KABANATA 29

9.4K 198 20
                                    

Hindi pa ako nakakatikim ng alak sa buong buhay ko kaya pilit itong tinutulak ni Clifford at Robi sakin. Hindi ko alam kong anong lasa pero naiing-ganyo narin akong tikman ito kahit kunti lang.

"Sige na kahit kunti lang, Mary" Bigay sakin ni Robi. Tinanggap ko ang baso na may laman na wine.

"Masarap yan, Mary." Taas-taas kilay ni Clifford habang tawang-tawa. Titig na titig ako sa baso kaya nagdadalawang isip pa akong tikman ito.

"Sir, mukhang amoy palang nasusuka na ako." Binalik ko ang baso kay Robi kaya kinati niya ang kanyang batok sa tawa. Tumawa ng malakas si Clifford.

"Dont push her, dude. Kong ayaw mong masuntok ni Matteo." Natatawang sambit ni Clifford. Kanina pa sya lagok ng lagok nang alak ngunit hindi ito tinatablahan. Ngumingiwi ang mukha ko sa bawat lagok niya, at parang ako ang nasusuka nito.

"Tang'ina walang chix dito dude. Parang si Mary lang yata ang nakikita kong maganda ngayong gabi." Pumula ang pisnge ko sa sinabi ni Robi. Tinignan niya ako kaya bahagya syang ngumiti sakin.

"Marami naman dyan. Tumigin-tingin ka sa paligid at makikita mo ang hinahanap mo." Relax na sagot ni Clifford. Luminga-linga ako sa paligid. Halos matanda at mukhang nasa 60's na silamg lahat. Napatawa ako sa sinabi ni Clifford.

"P*nyeta dude halos matatanda. Baliw kaba?" Bulyaw ni Robi kaya tumawa ako ng mahina. Gusto kong humalakhak sa ekspresyon ng kanyang mukha ngayon. Nakakatawa!

"HAHA Madadala pa yan. Try mo!" Nanlaki ang mata ni Robi kaya binatokan sya nito. Humalakhak si Clifford. Akala ko ang mayayaman ay pormal at kalma lang. Ngunit sa nasaksihan ko kay Clifford at Robi ay napagtanto kong hindi lahat ng mayaman ay maarte.

"Goodevening ladies and gentlemen." Nagsimula ng magsalita ang daddy ni Matteo sa harap ng mini stage. May dala syang wine mula sa kanang kamay habang nasa kaliwa ang microphone. "Thank you so much for coming here tonight. Torria and I are both so grateful and overwhelmed by the wonderful 48th Anniversary Celebration tonight. We wish to thank our two children, Matteo Vion and Clark Jay for the surprise party. For my families and three brothers.Thankyou for all the effort, time, and preparation this took to make it so successful. It was a pleasure to heard all yours congratulatory, personal greetings, and humorous, as recalled by family and friends that have known us over these 48years. We are most thankful to our Lord Jesus for His purpose in bringing us together to be a couple, who he intended to be man and wife forever."

Nagpalak-pakan ang lahat ng bisita kaya pumalakpak narin ako. Pinagitnaan ako ni Clifford at Robi at tila takot mawala ako. Napadpad ang mata ko kay Matteo na hinahanap ako. Katabi niya si Venus mula sa stage kaya hindi ko maiwasang magselos at masaktan. Oo nagseselos ako at hindi ko iyon ikakaila. Ang sakit nilang tignan kaya pilit kong inaayos ang sarili ko. Gusto ko na ba talaga sya?

"Im so happy that i have a beautiful wife. I love you so much Torria Lecson Edelbario, your always be in my heart until my last breath." Niyakap sya bigla ni Mam Torria kaya naghiyawan ang mga bisita.

"Kiss, kiss, kiss"

Sigawan nila sabay palakpakan Inagaw ni Mam Torria ang microphone tska ito nagsalita na may luha.

"Im so happy that i have a wonderful, handsomed and sweet, loving man in mylife. This 48yrs of extended. My love for you is still blink like an teenager. Thankyou for giving me the most awful son Matteo and Clark in my life. I love you too Antonio Edelbario." Nagpalakpakan silang lahat dahil sa biglaang paghalik ni Mam Torria kay sir Antonio.

May namumuong luha sa mata ko dahil sa naalala ko si Nanay at Tatay.
Sobrang bigat ng damdamin ko dahil nakikita ko sila sa pamilya ni Matteo. Wala akong kapatid at mas lalong wala akong kilalang kamag-anak sa probinsya maging dito sa manila. Ang hirap mag-isa sa buhay. Nag hahangad ako ng pagmamahal na kailanman hindi ko na mararamdaman kay Nanay at Tatay.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Kde žijí příběhy. Začni objevovat