Rinig na rinig ang pagsigaw na dito sa kinalalagyan namin.

Rinig ko rin ang paghabol nya sa hininga nya dahil sa pagod sa pagsigaw.

Lahat ng sinabi nya ay kasunungalingan, sa tingin nya ba maniniwala ako? Stupid.

"Kung ako nga ang salarin, ikaw ang dapat inuna ko dahil ikaw ang mayroong pinaka malaking kasalanan sa akin, hindi na kailangan pang takutin ka. Dahil gusto na kitang mawala agad kaya para saan pa? At Oo suicide ang nangyari sa Ate ko, pero, sino-sino nga ba ang nagtulak sa kanya para gawin ang ganoong bagay? Sa madaling salita ay parang kayo na rin ang naglaslas sa Ate ko. "

Wala akong narinig na kahit na anong ingay, wala kahit isa ang nag salita. Mga umurong ang dila.

"MAMAMATAY TAO kayo at kami ng Ate ko ang mga BIKTIMA. "
Pagputol ko sa katahimikan, naaninaw ko si Maxine, may hawak syang libro. Alam kong ihahampas nya yun sa akin, kaya bago nya pa iyon magawa ay nagsalita ulit ako.

"Alam kong marami kayo dito sa loob, At alam ko din na lahat kayo ang pumatay sa Ate ko. Mataanong ko nga lang, may kapatid ba kayo? Alam kong karamihan sa inyo ay oo ang sagot. Ang masasabi ko lang ay mahirap mawalan ng kapatid, at alam kong di nyo pa nararamdaman ang ganitong hirap ng kalooban. Ano bang kasalanan ko para kunin nyo sa akin ang Ate ko? Maxine, alam kong bukod sa inggit ay may isa ka pang rason kung bakit mo ginawa iyon sa Ate ko. At aalamin ko yun."

May mga namumuo ng mga luha sa pisngi ko, pinipigilan ko itong lumabas para panatilihin kong matatag ang sarili ko.

Pero, sadyang bwisit ang mga luhang ito, hindi sila mapigil.

Biglang nabasag ang katahimikan ng biglang may bumagsak na mga gamit dito sa loob ng bodega. Nagpalingonlingon ako sa paligid, hinahanap kung saan galing ang ingay.

"Shit! Sin-"

Naputol ang pagsasalita ni Maxine ng biglang nabasag ang salamin ng bintana at kasunod noon ay ang pag bagsakan mga gamit dito.

Ano bang nangyayari?!

Nabigla ako ng biglang may naghagis ng upuan sa direksyon ni Maxine, pero maswerte nya itong naiwasan.

"Lets go guys! Hindi na safe dito!"

Sigaw ng isa nyang kasamahan habang patuloy pa rin ang pagliparan ng mga gamit dito sa loob ng bodega.

Agad naman sumunod sa kanila si Maxine at iniwan akong nakatali dito.





Hindi ako nakakaramdam ng kahit na ano, kung di ang pagbigat ng mga talukap ko, malamang ito ay dahil sa sugat sa ulo ko. Hindi ko na napigilan at napapikit na lang ako.










-----------------------

"PASENSYA na Serenity at ngayon lang kita nailigtas."

Unti unti akong napadilat ng marinig ang boses na iyon.

"A-ATE?! "

Gulat na gulat kong tanong, tatayo sana ako pero biglang sumakit ang ulo ko, bwisit!

"Magpahinga ka na lang Serenity, susulitin ko na ang oras na ito habang kasama ka. "

Nakangiti nyang sabi sa akin, natatamaan kami ng liwanag ng buwan mula sa nabasag na bintana kanina. Kitang kita ko na sya ang Ate ko.

Nakahiga ako ngayon at nakaunan sa lap nya, tanda ko pa dati na sya ang karaniwang umuunan sa lap ko.

Agad na tumulo ang luha ko dahil sa sobrang tuwa agad naman nya itong pinunasan. Naka uniform pa rin pala sya.

"Ate, sorry."

Sabi ko sa kanya. Nakayuko sya kaya kitang kita ko ang mukha nya.

"Para saan? Napaka iyakin mo talaga."

Hinawakan ko ang pisngi ng Ate ko, laking tuwa ko ng mahawakan ko sya at ramdam kong tama lang ang temperatura nya.

"Basta! Sorry dahil hindi kita naligtas kila Maxine, kasalanan ko rin---"

"Hay nako! Matulog ka na nga! Ang pangit mo talaga."

Pagputol sa akin ni Ate, namiss ko ang pagtawag nya sa akin na panget.


Hinayaan ko na lamang na makatulog ako habang sinasabayan ang himig



ni Ate








Itutuloy......























Ate(Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя