Sent to: Aya, Sunshine, Belle
★ K I N A G A B I H A N ★
Sabay kaming dumating ni Belle sa resto, sunod naman si Shine na... nakascrub suit uniform padin. -_____________-
"Hindi ka man lang nagbihis" sabi ko.
Napatingin siya sa amin ni Belle, nakadress si Belle tapos ako naman naka semi-formal na damit.
"Mukha kang katulong" pabulong na sabi ko.
Siniko ako ni Belle, haaay kung alam lang niya na ginaganti ko lang siya.
"Ahh okay" nakangiti niyang sabi tapos nagscouch siya sa tapat ni Belle at iniwang space ang tapat ko.
"Sir, pwede mo ba kaming picturean" nakangiti niyang sabi sa waiter na parang wala siyang narinig sa sinabi ko.
Polaroid type yung camera niya, kaya naprint din ito agad.
"Hintayin natin matuyo" sabi pa niya.
Maya-maya kinuha niya yung phone niya, at dun unti-unti nawala yung ngiti niya.
Dumating naman si Aya at umupo na din sa tapat ko.
"Helloo~"
"Late!" pagmamayabang na sabi ni Shine eh magkasunod lang naman sila.
"Nasaan na si Macky??"
"Yun nga eh... hindi daw siya makakarating"
"Ahh... eh di ako na lang muna yung date mo! tara order na tayo gutom na akooo"
"Halata nga"
"Oh teka, bakit may picture na kayong tatlo? Di ako kasama?"
"Wala ka pa kasi kanina"
"Sus"
"Friend, sabihin mo nga sa akin ng harapan? Mukha ba akong katulong sa damit ko?"
Ano ba tong sinasabi ni Shine *facepalm*
"Hahaha ang ganda mo namang katulong, friend. May katulong ba na nakaRevlon red matte ang lipstick? At kung katulong ka, nahiya naman ako kasi pag titignan mo yung picture sayo agad ang tingin oh."
"Mabuhay ang Revlon!"
*apir*
Ano ba tong sinasabi ni shine? Ano ba ngyayari sakanya? parang di ko na siya kilala sa mga sinasabi niya. parang gusto ko umalis sa upuang ito at makikain na lang sa iba.
YOU ARE READING
IF ONLY
General Fiction♀♥♀Tungkol ito sa dalawang taong mas piniling magmove on na lang at harapin ang kasalukuyan. Tungkol sa dalawang taong mas piniling wag ng lumingon sa nakaraan, at ipagpatuloy ang buhay kahit na wala na ang isa't-isa. Tungkol ito sa mga taong takot...
♀♀ Chapter 23
Start from the beginning
