Chapter 3: For The Cheesecake

329 8 0
                                    

Walang klase ngayon, ngunit imbes na humiga sa kama at magpakaprinsesa eh kasalukuyan ako ngayong tumatakbo papuntang Principal's Office. Sa mga hindi nakakaalam, nabili na ng mga Freniere ang Montello High, at si Uncle Tres ang kasalukuyang namamahala nito.

Pagkarating ko sa President's office may kakalabas lang na isang babaeng nasa mid-twenties.

She looks like a slut.

Pumasok nalang ako.

"Just make sure the pleasure is mine--"

"Sorry for disturbing you Uncle but Zach is currently in danger." Agad akong nagsalita pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina niya, kaya bigla siyang napabalikwas galing sa pagkakahiga sa upuan niya.

"W-what are you doing here Ms. Parker?" nabibiglang tanong niya, mukhang hindi pa niya narinig ang introduction speech ko.

I eyed him seriously from head to toe back to his eyes as he is bottoning his polo.

Nasa forty years old na si Uncle Tres but he still dares to have many sluts.

"Checking out if your slutting around. Should I call Aunt Hetta?" bigla siyang umayos ng upo nang akmang kukunin ko ang phone ko. "Venice pag-usapan natin toh." natatarantang sabi niya.

Inirapan ko nalang siya. He has the guts on cheating but he's a coward in facing Aunt Hetta.

"Nevermind, Zach is in danger. Tawagin mo ang Mafia." utos ko sa kaniya. I know this is unappropriate to order someone older than you especially if this someone Im talking is Sebastian Freniere. Pero wala, kailangan kong ipakita sa kaniya na this is an emergency. Pero imbes na tumawag gaya ng sinabi ko eh sumandal lang siya sa swivel chair niya.

"Im afraid I can't do that." tinitigan ko siya na parang hindi makapaniwala.

"What do you mean?" nawawalang-pagasa na tanong ko.

"First, I am not the leader of the Mafia, its my dear brother Giovanni. Second, tatlong araw ko ng hindi nacocontact si Van, third I dont think Zach and the mafia has a good relationship." I frustraredly sigh sabay suntok ng hindi kalakasan sa lamesa niya.

"Is that even important? Buhay ni Zach ang nanganganib! The mafia's heir for pete's sake!" hindi ko mapigilang sumigaw.

Ngunit nakatanga lang si Uncle at walang balak na gumawa ng kahit ano.

"I have to contact Aunt Hetta." I said while getting my phone.

"Hetta is currently on a transaction. You cant disturb her." he pointed out. The more I chitchat with him the more Im wasting my time.

"Then, ikaw nalang ang sumagip kay Zach!" I said while pointing at him as if I just had a very bright idea.

Ngunit itinaas niya naman ang kamay niya na parang sumurrender.

"I cant save someone, Im not good at it, Im good at killing." Kung puwede ko lang suntukin ngayon itong taong nasa harapan ko edi sana ginawa ko na. "But you can" he said while pointing at me.

Napanganga pa ako sa ginawa niya. Ako?!

"Oh no, Im not good at saving"

"But your not good at killing either. Hindi ka pa reaper so you can do whatever you want. Kung magiging reaper ka na limitado na ang magagawa mo, kaya ngayon you have the freedom to save and to kill."

***

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at heto ako ngayon, tumatakbo papuntang nightwoods, bumalik ako sa dorm upang kunin ang mga armas ko like some daggers and a pistol with extra bullets. Why am I running? Hate to say this but Im currently running to save someone's life that might put mine into danger.

Nakarating ako sa nightwoods, aaminin ko, fear is currently building inside me dahil sa mga rumor na maraming namamatay dito, and this is my first time in actual field and I'm already saving a life! Bonus pa na isang Mafia Heir ang sasagipin ko ngayon.

Ugh!

Whats wrong with the mafia reapers? Are they really letting their heir die? Do they have the rights to decide whether they'll save or kill or not?

This is driving me insane.

Habang naglalakad ako, sinigurado ko na bukas ang limang sense ko, mas pinatalas ko pa ang mga ito dahil baka konting galaw lang ay ikamatay ko na.

May narinig akong putok ng baril. The sound echoed, at bigla akong kinabahan. Agad kong pinakiramdaman ang paligid at hinanap kung saan galing ang tunog na iyon.

Until I found myself nine meters away from where Zach is currently standing with his hands up for surrender. Nakaharap sa akin si Zach habang ang mga tumutugis sa kaniya ay nakatalikod. I scanned the surrounding and figured out na tatlo lang ang mga tumutugis sa kaniya, the three men are aiming their guns towards Zach while Zach is smirking at them. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila, dahil na rin sa layo at sobrang hina ng boses nila.

Itinutok ko ang baril ko sa isa sa kanila, I aimed it on the guy's hand. Oo sa kamay, Im not here to kill, Im here to save.

Akmang ipuputok na sana niya ang baril niya nung nauna kong iputok ang baril ko kaya nabitawan niya ang baril niya. Nagtago ako sa puno habang naging alerto ang dalawa nitong kasama. I heard a shout, more like shouting for an order. Narinig ko ang mga yabag nila palapit, hanggang sa nasa harapan ko na sila. Siniko ko ang isa habang pinatid ko yung isa. Nung tapunan ko ng tingin ang kinaroroonan ni Zach eh siya na ngayon ang nagtutok ng baril sa lalakeng kanina eh nakatutok sa kaniya. Tinarget ko ang batok ng dalawang kaaway ko upang patulogin sila, nung natapos ako eh nabigla ako nung narinig ko ang isang putok ng baril. Marahas akong napalingon sa kinaroroonan ni Zach at nakitang tumba na ang kanina'y kausap niya. Lumapit ako sa kaniya.

"What the hell" I muttered.

Bigla niya namang itinutok ang baril sa akin.

"Who are you?" agad kong itinaas ang kamay ko. Right. Nakatakip nga pala ang ibabang parte ng mukha ko. Inaalagaan ko pa naman kasi ang Identity ko.

"Can't you just say thank you?" taas-kilay na tanong ko.

Biglang nanlaki ang mata ko nung naramdamang puputukan niya ako kaya napa-cartwheel ako ng wala sa oras habang sunod-sunod na putok ang nilikha niya. When the bullet ran out eh hingal akong nakaluhod galing sa pagbwelo. "Your not serious in killing me." I pointed out. Dahil kung balak niya sanang patayin ako, madali ng basahin ang kinikilos ko dahil patuloy na routine lang ginagawa ko, ang pagcartwheel nang pagkacrtwheel.

Unless he is dumb enough to not know that.

Bigla siyang tumawa saglit.

"I just want to tire you." I rolled my eyes. Tumayo nalang ako at inayos ang sarili at tumalikod sa kaniya.

"Ge mauna na ako." I said as I wave goodbye.

"Tinatanong kita kung sino ka." he said coldly. A slight smile escaped my lips. He inherited the scary tone Uncle Van has.

"There's no use in telling you." I said and stopped. I faced him with a smile kahit hindi niya makita dahil nakatakip ang isang tela sa ibabang parte ng mukha ko. "Sabihin na nating, this is my way of thanking you for the cheesecake." And I walk out of the nightwoods with a smile.

The Freniere's Son (On Hiatus)Where stories live. Discover now