Narinig kong nagsalita ito at kinausap si Kia. "D-do you know me?" alangang tanong nito.

Bumalik ang tingin ko sa dalawa at napasinghap ako nang makitang hindi naman pala niya tinanggal ang pagkakatingin sa akin.

"Noooooo.."

Lumipat ang tingin niya kay Kia sabay hawi sa nakawala nitong buhok. Parang pinipiga ang puso ko sa nakikitang pag-iingat niya kay Kia. Animo'y babasagin itong perlas na mahulog lang ay mababasag na agad.

"I am--"

"Kiana. Come here." mariin kong utos. Nagkumahog na makaalis si Kia sa pagkakakarga sa kanya ni Rio. Napaigik pa ito nang magmistulang ayaw siyang pakawalan ng ama. Tinapunan ko si Rio ng matalim na tingin hanggang sa wakas ay hinayaan niya ang anak ko na lumapit sa akin.

Pinaupo ko si Kia sa upuan na malapit sa akin pero biglang dumating si Giana at pumasok sa loob. Nakita kong tinanguan siya ni Rio.

Lumapit si Giana sa gawi ni Kia sabay hawak sa kamay ng anak ko. Naguguluhang nagpalipat lipat ng tingin si Kia sa akin at sa may hawak sa kanya.

Lumapit ako sa kanila na nakakunot ang noo. "What is this?" naguguluhan kong tanong. "Kia stays with me."

Umiling si Rio bago nagsalita. "Pang matanda ang usapan na ito, we can't say na magiging filtered ang mga salita Kamila, so let her go with Giana."

Nagtagis ang bagang ko sa inis habang nagsusukatan kami ng titig. Sa kanya na maotoridad, sa akin na defensive. Ganun pa man sa huli ay nagpaubaya na rin ako. There are some sensitive issues to be touched and its not fit for the ears of a child.

Tumango ako kay Giana. "Take care of her please." ngumiti si G pero hindi na rin nagsalita. Maya-maya pa ay nakaalis na ang dalawa habang ako naman ay nakatayo na sa harap ng apat.

Parang naulit lang yung nangyari nung nalaman nila ang tungkol kay Patrick at sa inililihim kong anak. Ganitong-ganito din.

The Montereal bastards as they are fond of calling themselves are now in perfect unity, mukha silang mga Diyos ng Mount Olympus na handang humatol sa isang kawawang mortal. At sa pagkakataong ito, ang kawawang mortal ay walang iba kundi ako.

Tumikhim ako bago nagsalita.

"I have a plan." panimula ko habang isa-isang tinititigan ang mga mata nila. Pero syempre, hindi yung kay Rio, ipinipikit ko lagi ang mata ko kapag nababaling sa kanya.

"And this is about?" marahang tanong ni Ichiro.

"This is about Patrick Fajardo."

Nagkatinginan ang tatlo maliban sa isa na wala na yatang ibang gagawin kundi pakatitigan ako sa buong oras ng pagsasalita ko sa harap.

"Okay then Kamila, anong plano mo sa kanya?" saad ni Ichi. Napansin kong siya talaga ang tagasalo at pinuno sa mga usapin na patungkol sa grupo. Siya din kadalasan ang nagsasabi ng mga pasya although yan ay kung lahat sila ay iisa ang naging desisyon. Kung hindi naman, mas nagiging bayolente ang usapin hanggang sa matalo ang bumalga sa pagpapasya ng mas nakararami.

"Alam naman nating lahat na ako ang tinuturing na alas ni Patrick. Pero ngayon medyo wala siyang tiwala sa akin kasi.. " bumaling ang tingin ko kay Rio pero agad ko din namang binawi iyon, "kasi.. Uh, nalaman ko na siya ang nagtangkang manggahasa sa akin noon."

Isang marahas na mura ang narinig kong kumawala dito pero hindi ko iyon pinansin. Nagpatuloy lang ako sa sasabihin.

"Ginamit niyang pam-blackmail ang anak ko para mangyari ang nais niyang plano sa pagpapabagsak sa inyo. This time, he said it's going to be very devastating na hindi na kayo makakabawi pang muli."

Humalukipkip ako at sumandal sa isang swivel chair.

