Napatitig ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Ang kanyang long sleeve na kulay puti ay nakatupi ito hanggang siko. Isa sa mga paborito kong damit para sa kanya. Ang kanyang itim na relo ay mas lalong nagpapaliwanag sa balat niya.

Umiwas agad ako ng tingin ng mahuli niya akong nakatitig sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Oo inaamin ko miss na miss ko na sya ngunit pinipigilan ko lang iyon.

"Mabaho dito sa palengke mas mabuti pang lumabas ka muna." Wika ko ng hindi lumilingon sa kanya.

"I dont care about the smell. Ang importante sakin ngayon ay ang makita ka," Kiniliti ulit ako ni bakla sa tagiliran kaya siniko ko agad ito.

Hindi ko na sya muling kinausap pa. Naging busy ito sa kakatingin sa kanyang phone kaya hindi na ako muling sumulyap pa. Hindi ko alam kong anong pinag-uusapan nila ni Becky dahil panay ang tawa ng bakla. Naiinis ako kay Becky, tila nag eenjoy pa syang makausap si Matteo.

"Hija ilang kilo itong tilapya?" Tanong ng babaeng matanda.

"65 manang," Ngiti ko saka kumuha ng supot at inilahad sa kanya. Inilagay niya ang napili niyang isda saka ko iyon itinimbang. Dalawang kilo ang kinuha niya kaya napangiti ako. "Salamat po manang," Sumulyap ako muli kina Becky at mukhang may binubulong ito kay Matteo. Naiinis na ako sa titig ng dalawa kaya napag pasyahan kong magsalita nalang.

"Diba may pasok ka pa?" Tanong ko kay Becky.

"Eh na cancel daw yung klase namin. Nag text sakin yung ka kaklase ko." Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Ang kanyang ngiti ay na paghahalatang nagsisinungaling sya.

Walang klase? Hindi ko alam kong maniniwala ba ako sa kanya. Hindi na ako muling nag salita pa. Hindi ko alam kong pano nakatiis si Matteo dito sa palengke, o baka tinitiis niya lang para pakitang tao sakin at kay Becky. Ewan ko lang talaga dahil galit na galit ako sa kanya.

"Pssss?" Napalingon ako sa babaeng tumawag sakin. Katabi lang ito sa pwesto ni ante. "Hija boyfriend mo ba yon?" Nguso niyang turo kay Matteo. Lumingon ako kay Matteo at nanatiling nakatingin ito sakin.

"Bakit manang type mo?" Sarkastiko kong tanong kaya kinilig sya. Ang kanyang mata ay kumikinang habang kumakaway kay Matteo.

"Naku hija matanda na ako para dyan. Pero type ko sya para sayo." Kilig niyang sabi na ikinailing ko. Luminga-linga ako sa paligid at nahuli ko ang iilang bulongan ng mga nagtitinda din. Pinag-uusapan nila si Matteo at iyon ang nakikita ko. Napasinghap ako bago sinagot si Manang.

"Boyfriend ko iyan manang." Sagot ko na ikinilig niya ulit.

Nakagat ko ang labi ko dahil sa inamin ko rin sa sarili ko na boyfriend ko si Matteo. Hindi ko na pinansin si manang dahil may iilang costumer naring lumapit sa pwesto namin.

Malapit ng lumubog ang araw pero hindi pa natatapos ang usapan ng dalawa. Siguro ay tama lang iyon para hindi masyadong mabagot si Matteo dito. Tika nga? Bakit nga ba ako nag-aalala sa kanya.

Bigla ko nalang naramdaman ang kamay ni Matteo sa bewang ko rason kong bakit isa-isang nag sitayuan ang balahibo ko sa katawan. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga mula saking tenga kaya hindi ko magawang lumingon sa kanya.

"I want to buy all your goods, so that you can rest. You've been standing here at kanina pa." Mahinahon niyang saad kaya umusog ako ng kaunti rason kong bakit nabitawan niya ang bewang ko.

"Huwag na..... Umupo ka nalang dun. Nakakahiya naman sa isang CEO at talagang nandito sa palengke hababg nag-aabang sa isang tulad ko." Galit kong saad kaya umawang ang kanyang labi. Ang pag igting ng kanyang panga ay paulit-ulit na tila pabalik-balik sa posesyon dahil sa galit.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें