KABANATA 17

9.9K 210 14
                                    

Bumalik ako sa trabaho na wala sa sarili. Bagsak ang magkabila kong balikat kaya napansin iyon ng mga kasamahan ko.

"Anong nangyari dun kanina? Bakit nag kagulo?." Tanong sakin ni Maccy isa sa mga bartender namin.

"Kailan ka pa naging chismoso Mc?" Taas kilay ni Grace kaya sumimangot si Mc.

"Nagtatanong lang naman eh!" Mahina nitong sagot kaya tanging tikhim nalang ang naisagot ko.

"Sa lahat ba naman ng waitress dito ay si Maey ang laging binabastos. Parang may tinatagong kalandian." Sambit ni Erika kaya agad akong napalingon sa kanya.

"Hoy Erika ano ba yang sinasabi mo." Pigil ni Ivony nito. "Maganda lang talaga sya at hindi maiiwasang mabastos ng mga kalalakihan." Tumaas ang kilay ni Erika sa sagot ni Ivony.

"Kaya nga.... Ginagamit ang kagandahan para lumandi sa mayayaman." Sagot din ni Erika kaya naikuyom ko ang aking kamao galit.

Lumapit ako sa kanya at padabog na nilapag ang tray sa counter. Tinititigan ko sya ng masama at ganon din sya sakin.

"Sabihin mo na ang lahat ng galit mo sakin. Huwag lang 'yong Malandi ako. Kahit may galit ako sayo ay hindi pa kita pinagsabihan ng masama. Sana naman Erika matuto kang rumispeto kahit hindi bilang isang kaibigan, kundi respito naman para sa taong masasaktan." Agad ko silang tinalikuran na walang pag alinlangan.

"Maey san kapupunta?." Bulyaw ni Jessica. Hindi ko sila nilingon at patuloy parin ang paglakad palabas ng bar.

Wala na akong pakialam kong magagalit sakin si Erika sa sinabi kong 'yon. Kahit ganon pa man ay kaibigan ko parin sya at hindi iyon magbabago.

Yakap-yakap ko ang aking sarili dahil sa lamig ng hangin sa labas. Naaninag ko ang parating na itim na kotse sa direksyon ko. Agad akong humalukip-kip sa gilid sabay na pag parada ng isang Suzuki. Dahan-dahang bumaba ang salamin mula sa bintana at bumungad sakin si Rocky.

"Bakit ka nandito sa labas?" Kunot noo niya kaya nakagat ko ang labi ko. Lumabas sya sa kotse niya tsaka dali-daling hinubad ang coat at isinuot iyon sakin. "Come with me," Tumango ako bilang sagot tska niya ako inilalayang pumasok sa kotse.

Wala din naman akong mapuntahan kaya mas pinili kong sumama sa kanya. Hindi ko alam kong saan kami pupunta dahil madilim narin at tanging liwanag ng poste lang ang naaaninag ko.

"Anong nangyari? Bakit nandun ka sa labas?" Baling niya ulit sakin.

Hindi ko alam kong ano ang isasagot dahil hindi ko rin alam kong bakit ako tuluyang lumabas ng bar. Isa lang yung alam ko, iyon ay nasaktan ako sa sinabi ni Erika. Hindi ko kasalanang mabastos. Hindi ko rin kasalanang magulo ang lahat.

Hindi ako sumagot sa tanong ni Rocky. Huminto ang kotse sa isang matayug at mataas na palapag ng gusali. Royale Palace Condominium. IBinaling ko ang tingin sa kanya.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko habang papasok kami ng parking lot.

"Nandito ang condo ko," Mahina niyang saad tsaka ako tumahimik. Wala namang problema kong dadalhin niya ako dito. Kaibigan ko sya at kilalang-kilala sya. Isa din itong pagkakataong makasama sya kahit saglit lang.

Umikot sya sa kabila tsaka ako pinagbuksan ng pinto.

"Gutom ka ba? Gusto mo ipagluto kita?" Baling niya sakin tsaka ako tumango. Gustong-gusto kong tikman ang luto niya kahit simula pa noon.

Sumunod ako sa kanya papasok ng elevator. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa titig ko kay Rocky. Ang kanyang tindig at seryosong mukha na nakapintig sa puso ko. Hanggang ngayon umaasa parin ba ako?

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon