KABANATA 18

10.2K 227 26
                                    

Hindi ko magawang magsalita sa kanila. Inayos ko ang gamit ko para sa pagtulog. Nakatingin lang sila sakin at tila sinusundan ang bawat kilos ko.

Nakakailang dahil hanggang ngayon ay walang isa sa kanila ang nagsalita. Nagbuga ako ng hininga tsaka tumuwid ng upo sa kama.

"Hindi pa ba kayo matutulog.?" Putol ko sa katahimikan kaya isa-isa silang nagising sa katotohanan.

Humiga narin si Erika habang ang tatlo ay hindi parin nililisan ang tingin sakin. Umiling ako tsaka aakmang hihiga ng nagsalita sila agad.

"Hindi ako makapaniwala." Ngang-ngang saad ni Jessica.

"Hindi ko ma imagine kong pano kayo mag halikan kanina." Tulalang sambit ni Ivony.

"Omg Maey.... hindi ba kami nananaginip?" Singit ni Grace.

Ramdam na ramdam ko ang init ng aking pisnge. Nakakahiya dahil mga kaibigan ko pa talaga ang nakakakita.

"Hows the kiss? Masarap bang humalik si Matteo? Ano Maey? kayo na ba talaga?" Sunod-sunod na tanong ni Ivony kaya nakagat ko ang labi ko. Bakit nga ba ako nakikipaghalikan kay Matteo? Isa lang ba iyon sa pagpapanggap namin?

Pero... ewan hindi ko alam!

"Hindi ko alam." Yumuko ako pagkatapos sabihin iyon. Pano ko nga sasabihin sa kanila ang lahat?

"Hindi mo alam? Ano 'yon malanding ugnayan? Nag-lalaro lang kayo ng halikan? Nag papalitan lang ng laway, ganon ba iyon?" Irritable na saad ni Grace.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang totoo. Pero pag papanggap ba talaga iyon? Iba ang halik na naramdaman ko kanina, ibang-iba. Hindi ba ako nagmumukhang bayaran nito?

"Ano na Maey? Naku ito na nga ba kasi yong sinasabi namin eh. Umiwas ka sa ganong klasing lalake dahil iba ang habol nila." Sambit ni Jessica kaya humalukip-kip ako.

Kong iba ang habol ni Matteo ay bakit hindi niya ako nagawang galawin sa gabing iyon? Sa gabing una niya akong dinala sa kanila.

Yung gabing malapit ng may mangyari samin. Bakit hindi niya nagawang ituloy kong iyon lang pala ang habol niya sakin? Nakakalito sa isip at nakakasakit sa ulo.

Naghihintay parin sila sa sagot ko sabay ng pagtunog ng aking phone.

From: 0975*******

Tulog kana? Im sorry for the kiss, but i enjoy, Mary. If your friends ask you about what they saw. Please just tell them that we're already official.

Nanlaki ang mata ko sa text niya. Official? Tika lang hindi ako makahinga sa nabasa. Kay Matteo ito at wala ng iba pa.

Panong naging kami? Sinave ko ang numero niya tsaka napahawak ng mahigpit sa phone ko. Official?

"Maey? Hindi kami makakatulog kong hindi mo kami sasagotin." Inangat ko ang ulo ko tsaka sila isa-isang tinignan. Nakagat ko ang labi ko tska nagbuga ng munting hininga. Siguro kailangan kong sabihin sa kanila ito dahil antok na antok narin ako.

"Kami na," Tipid kong sagot kaya halos lumuwal ang kanilang mata sa gulat.

"O to the M to the G to the shit! Kayo na? Pakisampal nga ako Jessica baka nanaginip lang ako." Gulat ni Grace. Agad syang sinampal ni Jessica kaya tumagilid ang kanyang mukha. Sinamaan sya ng tigin ni Grace dahil sa sampal na natamo nito.

"Bakit mo nilakasan?" Bulyaw nito kaya nagising na 'yong ibang kasamahan namin.

"Ano ba yan, magpatulog nga kayo."

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Where stories live. Discover now