Halos malaglag ang panga ko nang makitang nakatitig siyang muli doon.

"Will you please stop looking at my feet?" iritang saad ko.

Tumunghay siya dahilan para magtama ang paningin namin.

"Bakit?" kunot-noong tanong niya. As if he really doesn't know why! E paa kaya yun, paano na lang kung madumi yung paa ko, matagal na din akong hindi nagpa footspa at hindi na ako confident sa itsura nun. Wala man lang kolorete o kahit ano. Kaya sa halip na sagutin ay binalik ko sa kanya ang tanong niya.

"E bakit nga ba? Bakit mo tinitingnan ang paa ko?" lakas loob kong tanong. Diyos ko, wag niya naman sanang sabihin na madumi na at kailangan ko nang magpapedicure.

"Uh.." ungot niya sabay hawak sa batok. Nakita kong namula ang tainga niya kaya kinutuban ako. Nahihiya ang mokong, isa lang ang ibig sabihin nun!

"Bakit?" humarap na ako sa kanya habang nakahalukipkip. Ang kaninang nahihiyang mga paa ay tumatapik-tapik na sa sahig na parang naghihintay ng sagot.

"Wala naman. Will you shut your mouth? Masyado kang maingay." sabay talikod sa akin.

Ngumuso ako sabay irap. Para namang ano. Nagtatanong lang e. Nang mangalay ako kakatayo, inihagis ko ang heels sa tabi at naupo ng indian style.

Sinusundan ko ang numero na nakasulat sa taas, indikasyon kung anong floor na kami. Nasa ganung ayos ako nang biglang may kakaibang tunog akong narinig sa itaas namin. Napatingin ako sa gawi niya na nakatingin din sa taas.

Pinakiramdaman ko ang paligid. Maliban sa kakaibang tunog, wala na din namang iba sa takbo ng elevator. Mukhang maayos naman ang lahat. Baka, glitch lang sa makinasyon pero maayos din mamaya.

Biglang umuga ang maliit na kahon na kinalalagyan namin kaya napatili ako sa takot. Maging si Rio ay napahawak sa bakal na nasa tabi ng pader para hindi siya mabuwal.

"A-ano yun?" nanginginig kong tanong habang siya naman ay agad ng pinipindot ang emergency button. May sinasabi siya sa maliit na kahon na parang speaker box kaya naisip ko na baka kino-contant niya ang mga operator.

The elevator gave a small shudder before completely falling into a dead stop.

Napatayo ako mula sa kinauupuan ko.

"Anong meron? Bakit tumigil?"

"Baka nagkaaberya. This does not usually happen kaya hula ko ay hindi na-check ng maintenance ang elevators. I think I have to change my staff." mariin niyang saad, halatang nagpipigil nh iritasyon.

"Grabe, ngayon pa talaga?" saad ko na hindi makapaniwala.

Bumaling siya ng tingin saken.

"Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?" tanong niya pagdaka. Hahakbang sana siya palapit sa akin pero bigla na namang umuga yung elevator. This time, mas malakas at mas matagal kaysa sa nauna. Pakiramdam ko ay nahulog kami ng ilang floors bago tuluyang tumigil ang elevator. Napaupo na ako ng tuluyan sa sahig.

Ang maliwanag na ilaw kanina ay biglang humina. Kumurap-kurap ito bago tuluyang namatay. Nabalot ng kadiliman ang maliit na espasyo na inuukupa namin.

Napahawak ako sa dibdib ko. Sinusubukan kong pigilan ang gumapang ang takot pero mukhang mas malakas ito kaysa sa lakas ng loob ko. Naramdaman ko ang pagdaloy ng yelo sa aking mga ugat dahilan para pagpawisan ako ng malamig. Nangangatog ang mga tuhod ko at naninikip ang dibdib ko.

"R-rio.."

"Kamila? Stay put okay, wag ka munang gagalaw. Hindi natin alam kung--"

"R-rio, t-tulungan mo--" hinahabol ko ang aking hininga kaya halos hindi ako makapagsalita ng maayos.

"Kami, where are you?"

Naramdaman kong sumagi ang kamay niya sa braso ko kaya hinawakan ko iyon gamit ang nanlalamig kong mga kamay.

"H-hindi a-ako.. h-hindi ma-kahinga.." kahit wala akong makita sa paligid, alam kong umiikot na ang paningin ko. Ang malakas na tunog ng kampana ang tanging naririnig ko sa aking mga tainga at alam kong kapag hindi ako makakita ng liwanag, mawawalan ako ng ulirat.

"Damn it Kamila, what the hell's going on with you!?" sigaw niya habang niyayakap ako. Naramdaman kong kinalas niya ang bra ko sa likuran saka hinilot-hilot ang mga kamay ko.

Humugot siya ng kung ano sa bulsa saka pinindot iyon. Bigla ay umilaw ang paligid. Nakita kong isang cellphone pala ang hawak niya, may pinindot siya doon saka itinapat ang aparato sa kanyang tainga. Gamit ang natitira kong lakas, ipinokus po ang atensiyon ko sa maliit na liwanag na ginawa niyon. At huminga ng malalim.

"Hello Ichi, damn it man. Code red, I need the special force. Si Kamila, hindi siya makahinga and I don't fucking know why! I need you right now."

May sinabi ang kabilang linya na kung saan sinagot naman ni Rio ng coordinates kung nasaan kami. Pagkatapos ay ibinaba niya ang tawag. Akmang papatayin niya ang ilaw nang hawakan ko ang kamay niya.

"Please.. The light. I need the light.."

Tiningnan niya ang cellphone saka binuksan ang flashlight nito. Ang dating mumunting liwanag ay mas umilaw sapat para mapuno ang buong elevator. Dahil na rin siguro sa salamin na andun kaya mas naging madali ang paglaganap ng ilaw.

Nang masilayan ko ang kanyang mukha, nakita ko ang bumalatay na takot at kaba doon. Hindi ko sigurado kung dahil lang sa liwanag o talagang may luha ang kanyang mga mata. Ang dating masungit at palaging galit na ekspresyon ay napalitan na ng mas malumanay at may halong pag-aalala. Ito yung mukha na matagal ko nang hinahanap-hanap.

"Feeling better?" tanong niya na tinanguan ko naman.

"Stay here, susubukan kong buksan ang pinto." saad niya sabay haplos sa mukha kong puno pa rin ng pawis. Hindi na naninikip ang dibdib ko pero habol ko pa rin ang paghinga.

He stood up, but bent low again. Akala ko kung anong gagawin niya pero nagulat ako nang lumapit siya at pinaglapat ang mga labi namin. The shock of meeting those warm lips against my cold ones was enough to banish the remaining fear away.

He bit my lips and whispered, "Please don't scare me like that again."

Hindi niya na hinintay ang sagot ko kasi tumayo na siya at nagsimulang paghiwalayin ang pinto. He was grunting while trying to push the doors apart at alam kong nahihirapan siya sa ginagawa niya ngayon. When it was evident na wala na siyang magagawa since wala naman siyang gamit, tiningnan niya ang bubong ng elevator sabay baling sa akin.

"Will you be okay alone? I think I have to climb on top of this and see what the damage is."

Kahit hindi ko sigurado ang magiging epekto sakin pag mag-isa na lang ako, tinanguan ko na lang siya. Alam ko din namang hindi siya mapapakali pag nanatili siya doon.

Dahil may katangkaran siya, tinalon niya lang ang isang metal na nakatakip doon para matanggal. Pagkatapos ay hinubad niya ang may kasikipang long sleeves at umindayog pataas. Naunang mawala ang pang-taas na bahagi ng kanyang katawan hanggang sa sumunod na din ang kanyang mga paa.

"Kami, you okay in there?"

Tumingala ako kahit hindi ko naman talaga siya nakikita.

"O-okay lang." pinilit kong lakasan ang boses ko pero lumabas iyon na parang kokak ng palaka. Namamalat kasi ako sa hindi ko malamang dahilan.

"Just focus on your breathing 'kay? I will get you outta here." pangako niya saken.

Tumango pa rin ako at ipinikit ang mga mata pero muli ko rin namang binuksan iyon dahil sa takot na paggising ko ay wala nang ilaw.

Habang nagkakalampugan ang mga bakal sa itaas ko, ang cellphone niya na nakatabi para sa flashlight ay biglang tumunog, kasabay nito ang pagkamatay ng ilaw.

Nanghihinang kinapa ko iyon. I pushed all the buttons pero walang nangyari. Everything is back to black.


****

---a/n: para kay CuteCasey.. Bibigirl, I will be uploading their photos sa another page kasi mabagal si wifi ngayon. Patawad to da max! :) 😢😢

Votes niyo please. And of course, sobrang natutuwa ako magbasa ng comments niyo promise. :)

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now