KABANATA 12

9.7K 227 13
                                    

Natapos ang gabi ng matiwasay at walang gulo. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang narinig ko sa usapan nila Venus. Alam kong masama pero hindi ko sinasadyang marinig sila.

Nagbuga ako ng hininga tsaka nagtungo sa dressing room at nagbihis. Medyo pumapayat na yata ako sa trabaho kong ito dahil sa madaling araw nalang palagi natutulog. May iilang pimples narin ang tumutubo sa pisnge ko.

Okay lang naman sakin ito, dahil sumisimbolo ito sa marangya at maayos kong trabaho. Pagod at kasiyahan naman ang naidudulot sakin ng trabahong 'to.

"Ano na? Tuloy ba tayo ngayon?" Sambit ni Grace. Napag-usapan kasi nilang mag night-out sa kabilang bar kaya mukhang interesado ang lahat sa opinyon ni Grace.

"Oo naman noh. Wala ng bawian party party!" Head bang na sabi ni Jessica sa excite. Sabay silang napatingin sakin na parehong nakangiti.

Sa titig palang nila ay kailangan ko na yatang umu'O para dito.

"Kailangan mong sumama Maey. Wala ng atrasan ito." Taas kilay ni Ivony tsaka ako tumango bilang sagot.

Naghiyawan silang tatlo sa excite. Kinuha ko ang phone ko tska tinext si Rocky. Nagsimula na akong mag tipa para mag paalam sa kanya.

Rocky aalis kami ng mga kaibigan ko. Tutuloy ka ba sa bar mamaya?Baka kasi hindi mo ako ma abotan.

Pagkatapos kong e'text si Rocky ay agad akong pumili ng susuotin mamaya. Buti nalang talaga ay nakabili ako ng bagong dollshoes nong nakaraang araw.

Binuhag-hag ko ulit ang buhok ko gaya ng gusto nila. Pinahiram sakin ni Ivony ang itim niyang dress na V-neck at hanggang tuhod lang ito. Nakakahiya dahil medyo kita ang cleavage ko sa harap. Panay ang hila ko nito dahil pareho lang ito sa uniporme namin gabi-gabi. Sobrang fit at ang hirap huminga.

Pagkatapos ng pag-aayos sa sarili ay sabay kaming lumabas ng silid. Mag aala'una narin kaya medyo tahimik na ang buong paligid. Paglabas namin sa bar ay ang pagbaba ni Rocky sa kotse niya.

Huminto kami sa paglalakad tsaka ako tinignan ng mga kaibigan ko.

"Gosh... sobrang gwapo talaga niya." Bulong ni Grace na sa tabi ko. Lumapit samin si Rocky habang nasa akin ang tingin niya.

"San kayo pupunta?" Unang salita nito tsaka binaling ang tingin sa kasamaham ko.

"Hello po sir Rocky." Kaway ni Jessica kaya lumingon si Rocky mula sa kanya. "Friends bonding lang po kami Sir, para naman bawas stressed sa trabaho." Natatawa niyang dugtong.

Binalik ni Rocky ang tingin sakin na kunot noo. Mula ulo hanggang paa niya ako tinititigan.

"Dis oras ng gabi? San naman kayo pupunta?" Lumingon ako sa mga kaibigan ko at tila nang-hihingi ng tulong. Hindi ko alam kong anong isasagot ko.

"Sorry sir huh... pero kailangan na naming umalis. Sa kabilang bar lang naman kami Sir." Agad binalik ni Rocky ang kanyang tingin kay Ivony.

"Bar? Bakit sa kabila pa? At isa pa maraming lalaki dun. Mababastos kayo." Pagalit na sabi ni Rocky kaya nakagat ko ang labi ko. Yumuko ako bilang paumanhin sa mga kaibgan kong nakasimangot.

"Kong gusto mong bantayan si Maey. Bakit hindi ka nalang sumama? Tutal over reaction ka rin lang naman." Sabay kaming napalingon kay Erika na ngayon ay naiirita na. Maging ang mga kaibigan niya ay pinigilan sya.

Hinawakan ko ang kamay ni Rocky tsaka sya tinignan sa mata. Nakikita kong kumakalma na sya kaya binaling ko ang tingin sa mga kaibigan ko.

"Susunod ako sainyo. Kailangan lang talaga naming mag-usap." Sumimangot sila sa sinabi ko.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Where stories live. Discover now