Chapter 20: Give up the Ordinary

103 2 4
                                    

Unlike other days, Freniere stayed even after two episodes of the documentary series he's been watching. Ako naman ay nakaupo sa couch habang nasa carpet naman s'ya nakaupo. Sobrang kumportable n'ya lang tignan, seryoso ang mukha n'ya pero kapag may nakikita s'yang hindi n'ya naiintindihan or hindi n'ya nagugustohan ay kumukunot ang noo n'ya at minsan ako ang tinatanong.

But unlike other days, this time hindi na ako nagmamadaling paalisin s'ya. Ngayon, naiintindihan ko na ang mga ginagawa n'ya.

This maybe a new side of him but it is actually the real one. Lahat ng nakikita ko sa simula ay maskara bilang isang Freniere. I heard Dianne told me about how warm Freniere is before he got the title of being the heir, kaya nga sobrang tutol ako sa pagmamahal na nararamdaman n'ya dito dahil hindi naman s'ya 'yung Freniere na naaalala n'ya ngayon.

But it turns out ,the Freniere I know was never him all along.

Napatingin ako sa orasan sa taas ng tv at napansing oras na para mag-lunch. Tumayo ako mula sa couch at dumiretso sa kusina, baka lang may naitabi akong pagkain sa ref. I opened the fridge and my mind turned blank.

"You're fridge is very appetizing," narinig kong nagsalita si Freniere sa likod ko.

Napapikit nalang ako sandali at sinara ang ref and faced him. "Mag-order nalang tayo ng pagkain."

"Wow, tayo?" he said looking so amused.

"Oo tayo, oh gusto mo ako lang ang kumain?" nagtatakang tanong ko sa kan'ya. Ngunit imbes na mainis sa pambabara ko ay bigla s'yang ngumiti at umiling.

"S'yempre ako rin," he said and then took out his phone. Hindi ko naman naiwasang mapangiti nang makita ang sobrang lapad na ngiti n'ya habang nakatingin sa phone n'ya.

Pinanuod lang namin 'yung next episode ng series na pinapanuod n'ya habang hinihintay ang pagkain. Siguro kahit ito lang ang gawin namin sa buong araw, hindi ako magrereklamo.

When the food came, agad kaming kumain. We just talked about the series we were watching, he was so amused about the work of the police and he keeps on telling me that detectives are cool. Napag-usapan nga namin si Detective Penber na agad kong inawat dahil baka isipin n'yang cool si Detective Penber kahit hindi naman.

Habang naghuhugas ako ng pinagkainan namin narinig ko na may tumawag sa kan'ya. Nang silipin ko s'ya, nakatitig lamang s'ya sa phone n'ya at hindi sinasagot ang tawag.

Agad kong pinunasan ang kamay nang matapos ang paghuhugas, his phone keeps on ringing.

Kinuha ko ang phone n'ya bigla at nakitang tumatawag si Uncle Tres, hindi man alam ang dahilan, pinatay ko ang tawag pati ang phone n'ya.

"Masyado pang maaga para umuwi ka," sabi ko at umupo sa couch. Ako na ang nagbulsa ng phone n'ya habang nakakunot ang noo n'ya.

He suddenly felt like Freniere with his stares. Nakakita lang s'ya ng nagpapaalala sa kan'ya sa mafia, parang naalala n'ya na ulit na isa nga pala siyang Freniere.

Is he starting to regret coming here?

Nakatitig s'ya sa akin at napabuntong-hininga. Nasa carpet pa rin s'ya nakaupo at agad ibinaling ang tingin sa kamay n'yang nakapatong sa isang tuhod.

"I actually ran away."

What?

Hindi ko inasahan ang sinabi n'ya, lalong lalo na na hindi ko inasahan ang ginawa n'ya.

"I always walk or commute whenever I come here," napangiti s'ya ng mapait. "Maybe some of our guards know where I am pero hindi nila sinasabi dahil takot sila sa akin."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Freniere's Son (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon