MTJAB: Chapter 9

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi pa ako tapos sa tina-type ko." Sagot niya sa akin.

"G-gusto mo ba ng kape? Mukhang inaantok ka na eh." Tanong ko sa kanya. Kung magpapakabait siya sa akin, magpapakabait din ako sa kanya. Nakakapagod din makipagbangayan sa lalaking ito ano!

"Psh, parang nakakatayo ka nang maayos." Medyo may pagkairita ang boses niya.

"Kaya ko naman!" Sigaw ko sa kanya saka marahan akong umupo. Napangiwi pa ako dahil sa sakit.

"Kaya mo pala ha?" Natatawang sabi niya. Inirapan ko naman siya. Nang makatayo na ako, ipinatong niya sa papag yung laptop saka inalalayan niya ulit ako.

"Kaya ko nga kasi, Liam." Suway ko sa kanya.

"H'wag ngang matigas ang ulo, Lian!" Ma-awtoridad na sigaw niya sa akin. Naramdaman ko ang matalim na tingin niya sa akin kaya naman hinayaan ko na lang siya. Naglakad kami palabas ng kwarto at pagdating namin sa maliit na kusina, napanganga ako dahil wala manlang kaming kahit anong groceries dito kundi mineral water lang at mga gamit sa pagluluto at pagkain.

"Liam, 'di ba may tindahan sa tapat? Bili ka naman ng kape." Pakiusap ko sa kanya. Napakamot naman siya ng ulo niya.

"Ikaw ang nakaisip magkape tapos ako uutusan mo." Bulyaw niya at nagsalubong ang dalawang kilay ko. Napaka-ano nitong lalaking 'to!

"Yung 3-in-1 ang bilhin mo." Sabi ko sa kanya saka ko siya tinalikuran para mag-init ng tubig.

Maya-maya pa, dumating na rin siya dala ang dalawang sachet ng 3-in-1. Gusto rin naman kunyari pa! Nagtimpla na ako at ibinigay ko sa kanya yung isa. Umupo kaming dalawa sa kawayan na sofa.

"Ano bang ginagawa mo? Bakit hindi ka pa matulog?" Tanong ko sa kanya. Sandali siyang uminom ng kape bago ako sagutin.

"Yung project sa Rizal." Sagot niya at napanguso naman ako. Kasi naman mukhang nakalimutan na niya yung sa akin. Ayoko namang itanong sa kanya dahil baka bigla na naman siyang sumpungin ng topak niya.

"Siya nga pala. H'wag ka munang pumasok bukas baka kasi lumala pa 'yang pilay mo." Paalala niya. Sus. Ayaw niya lang akong papasukin dahil wala rin naman akong isu-submit na project! Tumango na lang ako sa kanya.

"Masakit pa ba?" Napapitlag ako nang maramdaman kong humaplos ang palad niya sa balakang ko. Ang init kasi ng kamay niya! Akala mo may heater sa katawan ang isang 'to.

"Ah, oo." Wala sa sariling sagot ko.

"Teka nga. Bakit ka ba nagbabait baitan?" Pagtataka ko sa kanya na naging dahilan ng pagkunot ng noo niya.

"Nag-aalala lang ako sa'yo." Mariin na sabi niya.

"May kapatid din akong babae. Kung mangyari sa kanya 'yan, aalagaan ko rin siya." Paliwanag niya.

"Sus. May kapatid ka ngang babae, napaka-playboy mo naman." Pang-aasar ko sa kanya.

"Psh, hindi nga sabi ako playboy." Bulyaw niya.

"Talaga? Eh bakit ang dami mong babae?" Tanong ko sa kanya.

MARCUS' P.O.V

"Talaga? Eh bakit ang dami mong babae?" Masyado siyang mausisa. Hindi ko alam kung paano ako nakakatagal na kausap siya.

"Nakita ba ng dalawang mata mo na marami akong babae?" Pagbalik ko ng tanong sa kanya saka ko siya tiningnan. Hindi ko nagugustuhan yung sa tuwing titingnan ko siya, parang may kung anong nagwawala sa loob ng dibdib ko. Nakakaloko pero kinakailangan ko pang humigit ng malalim na hininga para lang kumalma. Uminom ako ng kape at halos mapamura ako sa isip ko nang mapaso ang dila ko.

"S-sa carwash station mo." Nauutal na bulong niya.

"Bakit, nagseselos ka?" Anak ng putcha talaga. Kung anu-anong lumalabas sa bibig ko. Kanina pa ganito yung bibig ko sa kanya. Sinimulan sa pausong saklang ni Aling Nena at hanggang ngayon, nakakaloko.

"Ha? H-hindi ah! Wala akong pakialam kahit ilang babae pa yung magpalinis ng kotse sa'yo!" Pagsusungit niya. Yung carwash station, sa aming magkakapatid lang talaga 'yon. Kumbaga, doon kami nag-aayos ng sasakyan namin saka naglilinis. Hindi ko alam kung paano nakarating sa iba na may carwash station kami. Mukha namang magandang negosyo kaya pinatos ko na rin. Doon na rin ako kumukuha ng pambili bili ng pagkain namin nitong Binalatan na 'to. Tss. Hindi ko alam kung bakit napikon ako sa sinagot niya sa akin.

"Talaga? Kung gano'n, dadalas dalasan ko ang pagtambay doon sa carwash station." Bulong ko. Hinintay ko siyang sumagot tungkol sa sinabi ko pero iniba niya ang usapan.

"'Di ba sabi mo sa babae mo nakuha 'yang peklat mo sa kaliwang kilay?" Pag-uusisa niya. Bakit ba kailangan pa niyang ipaalala 'yon?

"Siguro nananakit ka ng babae ano?" Pang-aasar niya. Mariin ko siyang tinitigan na naging dahilan ng paglunok niya. Bullshit. Bakit ba pati paglunok niya ang lakas ng dating sa akin?

Napaatras ako nang hawakan niya ang kilay ko.

"Malalim pa naman. Siguro ang sakit niyan nung sariwa pa yung sugat." Bulong niya. Para akong gagong napapikit at hinila ko ang kamay niya para damahin doon sa peklat ko. Hindi ko alam kung bakit bigla kong na-miss yung haplos ng kamay niya sa sugat kong 'yon.

"Liam..." Bulong niya. Iminulat ko ang mga mata ko at nanigas ako nang makita ko na naman ang pagkinang ng mga mata niya. Bumalik sa alaala ko yung gabing nakuha ko ang peklat na 'to maging yung gabing iniligtas ko siya.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon