Kumibot ang bibig niya hanggang sa unti-unti iyong manginig. Ang magagandang mata na nakatunghay sa akin ay unti-unting napupuno ng luha.

Nagbaba ako ng tingin at bumuga ng hangin. Gosh, alam niya ang kahinaan ko, this brat.

"No." saad ko.

Pero ngumuso lalo ang mamula-mula niyang labi.

"Kia, I said no."

Nalukot ang cute niyang mukha.

Letse! Wala talaga. Talo pa rin ako.

"Fine, go find them a place to live. But don't bring them anywhere near me Kiana." pagbabanta ko.

"Can I keep one?"

"No. And that's it or I'll personally throw them away."

"Yay!" sigaw niya sabay talon sa upuan at takbo palabas. Naiwan ang mga maliit na nilalang na nagsisipaglampugan sa isa't isa habang yung naliligaw na bulate naman ay mukhang masaya nang natutulog sa tabi ng baso ko.

Nanginig ko sa pandidiri. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay uod at bulate. Ewan ko ba kung bakit bestfriend ni Kia ang mga iyon.

May narinig akong mahinang tawa sa tabi at ng sundan ko iyon ng tingin, nakita ko si ate Skye na halos hindi magkandaugaga sa pagpipigil ng halakhak. Tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"May nakakatawa?"

Nagkibit balikat lang siya saka muling dinagsa ng tawa. Sapo niya pa ang sariling tiyan dahil malamang ay nanakit na iyon sa kakapigil niya.

Umirap ako.

"Dahil diyan, ikaw ang ang maglinis niyan." saad ko sabay turo sa plato.

Umismid siya sabay taas ng kilay.

"Akala mo naman may iba pang naglilinis pag bulate at uod ang usapan. Naalala mo ba nung grade 3 ka pa lang tapos binigyan kayo ng gamot kontra bulate, sino ang nagtanggal--"

"Ate!!? Kailangang sabihin yan?" sigaw ko. Banas na banas na nga ako sa mga nangyayari tapos dadagdag pa ang isang to.

"Bakit? May makakarinig ba?" aniya sabay ikot ng paningin sa paligid. "Tayo lang naman ang andito kaya walang problema."

"Tss. Diyan ka na nga. Magluto ka na rin, asar ako sayo e."

"Di wow! Ganyan ka naman talag palagi. Batukan kita ng spatula e."

Binelatan ko lang siya sabay lakad pabalik sa kwarto ko. Naghahanda na akong maligo nang biglang tumunog ng malakas ang cellphone ko sa bag. Ngali-ngaling kinuha ko iyon at sinagot nang hindi tinitingnan ang caller.

"Hello?"

"Kami dear, this is Giana." malambing na turan niya.

"Oy, G, anong lagay?"

"Hmm.. Pinapatanong nga pala si Sir kung anong oras ka daw babalik ngayon." saad niya.

Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit di siya  ang magtanong? Kailangan iutos sayo ganun?" nadala ko sa telepono ang iritasyon.

"Haha! Ikaw naman. Masyado kang iritable. Anyway, anong oras nga at nang hindi ako masinghalan mamaya pagpasok ko."

Tumaas ang kilay ko.

"Bukas pa, bukas ang deadline ng usapan namin e." paliwanag ko.

"Huh? Bukas? E buong akala ni Sir ngayon kaya nga tinatapos niya na yung mga paper works para may oras kayong tatlo mamaya." pagsusumbong niya sa akin.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now