng bagay" sagot naman ni Tristan. Kapwa na lang kami napaismid ni Florence. Ano nga ba ang aasahan sa isasagot nila?



"Owen, idaan na natin ito sa subdivision ng mga Hidalgo" utos ni Tristan sa kanyang pinsan.



"Alright" sagot sa kanya ni Owen.

Nakadating na kami sa tapat ng bahay namin at agad akong sinalubong ng kuya ko. Mabilis niyang kinuha ang bag ko kay Tristan at talagang nagsukatan pa silang dalawa ng tingin. Pumagitna ako sa kanilang dalawa dahil kaunting segundo na lang ng kanilang titigan ay mahahantong na naman sa hindi maganda.



"Pumasok ka na sa loob Lina. Kakausapin ko lang ang kamoteng manliligaw mo" bahagya pa akong itinulak ni kuya para umalis na ako pero nanatili ako sa likuran niya para sa anumang pwedeng mangyari.



"Excuse me? Manliligaw? Baby, tell him. Sabihin mo sa labanos mong kuya" lalong naglapit ang dalawa. Bakit ba parang ang basagulero nitong si Tristan kanina pa?



"What the—" muli akong humarang sa pagitan nilang dalawa.



"Kuya, sinagot ko na si Tristan. Kami na.." nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.



"Bakit ang bilis naman?! Hindi ka man lang nagpakipot?" padabog nitong ibinigay sa akin ang bag na dala ko at bumalik na siya sa loob ng bahay. Hindi ko na pinansin ang pagmamaktol ni kuya at humarap na ako kay Tristan.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon