"Alin po ma'am?" tanong niya.

"Y-yung pinakamatapang po." sagot ko na lang.

May inilagay siyang inumin sa harap ko at dahil hindi naman talaga ako mahilig mag bar, hindi ako pamilyar sa ibinigay sa akin ng lalaki.

Ganun pa man, kinuha ko pa rin iyon at ininom. Napapikit ako dahil sa tapang ng inumin.

"Tama na Kami. Lasing ka na." saad niya.

"Hindi pa ako lasing!" sagot ko. Hindi ko namalayan na mataas na pala ang boses ko pero ayos lang naman kasi maingay sa paligid.

"Let's go. Come on. Iuuwi na kita."

Winaksi ko ang nakahawak niyang kamay at sumigaw.

"Kung gusto mong umuwi, umuwi ka! Walang nagpipigil sayo."

Itinaas ko ulit ang kamay ko saka humingi ng inumin.

Muling binuksan ni Ruzz ang cellphone niya at may tinawagan doon. Kinuha ko naman ang bagong dating na alak saka muling tumungga. Namamanhid na ang dila ko kaya hindi na ako napapangiwi na gaya ng dati.

Hindi nagtagal, nasa harap ko na si Giana at sinasampal-sampal na ako.

"Hoy!" sigaw niya sa mukha ko.

Dumilat ako para tingnan ang mukha niyang asar na asar sa akin. Nakakatawa ang itsura niya. Ewan ko kung bakit pero natatawa ako sa itsura niya. Parang di magtatagal uusok na ang tenga niya sa inis.

"Ahaha! Naistorbo kayo ni Kier no? Ano nang ginagawa niyo ha?" saad ko.
"Ano daw sabi?" tanong ni Ruzz.

Sumimangot ako. Bingi na rin ba si Ruzz?

"Ewan ko sa babaeng ito. Sabi daw, 'naystribo kon ker? Nu wa nyuha?"

Yun bang sinabi ko? Sinungaling ang babaeng to!

"Iuwi na natin yan, malakas na ang tama." saad ni Kier.

Nagkaisa silang tatlo kahit ayaw na ayaw ko pang umalis. Binuhat ako ni Ruzzia bride-style pero nagpapadyak ako kaya nasisipa ko yung mga tao. Nung una, nagpapadyak ako para ibaba niya ako, pero nung magtagal, nagpapadyak na ako dahil natatawa ako kapag may umaaray o kapag may tinatamaan akong tao.

Wala lang, gusto ko lang na masaktan din sila gaya ng sakit na meron sa puso ko. Tama nga iyong hindi lang ako mag-isa na nakakaranas ng sakit ngayong gabing ito.

"Kami, tama na yan." suway ni Giana. Bumaling siya kay Ruzz at nagsabi. "Sa tingin mo ba ayos lang kung susuntukin ko muna para mawalan ng malay?"

Nakita kong umiling ang isa kaya tumawa ako ng malakas.

"Bobo! Nagjojoke lang yan! Umiling ka naman. Si Ruzz, ang tanga-tanga lang parang ako. Hahaha! Umaasa na totoo yung sinasabi ng mga tao sa paligid, yun pala pinaglalaruan lang siya!"

Dapat tatawa ako pagkasabi ko nun e. Kaso imbes na tawa ang lumabas, hikbi ang kumawala sa bibig ko.

"Ang tanga lang! Sinabihan na kasing wag aasa, matigas ang ulo. Ayan tuloy, mamatay-matay na sa sakit." hikbi ko.

"Namamanhid ang kamay ko putek. Bakit ganito to?" sigaw ko sabay wagwag doon para matanggal kaso nanatili ang pamamanhid.

Wala man lang silang imik habang nagsasalita ako. Parang hinahayaan na lang nila na ilabas ko lahat ng negatibong nararamdaman. Pagdating namin sa sasakyan, binalingan ni Ruzz ang dalawa at sinabi na siya na ang bahala sa akin.

Hindi ko na alam kung umalis na ba sila o ano, pinasok niya na kasi ako sa loob ng sasakyan saka ipininid ang pinto.

"Don't cry out loud, just keep it inside. And learn how to hide your feelings!" kumakanta ako ng sobrang lakas kasi feeling ko makakabawas iyon ng sakit kahit papano. Dapat sundin ko si Rachelle Ann Go sa advice niya kaso mahirap mag-keep inside ng feelings.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon