Napabungisngis ako. May chemistry talaga ang dalawang to e. Kailangan lang ng kaunting push.

Ibinalik ko ang atensiyon kay Kia saka ini-strap siya sa upuan. Halos hindi magkandaugaga yung bata sa pangangalikot ng mga bagay na nakikita niya kaya hindi rin ako magpakali sa kakapigil sa kanya na gawin iyon.

Nakita kong umupo na si Ashton sa upuan niya.

"Alis na kuya?" tanong ko.

"Kayo miss. Kung okay na sa inyo."

Tumango ako saka ini-strap ang sarili sa upuan sa tabi ni Kia. Nagsimulang umandar ang chopper kaya tiningnan kong muli si ate.

Naguluhan ako sa itsura niya. Nakatunganga lang sa kawalan habang nakadaiti ang kanyang mga kamay sa kanyang labi. Kahit nasa malayo ay bakas ang namumulang mukha nito.

Napalingon ako sa gawi ni Ashton nang marinig ko ang marahan niyang tawa.

"Anong nangyari dun?" wala sa sariling tanong ko. Nagulat ako nang sumagot yung bata.

"They kissed, that's why." seryosong saad ni Kia. Umiral na naman ang matandang kaluluwa nito.

"Naku baby! Erase mo sa utak mo yun anak ko!" nahintakutan ako sa mga nakikita at naririnig ni Kia. Baka lumaking malandi ang anak ko pag nagkataon.

"Okay mom. Let's go!!" sigaw niya habang tinataas ang kamao.

"Okay miss Kia, ready, get set, go!" saad naman ni Ashton sabay palipad ng sasakyan.

Tili lang siya ng tili sa buong byahe namin ngunit nang papalapit na kami sa building ay bigla siyang nanahimik. Nang lingunin ko siya ay nakita kong nakalupaypay na ang ulo niya sa upuan at tulog na tulog na. Tinanggal ko ang pagkakakabit ng seat belt saka kinarga siya upang mas maging maayos ang pagtulog niya.

Bumaba ang chopper sa rooftop ngunit nagulat ako nang wala man lang sumalubong sa amin. Inaasahan ko pa namang nasasabik si Rio na makita ang anak niya at sasalubungin niya kami dahil gusto niya naman talagang sumama nung una. Ako lang naman talaga ang mapilit na pumunta mag-isa. Ang kaso, wala man lang katao-tao, ni isang staff, wala! Kung hindi pa kami nagkausap na ngayon ang balik namin, baka isipin ko na walang may alam na darating kami ngayon.

Kunot-noong binaybay ko ang pinto patungo sa loob para makababa na kami sa suite kaso biglang sumulpot si Giana sa exit.

"Friendship! Nakarating ka na! Oh my gulay, is this your baby girl?" tili niyang nang magkatagpo kami.

Tumango ako sabay ngiti. "Pasensiya, nakatulog sa byahe e." turan ko.

"Parang girl version ni sir. Ang cute cute. Sarap ilagay sa bulsa!" saad niya pa. Inaasahan kong susulpot din si Rio, na baka ginu-good time niya lang ako at nagtatago lang siya sa likod ng pitno. Kaso nung ilang segundo na at wala pa rin, nalipat ang tingin ko kay Giana.

"G, bakit wala si Rio? Asan siya?" tanong ko nang kunin niya yung ilang bagahe namin.

Natigilan ako nang hindi siya agad nagsalita. "Oy! Natameme ka, tinatanong ko lang kung asan si Rio."

"Ah, n-nasa meeting. Tara dun muna tayo sa office niya." anyaya niya sa akin. Gustuhin ko man ay naramdaman ko na ang pangangalay dahil sa pagkarga sa anak ko. Hindi din maliit na bata si Kia, namana niya yata ang height ng ama niya.

"Ganun ba?" umiling ako. "Ididiretso ko na lang si Kia sa suite. Nangangalay na ako e." paumanhin ko kay Giana. Alam kong marami siyang gustong ikwento pero may ibang oras pa naman.

"Kami, sige na please? Dun ka pupuntahan ni Sir e." pamimilit niya. "Excited na siyang makita ang little Kia niya, siya pa mismo ang namili ng mga laruan kahapon."

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now