"What I am trying to say is that, handa akong maging pain ninyo para maunahan niyo ang mga plano niya. Fajardo Incorporated has expanded over the years at alam kong may mga alliances din siya sa underworld mafia. They fight dirty and underhanded. And the only way to defeat them is fight like they do."

"Hindi." malutong at mariin ang katagang iyon matapos ang nakabibinging katahimikan. Lahat kami ay bumaling ng tingin kay Rio na dahan-dahang tumatayo mula sa kanyang silya. Kinilabutan ako sa nakita dahil para sa akin at sa aking imahinasyon ay mukha siyang isang nagigising na tigre na kakalabas lang sa kanyang lungga. Handang manakmal anumang oras.

"Rio, hindi pa natin lubos na alam ang mga bagay. This could be what we really need para tuluyan nang alisin sa buntot natin ang Fajardo." dagling saad ni Ichiro.

Umismid ako. Yes, I know Ichiro will say yes to this. He is the practical type. Siya yung tipo na uubusin muna ang lahat ng posibilidad bago magsabi ng pagsuko. Siya rin yung sumusunggab sa pagkakataon lalo at nakalahad na sa harapan niya.

"Oo nga naman Rio, if Kamila will be the way para matigil na ang kahibangan ng Patrick na yun sa atin, why not diba?"

"I said no and when I say no, it's a no!" singhal nito sa dalawang magkapatid. Napangiwi si Mexico habang si Ichiro naman ay wala pa ring reaksiyon.

"I think Kamila should stop her crazy idea." ito ay galing kay Ruzz.

Napamaang ako sa sinabi niya. Sa lahat ng inaasahan ko na mangyayari, I never thought that Ruzz would object to my plan. Never.

"Ruzzia? Bakit?" di ko makapaniwalang tanong. Pakiramdam ko ay tinrahidor niya ako sa naging pagtutol niya. Ang buong akala ko kasi, kung ano ang desisyon ko ay irerespeto niya.

"I don't like it when you're in danger." simple nitong sagot.

Napansin ko ang madilim na tingin ni Rio dito kaya nagsalita na ako bago pa may mangyaring kakaiba.

"If the two brothers said yes and the other two said no then, we have a conundrum but since kasali ako sa vote, I say we use my idea this time." saad ko.

"Matigas ba talaga ang ulo mo o gusto mo na talagang magpakamatay? Gaya ng sinabi mo, that man is covered by mafia. Do you think makakalusot ka sa kanila once they knew your true intention?" pasigaw na tanong ni Rio sa akin.

Inirapan ko lang siya bago nagpatuloy.

"I already thought about that. Susubukan nila ako bago ako isasama sa grupo, kaya gagawin ko ang lahat para mapaniwala sila." ganting saad ko.

"And if that Patrick continued the rape!? What then?" habang tumatagal ay mas dumadagundong ang boses niya. Mabuti na lang pala at wala dito si Kia.

"Then I'll do my job." simple kong turan.

"FUCK IT!" halos mabingi kami ng biglang tumilapon sa kabilang banda ang upuan na kanina ay katabi nito.

"Stop your childish tantrums and listen to me!" singhal ko sa kanya dahilan para manigas siya sa kinatatayuan. Still, that dark aura, that dangerous side stayed with him. Kung kanina malalim ang titig nito, this time, kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa akong nakabulagta sa tabi.

"This is not a free service of course." saad ko nang muling ibinaling ang atensiyon sa lahat. Ito ang pagkakakilala niyo sa akin di ba? Then I'll be who you all wanted me to be.

Tumaas ang kilay ni Mexico habang sumimangot naman si Ruzz. Rio still has that angry aura on his face and Ichiro, well suffice it to say that I think we should always assume that he feels nothing with the way his face keeps its expressionless state.

"Kapalit ng gagawin ko, I want a free access out of this country, money to keep Kia alive and kicking and also a reassurance that I will never," I put much emphasis on that word, "ever encounter any of you in this lifetime."

*****

---a/n: wooohooo, pang-Famas ang binitawang salita. Hahaha. 😂😂😂

Thanks po for making our story #70.. Oh diba? Improving tayo. Hahaha. 

Votes and comments lovelies..

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang