Napailing na lang ako sa sarili, natatawa na nagawa kong maniwala na magsasabi siya ng ganun. Malamang panaginip lang o baka nangangarap lang din ako. Dala siguro ng pagod kung kaya't nakakarinig na ako ng mga ganung bagay.

"I heard all the shouting--" paliwanag ko.

Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil napaatras ako sa pagkabigla. Naglakad si Rio palapit sa akin gamit ang malalaking hakbang niya.

Itinaas ko ang isa kong kamay para pigilin siya pero nanghihinang naibaba ko rin iyon nang hawakan niya ito at hawiin sa dadaanan. Hindi siya tumigil hangga't hindi magdikit ang mga katawan namin.

Hinawakan niya ang baba ko at itinaas ang mukha ko upang magtama ang mga mata namin. Nakita kong nakailang lunok siya bago nagsalita.

"Why so stubborn Kami?" bulong niya na kaming dalawa lang ang makakarinig.

Ibinaba ko ang tingin sa sahig. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Natatakot ako na nalunod sa mga mata niyang iyon na sobrang lalim kung makatingin.

"S-sumisigaw ka kasi, I need to get to you." ganting bulong ko din. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Parang konti na lang sasabog na ito.

"Look at me please?"

Parang dinuduyan ako ng tinig niyang iyon. Malamyos at nanghahalina. Nakakapanghina.

Unti-unting bumalik ang tingin ko sa kanya dahilan para gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Pagkatapos ay inipit niya sa tainga ko ang nakawalang buhok gamit ang kanyang kamay.

"Iniisip mo ba na kaya mo akong paamuhin, hmm?" nakangiti pa rin siya kaya inisip kong walang halong panunuya iyon.

I nodded.

Tumawa siya sa sinagot ko kaya sumimangot ako. He's playing with me then. Nagkamali lang pala talaga ako.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin at nagsimulang maglakad pabalik sa kama. Kaso hindi man lang ako nakaisang hakbang nang ikinulong niya ako sa dalawa niyang braso. And then the next thing I knew, naglalakad na siya papunta sa kama habang ako naman ay karga-karga niya.

Nakagat ko ang labi ko nang makita na nandun pa pala sa kwarto ang mga kapatid niya. Nahihiyang bumaling ako sa kanya.

"Ibaba mo ko, nakakahiya sa kanila."

Lumipat ang tingin niya sa kanila at sumimangot.

"You still need anything?" he rudely asked the trio.

Naunang umalis si Ruzz kaya sinundan ko siya ng tingin. I'm really feeling guilty dahil sa kinikilos niya. Pakiramdam ko ginawan ko siya ng sobrang malaking pagkakamali dahil sa pakikitungo niya sa akin.

Napansin siguro ni Rio iyon kasi tumalikod siya para mabali ang tingin ko sa pinto.

Bumaling ang nagtatanong kong mga mata sa kanya at nakita ko ang nakakunot niya na namang noo.

"Why do you keep on looking at him? I thought I specifically told you not to look at anyone but me?"

Napamulagat ako.

"Gusto mong dukutin ang mga mata ko para wala kang problema?" naiirita kong saad.

"I'm just asking you not to look at him as if he's the only thing in your mind!"

Inirapan ko lang ang sinabi niya dahilan para pabagsak niya akong ibinaba sa kama. Mabuti na lang talaga at malambot iyon kaya wala akong naramdaman na kahit ano.

"Ang sama mo ah!" singhal ko sabay hampas sa braso niya.

"Mas malala pa sana dun ang gagawin ko sayo kung wala tayong kasama dito sa kwarto." asar na turan niya din sa akin.

Naramdaman ko ang paggapang ng init sa mukha ko dahil sa sinabi niya.Magsasalita pa sana ako kaso naunahan ako kapatid niyang si Ichiro.

"Rio," tawag nito sa kanya. Sabay kaming lumingon sa gawi nito at nakinig. "This might sound rude to you pero gaya ng sabi ko, walang mabuting maidudulot ang babaeng yan sa pamilya natin. Look at what she's done to you and Ruzz. Remember what she did to us before! Bago mo pakinggan ang libido mo, pakinggan mo muna ang mga taong nagmamahal sayo."

Bumalik ulit ang tingin niya sa akin.

"And you," dinuro niya ako gamit ang kanyang daliri, "oras na mapatunayan ko na niloloko mo ang kapatid ko, I will personally crush you to the ground."

"Ichiro!" suway ni Rio pero tumama lang ang salita niya sa pader kasi nakaalis na ito agad.

"I'm sorry," saad niya pagkatapos bumaling sa akin.

Ipinikit ko ang mga mata ko.

"Para saan pa? Ikaw din naman ganun ang tingin sa akin diba?"

Hindi siya umimik kaya napilitan akong magmulat para malaman kung anong reaksiyon niya pero nakatingin lang siya sa akin.

"Maybe." mahinang sagot niya. Binalot ng sakit ang puso ko.

"Anong maybe Rio? Sabihin mo yes. Yes, Oo! Kasi iyon naman talaga ang totoo!" bulyaw ko.

"Yes Kamila. Yes okay!?" nasabunot niya ang sariling buhok. "That's why I'm saying sorry."


******

---a/n: huhuhu. Kelan ba kayo magbabati mga kolokoy kayo! Pagod na pagod na ako sa inyo.

Tulong dears! Kelangan ko ng comments. Haha. Para masaya ako pag nagbubukas ako ng wattpad.

Salamat na din sa votes. Mahal ko kayong lahat.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt