KABANATA 8

11.4K 252 25
                                    

Panay ang tanong sakin ng mga kaibigan ko habang nagbibihis kami.Hindi ko alam kong pano sila sasagotin kong bawat sagot ko naman ay kinikilig sila..

Sinabi ko lang naman sa kanila ang lahat pati na ang pagkakagusto ko kay rocky..

"Grabe, Maey may pa yakap-yakap pa kayong nalalaman huh!" Kiliti ni Jessica sa tagiliran ko..

Napapikit ako sa ginawa niya tsaka ito tinaponan ng masamang tingin..

"Ipakilala mo naman kami sa kababata mo Maey, single ba yun?" Kanina pa ito tanong ng tanong si Grace habang nakaupo sa kama namin ni ivony..

"Hoy mag'sitigilan nga kayo dyan, dinidisturbo nyo yung tao eh!".. bulyaw ni ivony kaya tumahimik ang dalawa."Pero ang cute niya noh?"..

Sabay kaming nagulat sa dugtong ni ivony.

Nagkatinginan si grace at jessica tska nila ito tinaponan ng unan..

Napatawa ako sa mga reaksyon nila.Para silang mga bata.Ang sarap nilang tignan kaya nawawala ang pagod ko.

"Kababata ko sya sa probinsya, sabay kaming lumaki non dahil katulong si nanay sa bahay nila". Wika ko kaya mukhang interesado silang makinig.Nagbitaw ako ng hangin tska nagsalita ulit."Nong una inaaway niya ako dahil mataba at kulirat ako non. Pero nong nagtagal ay naging malapit na kaibigan kami dahil sa araw-araw akong dinala ni nanay sa bahay nila" dugtong ko sabay tingin sa kanila isa-isa..

"Talaga lang huh? Malapit na kaibigan? Oh nag-iibigan".. kilig na saad ni ivony kaya tumili si grace at jessica..

Napadpad ang tingin ko kay erika habang inaayos ang higaan niya..

"Nakita mo yung kanina Erika? Diba ang gwapo ni Rocky. Makalaglag panty!" natatawang saad ni grace kaya tinititigan ko lang si erika.

Wala syang reaksyon o bahid na ngiti.

Nagkibit balikat sya bilang sagot tsaka ito humiga sa kama ng hindi nag-sasalita. Napatingin sakin ang tatlo habang may bahid na lungkot. Hindi ko talaga alam kong bakit cold sakin si Erika.

"Maey ipakilala mo kami sa Rocky boy mo huh" taas-taas kilay ni Jessica kaya nagtawanan ang dalawa ulit.

Umiling ako tska sila tinaponan ng ngiti.Sobrang kalog nila pagdating sa mga ganyang bagay..

Panay parin ang kulitan nila kaya umupo ako sa kama habang nasa paahan sila..

Aakmang hihiga narin ako ng bumukas ang pinto at bumungad samin si mam Shelo. Nasa akin ang tingin niya kaya dali-dali akong tumayo.

"Hinahanap ka ni Rocky they're waiting for you, outside." napalingon ako sa mga kaibigan ko na parang mamamatay na sa kilig. Sila? Sinong naghihintay sakin bukod kay Rocky?

"Sige po mam Shelo, susunod po ako" tumango si mam Shelo tska tuluyang lumabas. Dali-daling lumapit sakin si Grace tsaka tinanggal ang naka ponytail kong buhok. Pinigilan ko sya ngunit huli na.

"Ibuhag-hag mo ang buhok mo tapos gulohin natin ng kunti" inayos niya ang buhok ko tska ko nakita si Ivony na humalungkat ng gamit ko at napagtanto kong may kinuha syang short galing dun.

"Ito suotin mo para kitang-kita ang haba at puti ng hita mo" binigay sakin ni Ivony ang short kaya tinaas ko ang kamay ko bilang pag di pasang-ayon.

"Wait lang" taas kamay ko. "Gusto lang akong kausapin ng tao tapos pagagandahan nyo pa ako?" kunot noo ko kaya lumapit sakin ang tatlo. May mga ngiti silang balak at pagbabanta.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Where stories live. Discover now