Chapter 5: Clash Of Clan

255 6 2
                                    

Nakalahad pa rin ang regalo kong tinalikuran niya habang pilit kong nilalabanan ang mga luhang tumulo galing sa aking mga mata.

Ibababa ko na sana ang kamay ko nang may isang babaeng nakablack dress na marahas na inagaw ang regalo at naglakad patungo kay Zach na hindi pa nakakalayo.

Hindi agad ako nakareact, lalo na nung hinila niya paharap sa kaniya si Zach at ihampas ang regalo ko sa dibdib nito.

My mouth gaped open when I realized that they are at the center of the crowd.

Oh my God.

Agad akong napatakbo palapit sa kanilang dalawa at hinawakan si Venice sa braso niya para ilayo kay Zach. But she didnt budge.

"Accept that." she said sternly.

Kinabahan ako sa paraan ng pagkakasabi niya. Pero mas kinabahan ako sa nakitang hitsura ni Zach.

They look like both storms under the highest signal, and the minute they collide, it would blow the world out.

"Why would I?" nakita kong mas nainis si Venice. Nilingon ko ang paligid. Please, I hope there could be someone out there who can stop these two.

"Because it is a gift from someone you cant remember." napayuko na ako sa sinabi ni Venice.

This is chaos, dahil lang sa kagustohan kong makausap si Zach, nabulabog ko ang party. Sana hindi ko nalang siya tinawag kanina, sana hindi ko na siya kinausap, sana hindi ko tinangkang ibigay sa kaniya ang regalo ko, edi sana hindi na humantong sa ganito.

"What's happening here?" napalunok ako nung narinig ang tinig ni Aunt Summer.

"Auntie--" I was about to speak when Venice interrupted me.

"Your beloved son just dump someone's gift." Venice said.

Napasinghap ako sa way nang pananalita niya. Si Venice ang tipo ng taong walang pakealam kung ano ang katayuan mo sa buhay, all she believe is that, everyone should be treated fairly.

Napakunot ang noo ni Aunt Summer sa inasta ni Venice.

"Ms. Parker" she acknowledge. Mukhang nakilala niya ito dahil sa matapang na pananalita ni Venice. "Pasensiya ka na sa inasta ng anak ko. But you should be careful with every words you say."

Hindi ko magawang makahinga ng maayos dahil sa mga nangyayari. We are the center of attraction. Bilib din ako sa tapang na ipinapakita ni Venice, dahil kung ako sa kaniya, baka ay nahimatay na ako.

Maybe because she is trained to be brave that she's able to hide her fear. How I envy her.

Hindi sumagot si Venice, sa halip ay tinitigan niya si Zach at kinuha ang mga kamay nito at inilapag ang regalo ko.

"Appreciate what people give you. Cause honestly, you dont deserve it." malutong na sabi niya at tinalikuran na ang lahat. Naglakad na siya paalis habang naiwan ako sa gitna kasama ang mag-inang Freniere. I bowed down at every angle to show my apology.

"Sorry po" I said bago ako sumunod kay Venice.

Naabutan ko si Venice sa dorm na nakabihis na at kasalukuyang nakaupo sa higaan niya.

"Why did you do that?" tanong ko sa kaniya. Tinitigan niya lang ako na parang pagod na pagod na siya. "You shouldnt have dont that." sabi ko habang titig na titig pa rin sa kaniya.

"And let that Zach step on you?" napaiwas ako ng tingin sa kaniya. I know why she did that. I completely know why, pero hindi ko nagustohan ang ginawa niya.

The Freniere's Son (On Hiatus)Where stories live. Discover now