"Medyo iba ang steps ngayon kumpara sa dati naming ginagawa. Ang choreographer ng sayaw ay si Joy. She joined the group just four months ago and she's amazing!" kwento ni Ate Kayla.

Kumaway sa akin ang katabi kong babae. Isa siya sa mga bago, ngunit hindi kapansin pansin iyon dahil sa closeness niya sa ibang miyembro.

I did my best to learn the moves. Matagal akong hindi nakapag sayaw kaya't nahirapan ako. Isa pa ay sasandali lang akong nag-aral noon, pero marami naman akong natutunan. Nakuha ko rin ang pagmamahal sa pagsasayaw sa sandaling oras na iyon.

"May ibubuo kaming grupo para sa isang dance competition sa university. Hindi ko pa sila nakikitang sumayaw but I hope we can all harmonize," I told Ate Kayla.

"If you need help from us, just tell me," sagot niya kasabay ang ngiti.

Bandang alas sais na nang magpaalam ako. I also thanked Joy for oiling my rusty dancing feet before heading out. Natipuan ko ang choreographies niya bagamat ay may pagka-sexy ito. It's something I've never tried before.

Habang nagaabang ng jeep ay nagpadala ako ng text message sa kapatid ko. Sinabi kong susunduin ko na siya roon. Pagkaangat ko ng tingin ay sumalubong sa akin ang lalaking hindi ko inaasahang makita rito.

Mabilis kong nilagay ang phone ko sa bag para makapaglakad nang mabilis at maayos. Kahit alam kong mahirap nang makasakay sa nilalakaran ko ay nagpatuloy pa rin ako.

"Mae! It's just me!" sigaw niya mula sa likod.

Akala siguro niya ay iniisip ko na magnanakaw siya kaya iniiwasan ko. Hinayaan ko lang siya at halos tumakbo na ako palayo.

Napamura ako nang makahabol siya. Tinanggal ko kaagad ang kamay niyang humawak sa braso ko. Hindi ko siya hinarap, kunwari ay may hinahanap pa ako sa paligid.

May isang matandang babae na nanonood sa amin. Siguro ay nalilito siya kung naho-holdap ba ako o kakilala ko itong kasama ko. Gusto kong humiyaw na lang ng tulong para makaalis ako. But I figured that was a very desperate move!

"Nagmamadali kasi ako, susunduin ko pa ang kapatid ko. Let's just talk next time," sabi ko.

"Okay. But let me accompany you. Gabi na at kasama mo pa si Ji pauwi," Sien reasoned out.

Tumaas ang kilay ko. Pumuslit ako ng tingin sa kanya. Sa hitsura niya ay mukhang kakagaling lang niya sa pagsasayaw. Nakasukbit sa balikat niya ang itim na bag na parang handa ng umuwi. Galing siguro ng studio 'to.

"Ilang gabi na ba ako umuuwing mag-isa," tumaas ang kilay ko, "We should be fine. Just go home, Sien."

Hinayaan ko siya sa tabi ko at naghintay na lang ako ng jeep. Malayo ang nalakad ko, at puno na ang mga jeep na dumadaan dito. Shet naman oh!

"It's the first time you called me by my name since..." tumigil siya.

Umiwas ako ng tingin. Naglakad ako pabalik at sumunod naman siya. Sa tabi ko ay nararamdaman ko ang tensyon na naghihiwalay sa amin. Dapat pala ay nagtricycle na lang ako. Pero pati iyon ay mahirap hintayin dito.

Ang malas ko!

Tumigil ako sa harap ng studio. Hindi naman ako tumakbo para hingalin pero tila napapagod ako.

"Look, Mae, hindi mo na ako maiiwasan ngayon. We'll talk eventually, you know. Sana hindi mo na ako iwasan. I'm not going to hurt you. Please, Mae," papahina nang papahina ang boses niya. Nakatungo siya sa akin at kaharap ko.

"I know. But not now," I answered coldly. Hinawi ko siya, "Hindi ko makita ang daan."

"I don't understand. Ano bang naging kasalanan ko para layuan mo ako? Am I at fault for being the reason why you fell?" His voice almost broke.

Friendshipidity (Chase #3)Where stories live. Discover now