Chapter 10: Transform?

156 26 1
                                    

[A/n: ayan po ang picture ng simpleng Zakami sa taas. 😊 enjoy reading]

Sunday na ngayon. Mamayang 2pm party na ni Shane.

Napag isipan kong magmall para bumili ng regalo para kay Shane 9am palang naman eh.

*mall*

Bumili ako ng Gucci bag at glasses na Chanel. Gustong gusto niya kasi yun eh.

Pina rap ko na ang gift ko. At pumunta ng Supermarket. Bumili ulit ako ng napakaraming clover at mayonaise. Medyo matagal na kasing di ako nakakain nito. Namiss ko.

Nang papalapit na ako sa parking lot biglang tumunog ang phone ko.

"Beautiful badgirl speaking."

[Eli. Cous. Pumunta ka sa botique ko hihintayin kita dito bilis.]

"Why?"

[Wag nang madaming tanong punta ka na dito bilis.]

Binaba niya na ang phone . Pumunta mo na ako sa kotse ko at nilagay ang mga pinamili ko baka makita niya ang gift ko sa kanya eh. Surprise yun. Pagkatapos ay pumunta nalang ako dun sa botique niya. Buti nalang di pa ako nakaalis.

*Botique

"Cous bakit ba?" Tanong ko sa kanya na parang naiirita.

"Wow. Happy birthday cous ha." Sarcastic niyang sabi.

"Sorry naman. Happy Birthday. Ano ba kasi yun?"

"Pupunta tayong salon. Magpapaganda." Fuck. It's not my thing. Light make lang ok na ako.

"Cous. Alam mo naman na--"

"Cous I know. That's why I'm making changes to you." Eh ayoko ng changes na yan eh. Di maganda pakinggan."It's just a waste of time cous. Mabuti pa umuwi nalang ako."

"No. Cous please. Kahit para lang sa birthday ko." Oh god. She's really begging.

"Okay fine. Pagbigyan ang birtday girl." Agad naman siyang ngumiti ng malapad. Mukhang may binabalak nanaman na masamo to ah.

"Let's go." Yaya niya sakin.

Sumunod naman ako sa kanya.

------

"Cous! Ew.! Ang panget ko na!" Pero sa totoo lang mas nagandahan ako sa sarili ko. Pfft.

"Ano ka ba Eli!? Kailan ka pa ba marurunong tumingin ng maganda at panget!?" Nakakunot noong tanong niya sakin.

Nagtataka ba kayo kung anong ginawa sakin ng stylist? Simple lang. Minake upan nila ako ng Heavy make up. Then nirebond ang die hair ko. Kaya ito ako ngayon parang dyosa. Haha. Kapal na kung makapal. Maganda naman talaga ako eh. Di nga lang nag aayos.

"Cous. Suotin mo mamaya!" Inihagis niya sakin ang isang bag. Binuksan ko yun at kinuha ang red dress na nasaloob.

"Ano to?" Nagtataka kong tanong.

"Dress ata?" Namimilosopo.

"What I mean is para sa ano?"

"Hay. Bingi kana ba cous? Sabi ko suotin mo mamaya!" Aish. Sinigawan ako. Ang ingay!

"Did I really need to wear this?! It's so girlie!" Pagmamaktol ko.

"You need to wear that in my party. May ipapakilala ako sayo." Nag evil grin pa ang gaga.

"Ano nanaman ba ang pinaplano mo cous!?" Excuse me. Is she planning for me to have a date? Gosh. I'm just 14. Sa august pa ako mag 15. Oh well one week nalang august na.

"I'll show you soon cous."

Pagkatapos namin ni Shane sa salon ay umuwi na ako ng bahay. Wag ko daw iierase yung make up ko mag retouch nalang daw ako para magmukha akong babae. Duh. Ganon na ba talaga ako kaboyish!? 1pm na kami natapos dun kaya nagmamadali akong umuwi. Pano kasi eh nirebond pa ang buhok ko.

Kaartehan talaga ng mga babae. Minsan tuloy naiisip ko bakit pa ba ako naging babae!?

-----

Suot suot ko ngayon ang dress na ipinasuot sakin ni Shane. Papunta na ako sa resort kung saan gaganapin ang party niya. Di na si mommy sumama pero may surprise daw siya sakin sa party ni Shane at sasamahan daw ako nun. Kalokohan talaga ng matandang yun.

Nandito na ako. Madaming tao. Okay na din naman. Maganda naman ang place. Kaya pala gusto niya dito.

Pumasok na ako sa hall. Agad naman akong sinalubong ni Shane kasama si Doggy(Charles).

"Hi cous. Happy birthday." Bati ko sa kanya at binigay na ang regalong dala ko sa kanya. Niyakap naman niya ako.

"Thanks cous. Tara na sa loob?" I just nodded at her at sumunod nadin.

Pinaupo niya ako sa isang upuan na may isang round table.

"Cous. I have a date for you." What does she mean!?

"Hi." Agad naman nag presenta ang isang lalaki mula sa likod ni Shane. Wait. Siya!? "Can you be my date for a day?" Gago pala tong si Aled eh. Nakangiti pa. Alam na alam talaga niya!

"Ano nanaman bang kalokohan it---"

"Cous. Wag ka nang maarte. Si tita Belle ang nagrequest na ipagdate ka kay Aled. And since pinsan naman siya ni Charles. Okay lang." Nakangiti niyang sabi sakin. Nakakaasar na ngiti. Tss.

So ito pala ang surprise na sinasabi niya? Arrgghhhh!! Si mommy talaga!

Tumango nalang ako. Since no choice kasi para naman to kay Mommy at Shane. Umupo si Aled sa tabi ko at nanahimik dahil tinitingnan ko siya ng. Wag-kang-maingay look..

She's A Pretty BadGirl [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora