KABANATA 20

11.4K 238 11
                                    

WARNING SPG:

Isang oras na akong naghihintay sa kanya dito sa Office. Sigurado akong nasa meeting pa sya hanggang ngayon. Naiisip ko lang ano kaya ang itsura niya pag nasa meeting? Ano-ano kaya ang ekspresyon ng kanyang mukha pag kaharap niya ang iilang mataas na katrabaho sa kompanyang ito.

Naiisip ko palang ang mga iyon ay sigurado akong walang kawala ang kunot noo niya. Napangiti ako habang iniisip iyon. Nakaupo parin ako sa sofa habang sinisimbol ang phone kong nawasak. Ayaw ko itong palitan pero hindi na ito gumagana.

Napadpad ang tingin ko sa phone na nakapatong sa kabilang desk. Iyon ang binili niya kanina at hinding-hindi ko iyon tatanggapin. Wala naman akong katext kaya okay narin sakin na wala akong phone.

Sumandal ako sa sofa tska nag pikit-pikitan saglit.

Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto mula dito kaya bahagya kong binuksan ang mata ko. Bumungad sakin si Matteo na nilulua-gan ang kanyang necktie sa leeg habang nakatuon ang tingin sakin.

Tumayo ako agad.

"Sorry for waiting me." Pagod niyang sabi kaya nakagat ko ang labi ko. Medyo magulo narin ang buhok niya at kitang-kita mula sa mata niya na pagod sya sa meeting.

"Okay lang, sinabi ko naman sayo mas mabuti nalang na bumalik ako sa bar." sagot ko.

Lumapit sya sakin at tinititigan ako sa mata. Ayaw na ayaw ko sa ganitong titig niya sakin dahil nanga-ngatog ang tuhod ko pag ganon.

"We will have to discuss our plan." Saad niya tsaka ako nilagpasan at kinuha ang bag niya sa mesa kasama na iyong phone na binili niya. "Let's go," Hinila niya ako palabas ng office.

Hindi ko alam kong bakit gustong-gusto niyang hawakan ang kamay ko. Nahihiya ako sa bawat titig ng mga tao sa palapag na ito. Sinusundan nila kami ng titig kaya naiilang ako sa bawat yapak ng paa ko sa sahig. Ngayon ay wala na syang balak bitawan ang kamay ko.

Sigurado akong nakapunta na dito sa Venus at nagtataka sila kong bakit ako ang dinala ni Matteo dito. Nagtungo kami sa parking area tsaka niya ako pinagbuksan ng pinto ulit. Hindi ko rin alam kong bakit kusang pumasok ang sarili ko sa kotse kong pwede naman akong tumakbo para iwan sya. Pero pinipigilan ko ang isip ko.

Naiisip ko si Rocky na baka makita niya kami na magkasama o kaya bumisita sya sa bar ngayon. Pero hindi, dahil mag ti'text naman iyon pag bibisita sya.

Niluluko kaya sya ni Kria? Maniniwala ba talaga ako kay Matteo? ewan ko pero hindi ko alam kong anong takbo ng isip ko kong maniniwala akong may ibang lalaki si Kria. Base sa narinig ko sa bar ay nakigpatilik sya sa iba at isang malaking kalokohan iyon.

"You tired?" Naputol ang imahinsayon ko sa una niyang salita.

"Medyo, sorry may iniisip lang ako." Iwas ko kaya narinig ko ang buntong hininga niya.

"Then, what is it?" Taas kilay niya kaya nagdadalawang isip pa akong sabihin ito. Umiwas ako ng tingin tsaka sinagot sya ng hindi tinitignan.

"Tungkol kay Rocky." Mahina kong sagot.

Naging mahina ang pagtakbo ng kanyang kotse kaya lumingon ako sa kanya. Hindi ko rin alam kong anong ekspresyon ang mukha niya ngayon.

"You really love him huh!" Matigas niyang sabi kaya yumuko ako. Pinaglalaruan ko ang dulo ng aking mga daliri sa sinabi niya. Mahal ko nga ba si Rocky? Diba mag kaiba ang mahal sa gusto? Ewan ko dahil hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend dahil sa kanya.

"Mary?" Lumingon ako sa kanya na antok na antok. "Why you can't tell him about your true feelings?"

Nakagat ko ang labi ko sa sinabi niyang iyon. Ang daling sabihin pero ang hirap gawin. Hindi ko nga alam kong pano sabihin sa bestfriend ko na may gusto ako sa kanya.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن