Chapter 13: New Rules

144 27 13
                                    

Zee's POV

Naglalakad ako ngayon sa corridor. Nang marinig ko ang usap usapan ng ilang estudyante.

'Uy bes! Balita ko bumalik na ang tunay na Queen Bee!'

'Oo nga! Nakita ko siya kahapon! Hinalikan niya si Aled sa labi!'

'Talaga? Hala. Diba yung si Zee na palagi ang kasama ni Aled? I smell war bes!'

'Ako nga din bes eh! Dito na daw siya mag aaral ulit!'

"Hoy. Pag nag usap kayo. Siguraduhin niyong di niyo mababanggit pangalan ko. Sa susunod na marinig ko ang pangalan kong pinagchichismisan niyo. Puputok yang mga labi niyo." Sita ko sa kanila.

"Sorry po Ms. Zee. Wala po." Pagtanggi naman nila.

Di nalang ako sumagot at umalis na. Ayokong umusisa. Wala naman akong paki kung sino ang Queen bee na sinasabi nila. Tss.

Andito ako ngayon sa cafeteria. Dito kasi may brownies kaya dito ako pumunta para bumili.

Kukunin ko na sana ang brownies pero sabay kaming humawak dun.

"Excuse me ha. I got it first eh. Kaya yung others nalang kunin mo" she said with pagtataray. Ay shit! Naapektuhan ako ng kakonyohan niya. Lecheng babae to.

"Oh? I got it first. Kung gusto mo ikaw yung kumuha ng iba." Sabi ko at kinuha ko bigla ang brownies.

"Aba! You're the only one na kumalaban sakin! Who are you ba!? Akala mo kung sino ka ha!?" Aba. Ako pa binangga mo.

"I am..." lumapit ako sa sa tenga niya. "The one who will kill you if you don't shut your mouth up." I smirked at her at naglakad papuntang counter.

May humila bigla sa braso ko at sinampal ako. Shit!

"How dare you to warn me?!" Aba. Di ako bingi! Sigawan ba daw ako pagkatapos akong sampalin?

As usual na ginagawa ko sinampal ko din siya ng two times.

"I dare because I can. Simple as that... Bitch." Sabat ko sa kanya.

"Sino ka ba sa paningin mo ha!? I can expell you! I have a connect with the dean. Gusto mo masampolan?" Hah. Ako pa binantaan mo. Tss. Nonesense.

"Ah. Talaga? Sige. Pa expell mo. Sino tinakot mo?" Natigilan naman siya sa sinabi ko.

"You're really getting in to my nerves. Bitchy bitch." Naniningkit ang matang tugon niya.

"Great. Now I'm done. Tss." Sabi ko't umirap sabay talikod.

Bigla naman dumating si Aled.

"Jhasminn! What are you doing!?" At hinablot niya ang kamay ni Jhasminn daw?

"Eh kasi naman that girl! She slapped me." Mangiyak ngiyak niyang sumbong. Duh. Childish ang gaga.

"What!? Zak? Ginawa mo yun?" Aba ako pa pagbibintangan.

"Yes. I did it. Alangan naman hahayaan ko lang siyang bastusin at sampalim ako? Kaya ayan ginantihan ko ang mukhang chakadal na yan." Umalis na ako sa cafeteria at naiwan na sila dun.

Yung mga estudyante naman nagbubulungan nanaman. Wala na ba talaga silang magawa sa buhay nila?

Habang naglalakad ako pinagtitinginan lang nila ako. Siguro ngayon alam na nilang lahat na kung anong ugali meron ako. And now I'm planning to add my own rules.

Pumunta ako sa office ko. Oo ngayon lang ako makakapunta dun. Nagpagawa pa kasi ako ng office.

Pagdating ko dun. Nandun na ang assistant na inihired ni dad para sakin.

"Good day Ms. Enoveris." Bati niya sakin. Di ko nalang siya pinansin.

Umupo ako sa upuan dun sa mesa ko. Malaki naman ang office ko. Common design niya ay batman. Favorite ko yun eh. Angal ka?

"Hey. What's your name?" Tanong ko sa assistant.

"Chlein Anderson po." Tumango lang ako sa kanya.

"Magpatawag ka ng meeting sa lahat ng department heads ng school. Mamaya mga 3pm."

"Okay po." Tumayo naman ako at umalis na. Ano pang gagawin ko dun may klase pa ako eh.

"Hi Ms. Zee." Bati ng isang lalake sakin habang nakangiti. As usual na ginagawa ko, di ko siya pinansin. Wala ako sa mood makipag usap. -_-

"Hi Zak!" Ayan nanaman siya. Di ko lang din siya pinansin. "Zak!" Pangungulit niya pa.

"Oh?"

"Sorry sa ginawa ni Jhasminn kanina ha?" Sumabay siya sakin ng paglakad.

"Okay. Pakisabi nalang sa girlfriend mo na sa susunod na babanggain niya ako she'll make sure na nakaarmor na ang katawan niya."

"Ha? Bakit naman? At di ko siya girlfriend nu." Nakakunot noo niyang sabi.

"Para di ko siya masampulan ng amazon moves ko." Nag una na akong maglakad sa kanya.

-----

Pagkatapos ng meeting ay umalis na ako. Inanounce ko lang naman ang bagong rules ko. Bukas ng umaga nakapost na yun sa gate panigurado.

Are you wondering what my rules are? Simple lang.

Rule #1. Wala ng Queen Bee na mag eexist dahil si Ms. Enoveris lang ang reyna ng eskwelahang ito.

Rule #2. Walang mangbubully ng kapwa estudyante dahil kung meron man, siguraduhin mo lang na kinabukasan di ka na aapak sa eskwelahang ito.

Rule #3. Siguraduhin niyong tahimik ang mga bunganga niyo kapag andiyan si Miss Enoveris.

Punishment: Humanap kana ng bago mong school kapag di mo sinunod ang rules ko! Loser dies.

Signed By: Bad Girl 🔫

yan lang naman po ang rules ko simple lang diba? ano? may angal ka? Violent reactions?

She's A Pretty BadGirl [COMPLETED]Where stories live. Discover now