"Tinawagan ko si Diego." Singit ni Erika na ikinahinto ko. "Ihahatid ka namin sa Airport, at meron ka ng ticket." Direkto niya. Nakagat ko ang labi ko. Sa pagkakataong ito ay kailangan kong kapalan ang mukha ko. Sobrang swerte ko kay Erika.

"Maraming salamat Erika. Maraming salamat sainyo." Tumulo ulit ang luha ko sa sakit. Sabay nila akong niyakap kay mas lalo ako naiyak. Ang hirap masaktan ang sakit-sakit mapaglaruan.

~End Of Flashback~

Yakap-yakap ko ang aking sarili dahil sa lamig ng Aircon ng bus. Kanina pa ako humikbi ng iyak. Naalala ko ang nangyari kanina. Hindi ako magawang tulongan ni Matteo sa sugat ko sa kamay. Hindi niya ako magawang gamotin. Hindi nga niya magawang gamotin ang sugat ng puso ko. Ang sugat ko pa kaya sa kamay?

Pinapaasa ko lang ang sarili ko. Mahal na mahal ko sya. Mahal na mahal kaya hanggang ngayon umaasa parin ako.

Madaling araw na akong nakarating sa Gregoria. Tanging habal-habal na motor ang sinakyan ko patungo samin. Bawat bahay na nadadaanan namin ay hindi ko maiwasang umiyak. Ang ihip ng hangin ay humahampas saking mukha rason kong bakit ako mas lalong umiyak. Hindi ko alam kong naririnig ako ni manong sa hikbi ko dahil panay lingon niya sakin. Pinunasan ko ang mga luha ko saka pilit kinakalma ang sarili. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa malapit na akong makarating sa bahay namin. Ang sikip ng aking dibdib ay mas lalong sumikip.

"Manong dito lang po ako," Sabi ko saka niya hininto ang motor. Nag bayad ako ng sobra pa sa hinihingi niya. Hindi ko magawang tumingin kay manong dahil nakatuon ang tingin ko sa sunog na bahay namin.

Narinig ko nalang ang pag andar ng kanyang motor at pag-alis nito.

Ang bawat patak ng aking luha ay humaharang saking mata. Halos hindi ko na makita ang daanan dahil sa patuloy ang agus nito. Binaba ko ang isa kong bag saka lumuhod sa harap ng bahay. Napaluhod ako sa lupa saka hinimas ang tanging abu na naiwan sa bahay namin. Ang pira-pirasong mga gamit at sunog na lumang sofa. Ang iilang kahoy na nakatayo parin pero binabalotan ng itim na sunog na abu. Naikuyom ko ang kamao ko sa lupa. Naibaon ko ang kuko ko mula sa ilalim. Sinong gumawa nito sakin? Bakit nila sinunog ang bahay ng magulang ko.

"Nanay, Tatay patawad." Humagol-gol ulit ako ng iyak napayuko ako dahil sa sakit ng ulo ko ngayon. "Hindi ko nagawang protektahan ang bahay natin. Hindi ko nagawang alagaan ang bahay natin. Patawarin nyo ako nay, tay." Humikbi ulit ako. Ang hagolgul kong iyak ay umalingaw-ngaw sa paligid. Nakagat ko ang aking labi dahil gusto kong pigilan ang luhang umaagos sa mata ko. "Pagod na pagod na ako. Ang sakit-sakit nanay, tatay. Bakit nyo ako iniwan? Bakit nyo ako iniwang mag-isa? Ang hirap mag-isa, ang hirap-hirap." Paulit-ulit lang sumasagip sa isip ko ang nangyari sakin. Bakit ako pinaglalaruan ng tadhana? Bakit ako pinahihirapan ng ganito? Hindi ko kayang lumabang mag-isa. Hindi ko kayang mag pakatatag kong paulit-ulit akong nasasaktan nalang.

Nahihilo ako sa kakaiyak. Sobrang sakit ng ulo ko at parang binibiyak ito sa sakit. Ang aking mata ay unti-unting bumagsak sa bigat ng aking damdamin. Bumagsak ang katawan ko sa lupa sabay ng pagpikit ng mag kabila kong mata.


































Naalimpongatan ako sa malakas na hampas ng hangin saking pisnge. Ang pamilyar na simoy ng hangin ay nagpapaalala sakin sa luma naming bahay malapit sa dalampasigan. Ang bawat ingay ng alon ay nagpapa antig saking puso. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at bumungad sakin ang puting paligid. Ang bintanang gawa sa kawayan habang inihipan ang puting kurtina ng malakas na hangin ay kay sarap tanawin.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon