KABANATA 52

7.3K 180 32
                                    

Tumakbo ako agad papasok ng bar. Hindi ko na hinintay na magsalita si Manong. Ang sakit ng aking nararamdaman ngayon ay hindi maiibsan na kahit ano mang bagay. Si Matteo lang ang minahal ko ng ganito. Si Matteo lang ang nagparamdam sakin ng kasiyahan. Pinaglaban ko sya sa mommy niya, pinaglaban ko sya sa lahat pero ito lang pala ang mang-yayari?

Ang hirap magmahal ng mayaman dahil wala kang mapapanghawakan. Parang sinampal sakin ng tadhana na hindi ako nararapat kay Matteo. Para lang akong nanga-ngarap nang tulog. Minahal ko sya at alam niya yun. Hindi ako nagkakamali minahal niya rin ako.

Hindi ko alam kong maniniwala ako sa kanya kanina. Pero sa nakita ko kanina ay unti-unti ko lang niluluko ang sarili ko. Magkasama sila sa isang kwarto at ano pa ba ang iisipin ko? May nangyari sa kanila. Iniisip ko palang yun ay sobrang sakit na.

Binuksan ko ang pintoan ng silid at bumungad sakin ang apat.

Napahawak ako bigla saking bibig ng makita ko silang gulat na gulat. Ang kanilang mata ay puno ng pag-aalala. Bumuhos ang luha ko lalo. Humikbi ako sa iyak sabay ng pagtakbo ko kay Ivony at niyakap sya ng mahigpit. Mas lalo kong naramdaman ang sakit ng maramdaman ko ang hagod niya sa likod ko.

Kailangan ko ng kausap, kailangan ko ng kausap sa puntong to.

"Omg Maey bakit ka umiiyak?" Ramdam ko ang bawat himas nila sa likod ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa balikat ni Ivony.

"Maey anong nangyari bakit ka umiiyak?" Si Ivony na patuloy hinihimas ang buhok ko. Nakagat ko ang labi ko. Sa pag-kakataong ito ay kailangan ko sila ngayon.


"Ang sakit-sakit. Ang sakit!" Paulit-ulit ko. "Niluko niya ako sinaktan niya ako. Ang sakit." Mas lalo akong humikbi ng iyak. Ang puso koy dinudurog ng iilang bato at pinipiga ng iilang kamay rason kong bakit hindi ako makahinga.


"Bw*s*t!" Mura ni Grace. "Niluko ka ni Matteo?"


"Pagod na ako. Pagod na pagod na ako." Humihikbi parin ako sa kakaiyak. Pilit kong kinakalimutan ang nanagyari kanina.

"Jessica kumuha ka ng tubig." si Ivony. Hinimas-himas niya ang likod ko. "Ssssss tahan na ano bang nangyari?" Patuloy parin ang iyak ko.


"Ito tubig," Humiwalay si Ivony sa yakap saka niya ako inalalayang uminom ng tubig. Sobrang bigat ng mata ko at tila hinihila ako nito paantok. "Anong nangyari?" Isa-isa ko silang tinignan. Ang mga luha kong unti-unting tumulo kaya pinunasan iyon ni Ivony. "Hindi ka namin pipiliting mag kwento. Mabuti pa ay magpahinga ka muna." Umiling ako agad sa sinabi ni Ivony. Sabi ko sa sarili ko kailangan ko sila ngayon. Minsan na akong nagtago sa kanila kaya sa pagkakataong ito ay kailangan ko ng mga kaibigan na lalabasan ng hing-nanakit at sakit.


"Naabotan ko si Venus sa bahay ni Matteo." Una kong salita kaya nanlaki ang mata nilang apat. "Nag kabalikan sila," Isa-isa kong narinig ang mura nilang apat.

"Hindi ako makapaniwala. Kitang-kitang namin kong pano magwala si sir Matteo nong umalis ka. Natamaan sya sayo Maey. Pero sa sinabi mo ngayon ay hindi ko maisip na babalik sya kay Venus?" Salaysay ni Grace. Umiling ako bilang sagot dahil kahit ako ay hindi ko alam.


"Hindi ko alam dahil sa kwarto ko sila nakita." Hinilamos ko ang aking mukha sabay ng mura nila ulit.


"Wala na tayong aasahan pa sa mga taong katulad nila. Ang buong akala namin ay nag bago sya simula ng makilala ka. Hindi ko lubos maisip na ang galing niyang mag pa ikot ng babae." Umiling si Jessica. Humikbi parin ako sa kakaiyak. Parang ayaw ng huminto ng luha ko sa pag-agus.


 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon