"Pinag papantasyahan mo nanaman ang boyfriend ng kaibigan natin. Ang landi talaga nito oh." Turo ni Jessica kay Grace gamit ang tinidor. Nakagat ko ang labi ko dahil gusto kong tumawa ng malakas sa mga itsura nila ngayon.

"Hindi ah.... Sinasalaysay ko lang naman ang bawat pangungusap na alam ko. Baka kasi nakalimutan ni Maey ang iilang panuri, lakandiwa, paksa at panitik ni Sir Matteo." Matigas na tagalog ni Grace kaya nagtawanan ang lahat. Sobrang ingay namin dito sa mesa kaya napapalingon narin ang ibang kumakain at tila naiinis saming tawanan.

"Bakit ka pa nag waitress? Eh bagay naman pala sayo maging guro. Filipino subject ba kamo." Nang aasar na saad ni Ivony. Naninikip na ang dibdib ko sa kakatawa. Ang swerte ko sa mga kaibigan ko. Iba-iba ang talento kaya nakakamangha.

"Wala eh kinapus sa buhay. Kaya nga nagtatrabaho ako para makaipon at makapag-aral narin pag ganon." Naging seryoso ngayon ang mukha ni Grace. Ang kanyang mata ay bagsak sa hapag. Naging maamo ang kanyang ngiti na parang may tinatago samin. Siguro ay gustong-gusto niyang mag-aral.

"Hay naku besh. Susuporta kami dyan, pag naging guro ka ay babalik ako sa pag-aaral." Nang aasar na saad ni Jessica kaya umiba ang aura ni Grace. Ang kanyang ngiti ay biglang lumapad sa sinabi nito.

"Oo ba sigurado akong hindi ka papasa. Baka yung grade mo eh size ng bewang mo. Size zero!" Natatawang sagot ni Grace na ikinatawa naming lahat.

Sumandal ako sa upoan habang pinapanunuod sila. Dito lang ako nakahanap sa Manila ng totoong kaibigan. Meron naman akong mga kaibigan sa probinsya kaya lang ay hindi ko halos nakakasalamuha dahil may kanya-kanya itong trabaho at ang iba ay busy sa pag-aaral. Napabuntong hininga ako habang titig na titig sa phone.

Busy ka? Kumusta ka na dyan? Miss na miss na kita baby. Mag-iingat ka palagi.

Baby? Anong ginagawa mo ngayon? Kumain ka ba sa tamang oras? Huwag kang masyadong mag papagod ayaw kong magkasakit ka. I love you!

Nakakailang mensahe na ako. Paulit-ulit kong pinapaalala sa kanya kong gano ko sya kamahal. Binalik ko ang tingin sa mga kaibigan ko at nag kakatuwaan parin ito. Hinahayaan ko nalang sila saka ako kumain ulit. Panay ang tawa ko dahil sa kulitan nilang apat. Sila ang nagpapawala sa lungkot ko ngayon. Sila ang rason kong bakit may mga ngiti sa labi ko ngayon.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami agad ng bar. Napagpasyahan nilang tumambay sa dancefloor at mukhang mga bata na naglalaro sa gitna. Tawa ako ng tawa dahil mukhang enjoy na enjoy si Grace at Jessica sa kakaikot sa railing sa gitna.

"Maey?" Lumingon ako sa pagtawag sakin ni Ivony. Katabi ko sya ngayon sa may highchair. "Alam ba ni Rocky ang tungkol sainyo ni Sir?" Natahimik ako sa katanongan niya. Suminghap ako sandali. Hindi ko pa nasasabi kay Rocky ang lahat siguro ay sa pagbalik niya dito.

"Hindi pa, pero sasabihin ko naman sa kanya." Eksplenasyon kong ikinabuntong hininga ni Ivony.

"Matalik ka niyang kaibigan, magkaibigan sila ni Matteo. Edi walang problema kong ganon." Wika niya kaya mas lalo akong natahimik. Ang katawan kong binabalutan ng malaking question mark. Pano ko nga ba sasabihin kay Rocky kong pinapaiwas niya ako kay Matteo noon pa.

"Ewan ko Ivony. Siguro ay kakausapin ko sya ng personal." Sagot ko bago niya hinawakan ang aking kamay.

Pagkatapos ng kabaliwan nila sa dancefloor ay isa-isa kaming bumalik sa kwarto. Isa-isa ring bumulagta sa kama dahil sa pagod. Kahit imik ay wala akong narinig mula sa kanila. Tanging hinanok at idlip lang ang naririnig ko. Umupo ako sa kama saka hinalungkat ulit ang phone. Bakit ba ako nagkakaganito eh trabaho ang pinunta niya don. Ang hirap mag-alala lalo na sa taong mahal mo.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Where stories live. Discover now